Chapter Fifty Nine

23K 1.4K 1.2K
                                    

Chapter Fifty Nine

"Sabi ko, oo. Gusto kita."

There's a deafening silence after that. Nakatingin lang kami ni Seb sa isa't isa, parehong hindi makapag salita. I saw how Seb's confused look turn into surprised. His mouth left ajar. Para bang ang tagal bago mag sink in nung sinabi ko sa kanya.

And the more he's not reacting, mas nag wawala ang puso ko. I can feel how fast my heart beats na parang any minute, aatakihin ako. Masakit sa dibdib. Nakakahilo sa kaba.

Sabi ko after competition ko sasabihin! Pero hindi ko alam kung makakahugot pa ako ng ganitong klaseng lakas ng loob kung ipagpapaliban ko. Kaya kahit gustong gusto ko nang mag tago dahil sa biglaang pag amin ko, pinili kong panindigan na lang.

But Seb still left speechless.

At seryoso, kinakabahan na talaga ko.

Kumalas ako ng tingin.

"Uhm... n-need mo muna ba i-absorb yung sinabi ko?" tanong ko sa kanya. Alam kong nabigla ko rin siya and I feel bad. "E-eto dapat yung sasabihin ko after competition, pero mukhang 'di ko na kayang patagalin. T-tsaka the reason why umiiwas ako nung mga nakaraang araw sa'yo, dahil din dito. Because I'm trying to figure out what I feel for you. So.. ayun..." my voice fades at napaiwas ako ulit ng tingin sa kanya.

A moment passed at hindi pa rin nag sasalita si Seb. Mas kinabahan na ako. I know nakakabigla ang pag amin ko sa kanya. But if he feels the same way.. hindi ba dapat, sabihin na niya?

O baka naman ako lang talaga 'to?

Napalunok ako. Parang ang sikip bigla ng dibidb ko. For a moment, parang bigla akong nag sisi na umamin ako.

Lakas loob akong lumingon sa kanya and my heart instantly sinks when I saw the look on Seb's face.

He's not looking at me, instead, nakayuko lang siya. Pero kitang kita ko ang lungkot sa mata niya. At guilt...

Bakit ganyan ang reaction niya?

So ibig sabihin ba nito...?

"Seb...?"

"Iris.." pag putol niya sa sasabihin ko. He's still not looking at me, instead, nakatingin siya sa mga kamay niya na hindi rin mapakali. He looks uneasy.

Napahinga nang malalim si Seb at napahawak siya sa noo niya. Nilingon niya ako at nagtama ang mga tingin namin. Doon ko mas nakita ang guilt sa mga mata niya.

"Iris... sorry."

Parang bahagyang tumigil ang pag hinga ko. Hindi agad nag sink in sa akin ang ibig sabihin ni Seb.

"Iris," napahilamos siya ng mukha. He looks frustrated. "Sorry... I'm sorry... Hindi... hindi ko—"

"Gets!" pag putol ko sa sasabihin niya.

Ayokong marinig. Hindi ko kayang marinig.

His sorry is enough para maintindihan ko.

"Gets na, Seb," sabi ko while forcing a smile kahit na nararamdaman ko ang panginginig ng gilid ng labi ko at pangigilid ng luha sa mga mata ko. "Okay lang. Wag mo intindihin ang sinabi ko. Feeling ko kailangan ko lang sabihin yun. Wag mo nang itindihin."

Hindi nag salita si Seb. Napaiwas ulit siya ng tingin. Hindi niya giniit ang dapat sana niyang sasabihin nor hindi niya ipinaliwanag ang sarili niya. Hindi rin niya ako kinontra ang sinabi kong wag na niyang intindihin.

Stay Wild, Moon ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon