Chapter Twenty

23.5K 1.6K 857
                                    

Chapter Twenty

"Mga ilang beses mo pa ako hahatakin ngayong araw?" tanong ko kay Seb habang hila hila niya ako papunta sa hindi ko malaman kung saan.

Napunta na kami dito sa kabilang side ng Rizal Park. Tanaw ko pa rin yung National Museum of Fine Arts from here kung saan kami galing kanina, pero hindi ko na makita sina Harold.

Hinarap ko si Seb na kasalukuyang nakapamulsa habang nakayuko at may sinisipa na imaginary bato sa harapan niya.

"Ba't kayo nag away ni Harold?" tanong ko sa kanya.

Hindi siya sumagot. He's looking everywhere except me.

Huminga ako nang malalim.

"Paano kung mag sumbong si Harold na sinuntok mo siya? Baka mamaya ma guidance ka pa."

Sumimangot si Seb, "hindi mag susumbong yun. Subukan lang niya."

"So bakit nga kayo nag away?" muli kong tanong sa kanya while trying my best not to raise my voice. "Dahil kay Mona?"

Umangat ang tingin niya and he look at me sharply. Medyo napatahimik ako kasi he looks really offended na parang any minute, magagalit na siya sa akin.

Did I say something wrong?!

"Wala ka na bang pake kay Harold?" tanong niya sa akin, slightly raising his voice. "Paano kung maagaw siya ni Mona?"

Hindi ako sumagot agad. Napatitig ako kay Seb. He looks so frustrated.

Napahinga ako nang malalim.

"He's not mine in the first place," halos pabulong kong sagot. My voice almost cracked.

Napayuko ako. Parang gusto kong maiyak. Buong araw gusto kong maiyak but I'm holding back my tears. Pakiramdam ko kasi if I let my self cry, mas magiging totoo ang pain na nararamdaman ko.

Pinapaulit ulit ko na lang sa isip ko na wala rin naman akong plano i-pursue si Harold. Wala naman akong plano maging kami. Masaya na ako na magustuhan siya from afar. Okay na 'yun. More than enough na nga na kinakausap niya ako eh.

Pero bakit ganun? It hurts like hell.

Nagulat ako nang bigla akong hilahin ni Seb palapit sa kanya and he enveloped me in his arms. It was a quick hug with a tiny pat on my head. It didn't even last two seconds. Humiwalay din siya sa akin agad at bumulong.

"Balik na tayo doon," he sounds calmer. His eyes are soft, so is his facial expression. Wala na yung frustration na pinapakita niya kanina.

Nauna siyang maglakad pabalik. Sumunod ako sa kanya.

I'm confused but I felt his sincerity. Isang mabilis na yakap and altho it did not lessen the pain, I feel somewhat comforted.

~*~

"Nag suntukan kayong dalawa?" tanong ni LJ nang makabalik kami sa grupo ni Seb. Magkahalong gulat at natatawa tawa ang itsura nito habang nakatingin kay Seb at Harold.

"Siya lang nanuntok," sabi ni Harold while pointing at Seb at natatawa tawa rin 'to.

Bumalik ang pagka simangot nang mukha ni Seb habang medyo namumula ang tenga nito as if he's embarrassed sa ginawa niya.

"Pare ko," sabi ni LJ kay Seb at inakbayan niya 'to. "Ba't mo naman sinuntok si Harold?"

"Medyo masakit ha?" sabi naman ni Harold habang hinahawakan niya ang gilid ng labi niya. Nakangiti pa rin siya as if he's amused by Seb's reaction. "May emosyon yung suntok, eh. Tumatama."

Stay Wild, Moon ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon