Chapter Sixty

21K 1.2K 504
                                    

Chapter Sixty

SEB'S POV

'Parang u-ulan.'

Ayan ang isip isip ko habang nag lalakad kami papunta ni Iris sa leisure house. Naalala ko nung unang beses kaming nag punta dito, malakas ang ulan nun at pareho kaming basang basa.

"Parang u-ulan," sabi ko kay Iris habang nauuna siyang mag lakad. Hindi niya ako pinansin, dire-diretso lang siyang nag lalakad. Ni hindi nga niya ako tinitingnan, eh. Nung mga nakaraang araw, halos hindi niya ako lingunin. Kinakausap niya lang ako pag kailangan—puro about sa competition. Nung nanalo kami ng award, gusto ko siyang i-congratulate dahil alam kong naghirap din siya sa award na yun---sila ni Mona. Pero para akong asong nababahag ang buntot pag lalapitan ko na siya. Ino-overthink ko kung tama bang move na kausapin ko siya o palipasin ko muna. After all, hindi ko rin naman talaga ineexpect na mangyayari 'to.

Hindi ko inexpect na a-amin sa akin si Iris.

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi niya.

Gusto niya ako.

Ang babaeng dating iniisip ko na hinding hindi ako papansinin, ngayon umamin sa akin na gusto ako.

But what did I do? I ruined everything.

Dahil kesa maging masaya, pinangunahan ako ng takot pag nalaman niya ang mga nangyari sa akin noon.

Narinig ko ang biglang pag kulog ng langit at napahinto rin nang bahagya si Iris. Naramdaman ko ang gulat sa kanya.

Oo nga pala, takot siya sa kulog at kidlat.

Agad akong lumapit sa kanya at hinila ko siya sa tabi ko.

"May payong ako," sabi ko habang inilalabas ko ang payong sa bag ko. "Tabi ka sa akin."

Pero kahit takot ay dumistansya pa rin siya. "Ako rin," matipid na sabi nito at inilabas ang payong niya atsaka muling nag lakad palayo.

Napabuntong hininga na lang ako habang pinapanood ko ang likod niya.

Pag sinabi ko kaya sa kanya, lalayuan niya ako?

Anong magiging reaksyon niya if she finds out someone died because of me?

~*~

I met Iris during the darkest days of my life. Well, hindi niya ako kilala noon and it was just a chance encounter. Naalala ko noon, nakasakay ako sa jeep pauwi galing school. Halos kasisimula pa lang ng school year non at transferee ako. Mula sa high-end all-boys school, nalipat ako dito sa mumunting co-ed private school malapit sa tinitirahan ng tita ko. Dito kasi ako nakakuha ng full scholarship kaya dito ako pumasok.

Sobrang init ng panahon na yun. Hindi init dahil sa araw kundi dahil parang uulan sa gabi kaya naman parang naglalabasan ang singaw sa paligid. Ang lagkit sa pakiramdam. Naalala ko noon kung gaano ako ka iritable. Namimiss ko yung hatid-sundo na naka kotse. Komportable at hindi ganitong kainit. Dahil malapit ako sa may driver seat nakaupo, maya't maya pa may nagpapaabot ng pamasahe sa akin.

Halos hindi ako makangiti nung oras na yon, pero dahil ayokong mas uminit ang ulo ko, ipinasak ko na lang ang headset sa tenga ko at nakinig ng music. Elvis Presley. I always love old songs. It makes my mood better.

Pero mukhang wala rin magawa ang musika sa akin nung panahon na yon dahil ayaw biglang gumana ng headset ko. Badtrip. Kabibili ko lang nito doon sa kanto ng school namin ah? Pangit na nga ng quality, ang dali pang masira. Badtrip talaga. Namimiss ko rin yung mamahalin kong beats. Pero ayoko nang gamitin yun.

Stay Wild, Moon ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon