Chapter Sixty One

19.4K 1.2K 510
                                    

Chapter Sixty One

SEB'S POV

"Magandang hapon!" masiglang bati sa amin ni Maestro pag pasok namin ni Iris sa loob ng Leisure House. Ngiting ngiti itong nakatingin sa amin habang pinupunas-punasan niya ang alikabok sa ibabaw ng counter.

"Good afternoon po,"magalang na bati ni Iris dito, but she did not smile. Blangko lang ang expression ng mukha niya---resting bitch face kung tawagin ng mga kaklase namin. Matapos non ay naunang naglakad si Iris papunta sa manga section at naghanap ng mapupwestuhan namin.

Naiwan ako doon sa may counter. Nagkatinginan kami ni Maestro. He's giving me a look na para bang alam na niya agad na may mali. Bumulong ito sa akin.

"Nag away kayo 'no? Anong ginawa mo?" paratang niya agad. "Mag sorry ka na lang! Tapos ilibre mo ng pagkain!"

Napakamot ako sa likod ng tenga ko at napabuntong hininga.

"Mukhang 'di madadaan sa panlilibre ng pagkain 'to," sabi ko kay Maestro. Kung masasapak ako mamaya ni Iris, I would totally understand. Deserve ko naman.

Napatingin ako sa nakabukas na TV sa may counter. Nanonood ng balita si Maestro. May panibagong scam company na naman ang naipasara ni Governor Madrigal. Governor. Nanalo siya nung huling eleksyon. Tsk. Ang dami pa ring nagpapauto na mga tao.

Nang mapansin ni Maestro na nakatingin ako sa TV, agad niyang pinatay ito.

"Ako na lang man lilibre sa inyo. Kumuha na kayo ng kahit anong noodles at inumin diyan, ako na bahala doon," sabi niya sa akin.

"Salamat Maestro," sabi ko dito.

Si Maestro. Naalala ko kung paanong madalas na dito ako tumambay sa Leisure house nung mga panahong kalilipat ko pa lang. Ni hindi ako makausap nang kahit na sino. Lahat nilalayuan ko. Kahit ngiti hindi ko magawa. Pero naging matyaga sa akin noon si Maestro. Lagi akong kinakausap, kinukwentuhan. Hanggang sa unti-unting gumaan ang loob ko sa kanya at naikwento ko na rin sa kanya ang tungkol sa lahat ng nangyari sa akin.

One thing about Maestro is he never judges me nor tried to give me advice. Nakikinig lang siya sa akin. Paminsan minsan mag bibiro, o 'di kaya icocomfort ako sa pamamagitan ng pagpapahiram sa akin ng mga manga collections niya o panlilibre sa akin ng pagkain.

Sapat na 'yon, sa totoo lang, para maramdaman kong kahit papaano, may handang dumamay sa akin.

Naalala ko, siya rin ang dahilan kung bakit kami naging magka tropa ni Harold noon. Dito sa lugar na rin na 'to, nang minsang ma stranded kami pareho dahil sa malakas na ulan. Akala ko talaga si Harold yung tipo ng taong hindi ko magiging kaibigan, but it turns out, ang dami rin namin pagkakaparehong dalawa.

Siya ang pangalawang tao na pinagsabihan ko tungkol sa mga nangyari sa akin, and he never judges me too. Ni hindi nagbago ang pakikitungo niya. Siya rin ang dahilan noon kung bakit naging kaibigan ko si LJ at Chichi. Naalala ko kung paanong pilit nila akong isinasama sa grupo nila, sinasamahan kumain, niyayaya mag meryenda pag dismissal.

Katulad nung kung paano rin nila unti-unting hinatak si Iris sa grupo nila, ganoon din ang ginawa nila sa akin.

I became less lonely after that.

Kaya naman nung nalaman kong gusto ni Iris si Harold, hindi na ako nagulat. Handa na nga akong suportahan silang dalawa eh.

Except that one incident where I punched Harold in the face. Pero ngayon, I feel like I'm the one who deserve a punch.

Stay Wild, Moon ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon