Chapter Thirty Eight

19.8K 1.2K 915
                                    

Chapter Thirty Eight

Lunes. It's already 6:30 AM at nakahiga pa ako sa kama. Usually, five in the morning pa lang, nag p-prepare na ako for the 8AM class. Pero ngayon, parang hindi ko makuhang bumangon. Naiimagine ko pa lang ang posibleng maging encounter ko kay Harold at Chichi, gusto ko na agad mag tago.

I managed to get by nung leadership seminar. Big help din si Seb nun dahil hindi talaga siya umalis sa tabi ko the whole time. Hindi ko alam kung nakakaramdam siya na something's wrong, pero hindi rin naman siya nag try mag tanong sa akin. Buti na lang, kasi feeling ko pag nagtanong siya, maiiyak ako. And that's the last thing I want to happen. Okay nang isipin ni Harold na umiyak ako dahil sa pagkakauntog ko sap uno. Pero kung umiyak na naman ako nun, hindi ko na alam kung ano pa ang idadahilan ko sa kanya. Baka tumalon na lang ako sa pond kung nagkataon.

Nag talukbong ulit ako ng kumot as I heard my alarm clock rings for the nth time. Ayoko talagang pumasok. Tempted na akong mag call in sick pero baka mamaya may pa surprise quiz at hindi ako makapag take. Hindi pwede. I feel guilty for feeling this way. Dapat studies ako above others pero talagang tinatamad ako ngayon?

Wait. Totoo ba 'to? Nakakaramdaman ako ng katamaran? Hindi pwede 'to!

May naramdaman akong sumampa sa kama ko kaya napa alis ako ng pagkakatalukbong. I saw my black cat, Sebbie staring at me. His round green eyes seems like it's judging me.

"Bakit?" tanong ko rito. "Oo na, para na akong tanga dito."

He meowed as if agreeing on what I said. Aba lokong pusa 'to ah!

I reached for him and scratched the back of his ears. "Gusto mo wag kitang pakainin ha? Akala ko ba magkakampi tayo dito?"

Sebbie purred in my hand, and I feel a little bit comforted. Bumangon ako at bumuntong hininga.

Hindi naman mag babago yung fact na gusto ni Harold si Chichi kahit umabsent pa ako. Sa mga susunod na araw kailangan ko pa rin naman silang harapin. Might as well immune myself to pain ngayon pa lang. Para masanay na ako.

Patayo na sana ako nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Halos mapatalon ako sa gulat when I saw my dad peeking at my room. Napatingin siya sa akin, at bigla niyang ibinaling ang tingin niya kay Sebbie. Para akong biglang nawalan nang hininga. My heart's beating fast. Hindi pa alam ni daddy na may inampon akong pusa. Hindi ko masabi sa kanya sa kadahilanang wala akong idea kung paano niya i-t-take ito. He might get mad and ask me to throw Sebbie on the streets and I'm scared. Kasi alam ko, keeping a pet will only reminds him of mom.

Please, please dad. Please.

Pero nagulat ako nang hindi niya pinansin yung pusa, instead he asked me, "hindi ka pa ba babangon? Masama ba pakiramdam mo?"

Napailing ako, "pabangon na po."

Hindi na sumagot si daddy, muli niyang ibinalik kay Sebbie ang tingin niya. I know he wants to say something, but he decided against it, instead, sinabi niya na lang sa akin, "mag almusal ka bago umalis," before closing the door.

Napahinga ako nang maluwag. I know we already stopped caring about each other's business. At siguro nga damay na ang pag dedecide kong magkaroon ulit ng pet.

Well, at least he didn't ask me to throw Sebbie away.

Iniwanan ko ng pagkain si Sebbie bago ako umalis. Mabilisan din akong kumain ng breakfast at baka ma late pa ako. Fifteen minutes before the bell rings, nakarating ako ng school.

Stay Wild, Moon ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon