Chapter Forty

20.3K 1.5K 809
                                    

Chapter Forty

I used to be so close with my parents. Naalala ko how twice a year, lagi kaming nag t-travel. One out of town and one out of the country. My dad's job is demanding kaya lagi siyang busy. We also need to move a lot dahil nalilipat sa iba't ibang lugar ang daddy ko. Para makabawi sa amin ni mommy, lagi siyang nag p-plano ng mga travels namin.

Ever since, hindi ako magaling makipag kaibigan sa mga tao. Siguro factor na rin yung yearly lagi akong nag t-transfer ng school dahil sa trabaho ni daddy. There's no point for me na magkaroon ng kaibigan dahil in the end, iiwan at iiwan ko rin naman sila.

Okay na akong ang tanging tao lang sa buhay ko ay si mommy at daddy. Kahit wala akong kaibigan na nakakasama after class, masaya ako kasi uuwi ako na nasa bahay lang si mommy. Minsan nanonood kami ng movie dalawa. Minsan tinutulungan ko siyang mag bake o mag luto ng dinner. May mga times naman na pag may nire-rescue siyang mga animals, tinutulungan ko siyang alagaan at gamutin ang mga 'to.

Then sa gabi, uuwi si daddy, laging may pasalubong sa akin. Minsan ako ang may pasalubong sa kanya. Mataas na grade ko o kwento na na very good ako ng teacher ko. I can see in their eyes na they feel proud pag nag e-excel ako sa school, kaya naman lagi kong ginagalingan. Hindi naman nila ako pine-pressure or anything, pero may kakaibang saya rin sa akin kada nakikita ko na mataas ang grades ko---lalo na pag nakikita kong proud sila sa akin.

Two years ago, another school year, transferee na naman ako sa panibagong eskwelahan. Akala ko another typical year na naman ulit 'yon. Same old routine. Papasok, mag aaral, uuwi. But that year made an unexpected turn. I managed to have a friend.

Hindi lang isa o dalawa, pero isang grupo sila. They welcomed me sa circle nila and made me feel I belong. Ang saya ko nun kasi for the first time, doon ko lang naranasan kung paano magkaroon ng mga kaibigan. Kung dati hindi ko magets bakit may mga taong nag i-stay sa school after class para tumambay, ngayon gets ko na. Inaabot kami nun ng hapon kaka kwentuhan at daldalan. Sabay sabay kami nag me-meryenda. May pagkakataon pa na nagkakayayaan kami kumain doon sa may fishbolan sa kanto o yung bilihan ng mga burgers at flying saucer.

Nung mga panahon na 'yon, napapadalas na ang pag uwi ko ng hapon. May mga pagkakataon pa na gabi na rin ako nakakarating sa bahay. Halos kasabay ko na si daddy. Naalala ko pinagsasabihan ako ni mommy nun. Sabi niya namimiss na niya yung mga times na tumutulong ako mag luto at mag bake sa kanya. Pinapakita rin niya yung mga na rescue niya na animals pero hindi na ako interesado. Ang alam ko lang, masaya ako araw araw nun. Masaya ako na kabilang ako sa isang grupo. Hindi na ako outsider. Hindi na loner. Kaya pag nagyaya sila, go agad ako. Kasi nung mga panahon na 'yon, natatakot ako na pag hindi ako sumama, umayaw na sila sa akin.

May isang beses nun aroung 8PM na ng gabi, nakatambay pa rin kami sa school. Nagkayayaan kasi silang mag laro noon ng spirit of the coin. Usong uso kasi nun yung mga ghost stories sa school, at gusto nilang makipag usap sa isa. Tumambay kami sa classroom noon at pinatay namin ang ilaw atsaka isinarado ang pinto at mga bintana.

Pero sa kalagitnaan ng pag lalaro namin na 'yun, biglang bumukas ang ilaw ng classroom at nakita namin sa may pintuan nakatayo ang principal ng school. Sa tabi nila ay ang parents ko, sinusundo na ako para umuwi.

Naalala ko kung gaanong hiyang hiya ako na sumama sa mga magulang ko habang naiwan sa classroom ang mga kaibigan ko na pinapagalitan ng principal namin.

Pag dating sa bahay, galit na galit si daddy sa akin. Maging ako rin, dahil sa kahihiyan at takot na baka ayawan ako ng mga kaklase ko, nagalit din ako kay daddy at mommy noon.

Stay Wild, Moon ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon