Chapter Six

29.2K 1.9K 496
                                    

Chapter Six

Rejection.

Sabi nila, it is something na hindi maiiwasan. We will experience a couple of rejections in our life and we can't do anything about it but to accept. Ganun naman daw talaga. We will learn from it, they say. Eventually, those same rejections can make us stronger.

Pero meron ding mga rejections that wil scarred you for life. Yung klase ng mga rejection na once na na-experience mo, your life would never be the same anymore.

And often times, we get that kind of rejections to the people we love.

Hindi mawala sa isip ko 'yung itsura ni LJ kagabi after the girl she loves rejected her for who she was.

I had that same expression two years ago---after that incident happened. After me and my dad's relationship crumbled into pieces.

Napatitig ako sa labas ng bintana ng shuttle bus kung saan ako nakasakay papasok sa school. Medyo punuan ang bus dahil rush hour kaya naman naka tayo nalang ako habang nakahawak sa handrail.

Naisip ko, paano kaya kung biglang bumangga kung saan ang bus na 'to? What if I died too? Will my dad cry? O iisipin niya I got what I deserve. Na this is a punishment for what I did?

I can feel my heart breaking into tiny pieces dahil sa mere thought na yun. I tried to shrug it off. Sinubukan kong ibaling ang thoughts ko sa ibang bagay. Ayokong maapektuhan na naman ng pain dahil walang mangyayari sa akin. Gusto ko na lang maging manhid sa sakit.

Biglang nag emergency break ang bus kung saan ako nakasakay at dahil lutang ako, napabitaw ako sa pagkakahawak sa handrail at muntik na akong tumilapon. Kaso may biglang humawak sa magkabila kong balikat at inalalayan ako.

"You okay?"

Napalingon ako sa gilid ko and I saw Harold looking at me with a concerned expression.

Dali-dali akong umayos nang tayo at bahagyang dumistansya sa kanya. My heart is beating fast. I can still feel the ghost of his touch on my shoulders.

"K-kanina ka pa diyan?" I asked him while avoiding his gaze.

"Yep," sabi niya. "I said hi to you nung pumasok ako kaso parang ang lalim nang iniisip mo kanina. Pero kanina mo pa ako katabi.

Nag hi siya. Tapos hindi ko siya pinansin?! Anong problema ko! Bakit hindi ako nag hi back! Ano na lang i-isipin niya? Snob ako?

Gusto ko nang bumaba ng bus.

"S-sorry!" I stuttered. "Hindi k-ko narinig."

Why the hell am I stuttering?

"It's okay. You look pre-occupied. Sino iniisip mo ha?" he said in a playful tone. Napa-angat saglit ang tingin ko sa kanya and he's smiling at me. Gusto kong matunaw.

"Quiz," sagot ko. "M-may quiz mamaya. Nag re-review ako s-sa utak ko."

Napatango siya, "I see." Then bigla siyang napabuntong hininga. "Sana kasing talino mo ako. Kailangan ko nang matinding effort para makapasa. Alam mo naman, ma-k-kick out ako sa team pag may failing grades ako." Napatawa siya while scratching the back of his head.

Ang sarap pakinggan ng tawa niya. Parang gusto kong umiyak.

"H-hindi ako matalino," sabi ko. "Effort din para makakuha ng high grades."

"I know you're just being humble," he said teasingly.

Umiling ako, "hindi talaga. S-si Seb. Siya yung matalino," pag a-admit ko.

Stay Wild, Moon ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon