Chapter Nineteen

21.2K 1.7K 974
                                    

Chapter Nineteen


If there's one thing I don't want to happen, it's for me to get involved between Seb, Mona and Harold. Ino-observe ko pa lang sila, halu-halo nang emosyon ang nararamdaman ko, what more kung madamay pa ako?

This is so unnecessary. Kung may delete button lang ang feelings, matagal ko nang dinelete yung akin. Hindi na ako natutuwa sa mga nangyayari at mga nararamdaman ko ha? Parang little by little, I'm losing control.

Hindi maganda 'to. I need to regain my control again.

Kaya naman nung mahimasmasan ako habang hatak hatak ako ni Seb palayo doon sa dalawa, agad kong binawi ang wrist ko sa pagkakahawak niya.

"Teka lang," sabi ko. "Bakit mo ba ako hinihila?" tanong ko sa kanya.

Hinarap niya ako and he looks so frustrated.

Madalas kong makita si Seb na kalmado o nangaasar, pero ngayon ko lang ata nakita na ganyan siya ka frustrated.

I guess I'm not the only one who's losing control here.

"Martyr ka ba?" tanong niya sa akin. "Bakit mo kukuhanan ng picture yung dalawa?"

I shrugged, trying to keep my cool kahit alam ko na ang tumatakbo sa isip ng isang 'to. "Because Harold asked me to."

Napahinga siya nang malalim as if trying to calm himself down.

"Kapag ba sinabi ni Harold na kumain ka ng pako gagawin mo?" irita niyang tanong.

I'm usually calm. As much as possible, I try my best not to show my emotion.

Pero nakakahawa ang pagkairita niya so it took my every will not to let my emotion get the best of me. I look at Seb and gave him my resting bitch face.

"Just say you're jealous and go," I told him, deadpan.

Seb was taken aback dahil sa sinabi ko. Kita ko ang gulat sa mga mata niya and for a moment, I rendered him speechless. He opened his mouth as if he wants to make a rebuttal but it seems like he's lost for word.

I almost smirk. Almost.

"S-selos? Hindi ah!" he finally said while stuttering.

I almost roll my eyes. Parang ibang lalaki ang kaharap ko ngayon. Kahit sa pag de-deny niya na nag s-selos siya, nauutal pa rin siya.

He likes her that much, huh?

"Wag mo akong gamitin para mawala ang atensyon ni Mona kay Harold. I have no time nor energy to do that."

He blinks at tinignan ako na parang hindi niya na g-gets ang sinasabi ko.

"I know you like Mona. It's quite obvious," pagpapatuloy ko.

Napahinga siya nang malalim at napatakip ng mukha. Siguro sa kahihiyan na nahuli ko siya?

Then bigla siya napatingala, as if parang may malalim siyang iniisip. He looks so frustrated.

Napailing na lang ako. I'm done. Wala nang ibang dinulot ang araw na 'to kung hindi puro distraction. May kailangan pa akong gawin.

Tinalikuran ko na siya and I was about to walk away nang bigla niyang hawakan ang balikat ko.

"Saglit lang!"

Stay Wild, Moon ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon