Chapter Sixteen

24.7K 1.7K 1K
                                    


Chapter Sixteen

Ang lakas ng ulan.

Nung lumabas kami ni Seb sa school na magka share sa ilalim ng payong, parang naisipan ng langit na pag-tripan kaming dalawa dahil mas lumakas ang ulan.

At hindi lang yun, may kulog at kidlat pa na kasama.

Takot ako sa kulog at kidlat eversince bata pa ako. Naalala ko kasi nung seven years old ako, nag bakasyon kami sa isang rest house sa Batangas. Over looking the sea yung tinuluyan namin na beach house noon. Kaso biglang bumagyo, nawalan pa ng kuryente. Kasabay ng kulog at kidlat, kitang kita ko ang malalaking alon noon sa dagat. Takot na takot ako.

I remember my mom making me some hot chocolate habang si daddy naman kalong kalong while telling me some made up stories about fairytale and adventures.

Eventually nawala ang takot ko sa kulog at kidlat dahil kada may bagyo, ginagawa na nila sa akin yun to calm me down. At some point, nilolook forward ko pa dati yung nasa loob lang kami ng bahay, magkakasama, habang umuulan.

But my fear of thunderstorm came back when my mom wasn't there anymore to make me hot choco and my dad stopped telling me stories.

Biglang kumulog ng malakas and I flinch. Ayokong ipahalata kay Seb na natatakot ako pero too late, mukhang naramdaman na niya.

"Okay ka lang ba?" he aksed.

"Oo, bakit hindi?" I said defensively. Then bigla ulit kumulog at napahawak ako sa braso ni Seb.

"Sorry," sabi ko at agad kong inalis yung kamay ko sa braso niya.

Napatingin ako kay Seb. Doon ko lang napansin na basang basa na siya kasi kahit halos sa akin lang nakatapat yung payong.

"Uy nababasa ka," sabi ko at ibinaling ko sa kanya yung payong.

Napangiti si Seb, yung ngiting mapang asar, tapos muli niya itinapat sa akin yung payong.

"Wag kang magulo, sabi nila mas gwapo ako sa wet look."

Napailing na lang ako.

"Ba't kasi hindi ka nakisabay kay Mona?" I whispered, but loud enough para marinig niya.

"Bakit? Kung sumabay ba ako sa kanya, hindi b-bagyo?" he asked, bemused.

"I mean, para hindi ka sa payong ko nakiki siksik!"

Bigla ulit kumulog at ako ang napasiksik kay Seb. I heard him chuckled. Napa distansya ako nang bahagya.

Bwisit.

"Balik na lang muna tayo sa school," sabi ko. "Baha na raw doon sa kanto kaya baka wala ring dumaan na bus."

"Hindi komportable sa school. May alam akong tambayan."

"Saan?"

Nginitian niya ako.

"Basta.

~*~

Dinala ako ni Seb sa isang bahay. Oo, isang bahay. Ito yung lumang bahay na nadadaanan ko pumapasok ako. Sa kabilang kanto lang 'to from our school.

Yung exterior nung bahay is parang bahay during Spanish era. First storey house lang 'to na may mababang bakuran. Yung labas is parang nababakbak pa na pintura.

Stay Wild, Moon ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon