Chapter Sixty Six

20.3K 1.2K 769
                                    

Chapter Sixty Six

"Double celebration pala ang ganap natin sa Sabado, eh!" sabi ni LJ sa amin habang nakapwesto siya sa gitna namin ni Chichi at pareho siyang naka akbay sa amin. "Iba talaga pag may mga tropa kang high achievers!"

Kasalukuyan kaming nakatingin ngayon sa board kung saan nakapaskil ang overall top student for this school year ng batch namin. Sa pinaka tuktok ng listahan, nandoon ang pangalan naming dalawa ni Seb.

1. Iris Celestine Castro

2. Sebastian Madrigal

3. Leilani dela Cruz

4. John Angelo Villanueva

5. Ramona Sy

"Feeling ko tuloy ang talino ko rin!" sabi ni Chichi. "Friends kami ng Valedictorian at Salutatorian!" sabi naman ni Chichi.

Tinignan ko siya, "nakapasa ka nga sa university na gusto mo!" sabi ko kay Chichi. "Don't belittle yourself."

Mapapa pout si Chichi. "Pero sad pa rin ako kasi magkaiba kami ng school ni LJ."

"Nu ka ba! Malapit lang naman ang CEU at FEU. Pwedeng pwede kitang sugurin sa Mediola," sabi naman ni LJ.

Chichi's going to CEU habang sa FEU naman nag decide si LJ mag enroll. Pareho silang nakapasa sa dalawang universities na 'yon, nagkataon lang na magkaiba ang naging preferences nila kung saan sila mag e-enroll.

And that concludes, sa magkakaibang university nga ang bagsak naming lahat.

"Teka nasaan na ba si Seb?" tanong ni Chichi. "Nakita niya na ba 'tong result?"

Tumango ako, "he already knows the result because the teachers texted it to us last night. Alam ko nasa faculty si Seb ngayon, kinakausap ata siya about his scholarship."

Hinila ako ni LJ papalapit sa kanya.

"Sad ka?" she whispered.

"Hmm?"

"Na aalis na si Seb," sabi nito.

Tumango ako. I know I can be honest with them.

"Kaya ba hindi naging kayo?" sabi ni Chichi. She looks sad. "Dahil aalis na siya?"

"Isang factor yun," sabi ko sa kanilang dalawa. "Pero marami pang dahilan, and I understand."

Hindi na sila nagtanong pa ulit and I'm grateful na hindi nila ako kinukulit na mag share sa kanila. I know they understand na it's something na mahirap i-share sa lahat.

Muli akong napatingin sa board at tinitigan ko ang pangalan ko sa pinaka taas.

Siguro kung hindi ko naging kaibigan sina Chichi, siguro kung hindi kami naging okay ni daddy, I would probably feel empty looking at my name on top.

Pero dahil naging maayos ang sitwasayon ko, and I got friends I can celebrate with, it made me feel happy.

Thank god this school year is much better than the rest.

~*~

Lunch break. Seb is not yet back from the faculty habang sina Chichi at LJ naman ay nagpunta sa dance club to bid their goodbye. Me and Glen decided to wait for them inside the classroom para sabay sabay na kaming kakain. Afterall, they gave us three hours lunch break. Wala na rin kasing klase at puro rehearsals na lang kami ng graduation ceremony.

Stay Wild, Moon ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon