Chapter Fifty Five

18.2K 1.2K 478
                                    

Chapter Fifty Five

Hindi ako pinapansin ni Seb.

Well, more like he's trying to give me space. After nung mini confrontation namin sa may cafeteria, hindi na ako nilapitan ni Seb noon. Nung hapon, nung nag yaya mag meryenda sina Chichi, hindi rin siya sumama.

And I feel guilty and hurt.

Iwas na iwas ako sa kanya, ngayong siya naman ang kusang lumalayo, ang hirap pala? Para akong nabaliktad at na karma doon. Nangangati akong itext siya at sabihin na okay na, bati na kami. Mag pansinan na ulit kami kasi hindi ko rin ma take na hindi ko siya kinakausap o hindi siya nagungulit sa akin. Pero alam kong itatanong ni Seb sa akin ang dahilan.

I've got a million excuses. Na list down ko na nga sa papel eh kung ano ang pwede kong palusto.

Pwede kong sabihin na hindi lang ako okay, bothered ako sa Quizardry, na stress lang ako kaka review, I'm not feeling well, and I want to be left alone. I'm sure maiintindihan niya ako.

Pero...

Hindi ko ma take na mag sisinungaling ako sa kanya para maging okay na ulit kami.

At the same time, hindi ko rin naman kayang sabihin kay Seb ang totoong dahilan.

So ano bang dapat kong gawin?

The next morning, maaga akong pumasok as usual. Halos onti pa lang ang mga estudyante na naglalakad papasok ng gate because it's still too early.

Habang papasok, nakita ko si Thea, yung treasurer namin na naglalakad palabas kasama yung best friend niyang si Ann. Usually maaga talagang pumapasok ang dalawang yan kasi nag aalmusal sila doon sa bilihan ng goto at champorado sa tapat ng school namin.

"Morning Ms. Pres!" bati nung dalawa sa akin.

"Morning," I greeted back and gave them a tiny wave.

"Uy ayan pala si Seb!" sabi ni Thea at napatingin siya sa likod ko.

I froze. Hindi ko alam kung lilingon ba ako o didiretso na lang ng lakad kaya naman nabato ako bigla sa kinatatayuan ko.

Kanina pa ba siya nakasunod sa akin o kararating lang niya? Nakita kaya niya ako?

Kung oo then... hindi niya talaga ako binati?

Usually siya nauunang bumati...

"Uy Seb hindi kita nasingil doon sa ambagan kahapon! May utang kang sampung piso!" sabi ni Thea at nilagpasan nila ako atsaka nilapitan si Seb.

"La akong barya," dinig kong sabi nito.

"Sama ka na lang sa'min mag almusal para mabaryahan yan," sabi naman ni Ann.

Hindi ko narinig na sumagot si Seb. Hindi ko alam kung sumama siya kina Thea o hindi.

Pero lumingon ako. My heart beating fast.

At palingon ko, nakita ko siya...

...naglalakad palayo. Kasama sina Thea at Ann at masaya siyang nakikipag biruan sa mga 'yon.

My heart instantly dropped. Imposibleng hindi niya ako nakita kasi nasa harap niya lang ako.

Pero hindi niya pa rin ako pinansin.

Huminga ako nang malalim. I know I brought this upon myself kaya wala akong karapatan na mag tampo o magalit dahil ako naman 'tong umiiwas.

Stay Wild, Moon ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon