Chapter Fifteen

23.4K 1.8K 1.5K
                                    


Chapter Fifteen

Four hours.

That's the total amount of time since Ramona Sy entered our class.

Apat na oras. And yet, sa apat na oras na 'yun, parang ang dami nang nangyari that involves her.

Ten minutes before the class start after ng lunch break, dinig ko ang mga bulungan ng mga kaklase ko. Usapan na agad na sabay nag lunch si Mona at Seb.

"Walang sinasabayan mag lunch si Seb pero si Mona sinabayan niya," bulong nung isa naming kaklase na babae.

"Ganda kasi eh," sagot naman nung isa at napabuntong hininga 'to. "Gwapo din naman si Seb kahit 'di mo maseryoso minsan."

Minsan? Madalas ko siyang hindi maseryoso.

"Gago nito ni Seb," sabi nung kaklase namin na lalake. "Natulog lang, nilapitan na ni Mona. Samantalang ako ibinigay ko pa sa kanya yung baon kong Ferrero pero hindi ako ang sinabayan mag lunch."

Nagtawanan yung mga kaklase kong lalaki.

"Bro baka ipinakain na niya kay Seb yung Ferrero mo!"

At muli ulit silang nagtawanan.

"Baka naman thankful lang si Mona kay Seb kasi tinulungan siya kanina!" sabi nung isa namin kaklase. "Kayo talaga malisyoso niyo."

"Kahit na," sabat naman nung isa. "Ikaw ba naman ang makasabay ang isang Ramona Sy sa lunch. Pinagpala si gago masyado."

Isang Ramona Sy.

Sino nga ba ang isang Ramona Sy? The way they talk about her parang kilalang kilala na nila ito samantalang apat na oras pa lang nila ito nakakasama.

Apat na oras, at laman na agad siya ng usapan ng mga tao.

"Magkaka jowa na ba si Seb?" tanong ni Chichi sa akin pagkarating nila ni LJ sa classroom.

"May papatol kay Seb?" natatawa tawa namang tanong ni LJ.

Nagkibit balikat lang ako sa question nilang dalawa.

"So sabay nga sila kumain kanina sa canteen," sabi ni Chichi. "Sabi nung isa namin kasamahan sa dance troupe, shawarma rice daw ang inorder ni Seb tapos si Mona carbonara."

Napalingon ako kay Chichi, "pati yung inorder na pagkain nakarating sa inyo?"

Tumango si Chichi, "girl, sa school na 'to, mabilis pa sa wifi ang chika."

Then bigla napasinghap si Chichi, "wait lang! Umorder ng Shawarma si Seb!"

"O eh ano kung umorder siya nun?" tanong naman ni LJ.

"Paano kung nag kiss sila tapos amoy shawarma yung hininga niya?" Chichi asked innocently.

Pareho kaming napa roll eyes ni LJ. Pinigilan ko, pero di ko talaga kinaya.

"Chichi yung imagination mo rin mabilis pa sa wifi! Nag lunch lang yung dalawa, halikan na agad yung iniisip mo?"

"Ba't 'di mo ba na-imagine?"

Napatigil saglit si LJ as if imagining na nagkikiss si Mona at Seb. Biglang umasim yung mukha niya na parang kinilabutan siya.

"Walanghiya nakakakilabot! Ang sarap mo sapakin Chichi bakit pinasok mo 'to sa isip ko! Erase erase erase!"

Stay Wild, Moon ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon