Chapter Fifty Six

19.3K 1.1K 323
                                    

Chapter Fifty Six

'New café alert!! Kabubukas lang last week! May masarap sila na all day breakfast na pasok na pasok sa budget ng estudyante! Ano g? Bukas! Kita kita tayo doon ah! Ang mang Indian manlilibre ng meryenda!'

Ayan ang message na sinend ni Chichi sa group chat namin. Lahat naman kami nag okay. Na sabay sabay mag b-breakfast doon sa café na tinutukoy ni Chichi. Nagusap pa kami, 7AM dapat nandoon na para hindi kami ma-late sa klase namin.

Malinaw ang usapan.

Pero pag dating ko doon sa café, si Seb lang ang nandoon. Ang sumunod na nangyari ay naka receive kami ng message kay Chichi na na-late siya ng gising at hindi na siya makakapag breakfast kasama naming. Sumunod naman si LJ at sinabing di siya pinaalis ng mama niya ng maaga at pinilit siya mag breakfast sa bahay nila. At si Glen? Ayun, nag dahilan na nag LBM siya.

Gusto kong mapa facepalm kasi sa totoo lang, halatang halata na set up ito. At nakakainis because I fall for their trap! Humanda talaga sa akin yang dalawang yan mamaya.

"So.. mukhang lahat sila hindi makakapunta," sabi ko kay Seb habang nagpapangagp ako na busy sa phone. Pero sa totoo lang, hindi ko siya matignan ng maayos.

After namin mag usap kahapon doon sa hallway, hindi ko na ulit nakausap si Seb. Umalis din kasi siya agad nung dismissal. Tapos biglang nag sink in sa akin na umamin ako sa kanya na hindi ko kayang iniiwasan niya ako at namimiss ko siya! So parang inamin ko na rin na gusto ko siya!

Kaya ngayon hindi ko siya matignan ng diretso sa mata. Parang feeling ko, pag inangat ko ang tingin ko sa kanya, mag iinit ang mukha ko.

"G-gusto mo bumalik na lang tayo sa school? N-next time na lang t-tayo kumain dito?" nauutal utal kong tanong. Bago pa makasagot si Seb tumayo na ako agad at kinuha ko yung bag ko. Pero napahinto ako nang hawakan ni Seb ang braso ko para pigilan ako umalis.

"Ayaw mo ba muna kumain? Medyo gutom na rin ako, eh."

Napalingon ako sa kanya. He's smiling at me brightly. Actually wala namang nag bago kay Seb, pero ngayon ko lang talaga napapansin, he looks very charming when he smiles like that and I swear, it's not healthy for my heart.

"O-okay lang," sabi ko at inilapag ko ulit yung bag sa tabi ko.

Nakakainis. Ang awkward ko na around him! Sabi ko pa naman sa sarili ko hindi na ako magiging awkward around Seb! Pero hindi ko mapigilan kasi kada galaw niya, kada dikit niya sa akin, parang sasabog ang puso ko!

Minsan namimiss ko yung panahong kalmado ako sa tabi niya.

Nasira ko ba yun simula ng magkaroon ako ng feelings sa kanya?

Umorder kami ni Seb ng pagkain. Tinry namin yung omelete at hot chocolate nila dahil ayun yung sinasabi ni LJ na masarap. Habang kumakain, nagulat ako nang nag labas ng reviewer si Seb.

"O ayan Miss Pres ha, nag rereview ako para sa Quizardry! Ginagalingan ko para sa karangalan ng paaralan natin," pabirong sabi ni Seb.

Bahagya naman akong napangiti. Madalas kong makitang hindi nag rereview si Seb. Lagi lang siyang tulog sa klase kaya misteryo pa rin sa akin paano siya nakakakuha ng mataas na grades. Gaano ba ka genius ang isang 'to?

Pero ngayon na mukhang mas nag sisipag siya sap ag rereview, napanatag ako na kayang kaya namin lumaban sa competition.

Ang iintindihin ko na lang ay si Mona, dahil sa totoo lang, I don't know how to deal with her. I know we're not in good terms, pero sa competition na 'to, kailangan namin maging magkakampi.

Stay Wild, Moon ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon