Chapter Seventeen

23.4K 1.7K 983
                                    

Chapter Seventeen

Isang minuto.

Ganoon lang katagal ang ini-stay ko sa loob ng sasakyan kasama si daddy habang pauwi kami sa bahay. And yet, that whole minute with him makes me feel suffocated.

Hindi nag sasalita si daddy. His eyes are on the road. Hindi ko alam kung galit ba siya sa akin or what. Na disappoint ko na naman ba siya? May nagawa na naman ba akong mali? Bakit hindi siya nag sasalita? Bakit ayaw niya akong kausapin?

May kasalanan na naman ba ako?

Nakarating kami sa bahay. I quietly get out of the car. Ganoon din siya.

"Saan ka galing?" he asked habang papasok kami pareho sa loob ng bahay. It took me by surprise that's why I flinched nung narinig ko ang boses niya.

"Sa school, dad," sabi ko while trying my best not to stutter. I can't look at him. I'm scared to look at him. "Inabutan po kasi ako ng malakas na ulan kaya di agad ako nakauwi."

Hindi siya umimik agad. Nakayuko lang din ako kaya hindi ko makita ang expression sa mukha niya.

"Kung aabutin ka ng ulan, mag text ka lang sa akin para masundo kita," he said after a while at nauna na siya pumasok sa loob ng bahay.

I was left standing outside. For a few seconds, I can't move. Parang may mabigat na nakadagan sa dibdib ko which makes it hard to breathe. Ilang beses akong huminga nang malalim para mawala yung mabigat na pakiramdam pero nandoon pa rin. Eventually, pumasok na ako sa loob ng bahay.

I was expecting him to nag at me. Saan ako galing, sino yung kasama ko, bakit late ako umuwi, bakit hindi ako nag t-text na late na ako makakauwi, umuulan sa labas, hindi ko ba naisip na delikado, and so on and so fort.

Pero wala akong narinig.

Siguro kung sa ibang panahon at sitwasyon ito, I'll be relieved.

But now, it makes me want to cry. Gusto kong pagalitan niya ako, pagsabihan, kausapin tanungin o kung ano pa man para lang malaman ko na may pake pa rin siya sa akin. Gusto kong purihin niya ako everytime na pinapakita ko yung grades ko sa kanya.

I'm doing better, dad. Am I making you proud?

Pero madalas wala rin siyang reaksyon doon.

May mga panahon na iniisip kong mag rebelde just so I can get a reaction from him. But I'm too scared to do it kasi baka mamaya iwan na lang niya ako bigla. Baka maging negative ang reaksyon na makuha ko mula sa kanya.

My mom left us already, I can't bear to lose him too.

Biglang nag beep yung phone ko at nakita kong nag message si Seb sa akin.

'Ayos ka lang ba? Sana di ka napagalitan dahil sa akin. Dito pa ako, sabihan mo lang ako kung gusto mong kausapin ko papa mo.'

Napahinga ako nang malalim. Alam niyo yung pakiramdam na pinipigilan mong umiyak, pero nung may nag tanong sa'yo kung ayos ka lang ba, bigla ka na lang maiiyak?

That's exactly what's happening right now.

Pagkabasa na pagkabasa ko ng text ni Seb, bigla na lang akong napaiyak. Hindi ko nagawang replyan agad si Seb because I'm trying to calm myself down. If there's one thing I hate, ayun ay ang hindi ko ma control ang emosyon ko.

Stay Wild, Moon ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon