Chapter Thirty Two

22.1K 1.6K 1.7K
                                    


Chapter Thirty Two

"Tawagan na kaya natin yung magulang niyan? Mamaya hindi na gumising yan eh."

"Five minutes."

"Ba't kailangan pang mag intay ng limang minuto? Mamaya napaano na yan eh yari tayo."

Nagising ako sa bulungan ng mga tao sa paligid ko. I heared two voices arguing. I'm pretty certain it's Seb and Glen.

Medyo nakakaramdam pa ako ng hilo at pagkawala sa sarili kaya naman hindi ko naiintindihan ang pinaguusapan nila.

Unti-unti kong iminulat ang mata ko.

"Iris?" dinig kong tawag sa akin ni Seb at mukha rin niya ang una kong nakita.

Worried. He looks worried. Malayo sa expression niya nung pinag babantaan kami ni Jester kanina.

Teka... pinagbabantaan kami...?

Napabangon ako bigla at naramdaman ko ang hilo dahil sa biglaang pag bangon ko. Parang biglang umikot ang paningin ko.

"Iris, okay ka lang ba? Ba't ka bumangon agad!" dinig kong sabi ni Seb.

"Painumin mo ng tubig," dinig ko namang sabi ni Glen.

Inabutan ako ng baso ng tubig ni Seb at ininom ko 'to. Nang medyo nawala ang hilo ko, atsaka ko tinignan ang paligid.

Nakahiga ako sa isang mahabang sofa. Sa gilid ko ay nakaluhod si Seb at nakaalalay sa akin. Sa isang maliit na sofa naman sa tabi ko ay nakaupo si Glen. Mukhang nalinis na ang mga sugat niya at may bandage ang kaliwang mata nito na namamaga dahil sa pagkakasuntok nina Jester sa kanya.

Tinignan ko kung nasaan ako at doon ko lang narealize na nasa leisure house ako.

Napabalik ulit ang tingin ko kay Seb. "Anong nangyari? Paano tayo napunta dito? Sina Jester? Gaano ako katagal nawalan ng malay?" Napahawak ako sa braso niya. "Si daddy! Please tell me hindi niyo siya tinawagan. Please!"

Pakiramdam ko parang bumalik ulit ang hilo ko sa thought na tinawagan ni Seb si daddy. Mas doble pa ang kaba ko dito kesa nung kaninang nasa harap namin si Jester.

I know very well how daddy will react at baka mas lalo pang masira ang relasyon namin. The last thing I want to do is to make him more disappointed in me.

Hindi ko kaya.

"Relax ka lang," sabi ni Seb sa akin. "Wala akong tinatawagan," he assured.

Parang bigla akong nakahinga nang maluwag dahil sa assurance niya.

Thank god. Thank god.

"Kaya nga dito ko kayo diniretso ni Glen sa leisure house dahil baka pare-pareho tayong mapagalitan pag may nakaalam nung nangyari. May tropa na doctor si Maestro at chineck niya na kayo ni Glen."

Napatingin ako kay Glen na ngayon ay kumakain na ng hotdog sandwich. Ang lala nang itsura niya ngayon, but looking at him now, mukhang hindi naman pala ganoon kalalala ang mga tama sa kanya. O hindi lang niya pinapahalata sa amin.

Parang biglang nag bago ang pakiramdam ko kay Glen. Kung dati ay naiinis ako sa kanya, para akong biglang naawa ngayon.

"Lagi ka ba ginugulpi ng mga yun?" tanong ko sa kanya.

Stay Wild, Moon ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon