Chapter Twenty Seven

20.3K 1.3K 335
                                    

Chapter Twenty Seven

"I love you," LJ said to Jen with so much admiration.

Although that's sweet at hindi ko alam na vocal palang tao si LJ pag dating sa ganyan, I just wish someone will get me out of this situation dahil dama ko ang awkwardness habang nakatingin si Chichi kina LJ.

Ang bilis ng tibok ng puso ko, parang lalabas sa dibdib ko. Pakiramdam ko ako yung nahuli, eh.

"Nandito ka pala LJ," sabi ni Chichi. Her voice is so cold and I never heard her speak like that.

Napatayo naman sa gulat si LJ at napatingin sa amin. She looks so shocked. Yung itsura niya parang nag hiwalay ang kaluluwa at katawan niya.

"Chi.. Ms. Pre..." sabi niya at gusto ko na lang mapailing dahil di niya magawang kumpletuhin ang mga pangalan namin na akala mo eh na-paralyze siya.

Napatingin ako kay Jen. She looks so worried at bakas sa mukha niya ang kaba.

"Ayan ba yung play na gagawin nung kabilang section?" tanong ko all of the sudden. Buti na lang naalala ko yung narinig ko sa faculty nung dumaan ako doon para ibigay assignments namin. May project yung kabilang section na stage play.

"Ha?" nagtatakang tanong ni LJ and I swear, gusto ko na lang mapa facepalm kasi tinutulungan ko na siya lumusot, pero ang slow pa niya.

"Ah!" sabi ni LJ after a few seconds ng pag l-loading niya. "Oo! Tinutulungan ko 'tong si Jen mag practice."

Tumango naman si Jen and the way she nods eagerly, sobrang obvious na both of them are telling a lie.

Every one of us looks at Chichi. We're all waiting for her reaction.

Then suddenly, bigla siyang ngumiti.

"Kinabahan ako akala ko nag p-practice ka na ng mga lines pang confess sa crush mo! Magtatampo pa naman ako pag di mo sinabi sa akin na may crush ka na!" sabi ni Chichi, suddenly pouting.

Napansin kong napahinga nang maluwag si LJ at napangiti.

"Sus, oo ikaw unang makaka-alam," LJ told her.

Napatingin na lang ako sa sahig.

Well, that's a big fat lie and why do I feel like, time will come, pag aawayan nila 'to?

Wag naman sana.

~*~

"Ano 'to?" tanong ko kay LJ nang abutan niya ako ng cheesesticks at gulaman habang nandito ako ngayon sa may veranda ng second floor ng school building namin.

Dismissal, pero hindi pa ako pwedeng umuwi dahil nakabantay ako kay Glen at Seb na kasalukuyang nag lilinis ngayong ng hallway.

"Pa-thank you sa pag salo sa'kin kanina," sabi ni LJ. "Muntik na talaga ako doon."

Kinuha ko yung cheese stick na bigay ni LJ at inalok ko siya. Naki kuha rin siya doon at pareho kaming kumain.

Napatingin ako kina Seb at Glen. Pareho silang may hawak na walis at pang dampot. Nakita kong inapakan ni Seb yung winawalis ni Glen kaya naman tinignan siya nito nang masama. Nag peace sign lang si Seb sa kanya.

Sa kakaganyan nila, tignan ko lang kung matapos nang maaga yang dalawang yan.

"Buti naisipan mong banggitin yung play!" sabi ni LJ. "'Di ko talaga alam gagawin ko kung mabuko ako."

Stay Wild, Moon ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon