Mate

5.7K 202 3
                                    






Dumilim ang expression nya,parang pag shishift na,.

nagpabago bago ang kulay ng mata nya.
Tanda lamang na nakikipag laban ito sa kanyang wolf

Alam kong pinipigilan nya ang wolf nya.
Sana matanggap  nya ng maluwag ang desisyon ko.

"Alpha King,kumalma po kayo,medyo hindi tayo nagkakaintindihan eh,walang galang na po.
Pero isa akong alpha,at hindi ko pinangarap maging Luna Queen,kaya pasensya na..
Maaari na kayong bumalik sa pack doctor upang masuring mabuti kung matindi ba ang iyong natamo,ng sa ganon gumaling na kayo.,"sabi ko na may mahinahon na tono ngunit ang pagkagulo sa sinabi niya nandon parin sa aking kalooban

Pinipilit kong maging mahinahon sa sitwasyon na ito.

Bigla na lamang siyang tumayo at mahigpit na humawak sa aking magkabilang balikat
Nasaktan ako ng bumaon sa aking balikat ang bagyang pag baon ng kanyang kuko .
Ngunit ininda ko ito at hindi gumawa ng aksyon

"Hindi!!,ikaw ang mate ko,at hindi kita hahayaang maghanap ng isang mate bukod sa akin,...

naaiintindihan mo,akin ka lang.Kahit ubusin ko ang buong pack mo, maging aking Luna  ka lamang,akin ka lang ,sakin... "
Seryoso nyang banta,...

nakakatakot man mas pinili kong kumalma ang aking itsura.

Bilang isang alpha hindi ako papayag na magmukhang isang munting nilalang  dito sa sarili kong pack.
Huminga ako ng malalim ...at pinakalma ang sarili
,ayaw ko ng gulo,isa syang alpha King kailangan ko syang respetohin at  ano bang laban ko kundi magpakumbaba,at intindihin,
sa ngayon kailangan ko munang paliwanagan sya ng maayos.At ilihis ang walang patutunguhang  usapan na Ito.

Tumango ako at kumalma ang kanyang itsura

"Alpha King,kailangan nyo nang mag pahingang muli,sasamahan ko na po kayo,."

bahagyang galit pa sya, at ramadam na ramdam ko ang kanyang ,matatalim na tingin,..iginaya  ko sya palabas ng opisina ko na akala ko nong una magwawala pa sya, ngunit nag pati-anod nman sya,
na ikinahinga ko ng maluwag.

Habang hawak ko sya,ramdam ko ang maliliit  na kuryente na nagmumula sa kanya,hindi ko lubusan na maunawaan ang pakiramdam na ito,masyado akong naguguluhan at nababahala sa mga nangyayari ngayon...

Nakarating kami sa pack doctor,na walang imikan,tahimik din sya,na ipinagpapasalamat ko,at na wala sa isip nya yung kanina pa nya ipinipilit

"Alpha,kami na pong bahala sa kanya,."

  Akmang hahawakan ng pack doctor si Alpha King ng kayong humigpit ang hawak nya sa baywang ko,at biglang tumalim ang tingin nya sa pack doctor,...

"Huwag na huwag mo akong ihihiwalay sa mate ko,kung hindi tatakasan ka ng buhay..."ang lamig ng pagkakasabi niya na ikinanginig ng pack doctor ko  napaatras din ito,..hindi ko mapigilang mapabuga ng hangin

Ang hirap pakisamahan  ang mga dominant alpha..

Oo na,isa na ako don,isa rin akong alpha,kaya alam ko.
Mas nangingibabaw ang aming pag uugali ng wolf

"Alpha,paumanhin sa mga kinikilos nya ,Pero tama sya ,isa syang pack doctor,sumunod nalang tayo,dahil Alam nya ang dapat gawin.Kailangan mo din ito,ng maging maayos na iyong  pakiramdam ,..."

Iginaya ko sya sa isang malambot na higaan,at tinulungan na makahiga,...hawak nya kamay ko,..tch,wala pa atang planong paalisin ako,tinanggal ko ang kamay nya ngunit muli lamang nya itong hinawakan muli...

Nag ngingit-ngit na ang aking kalooban sa kakulitan nito eh..

pasalamat sya,alpha King sya kung hindi kanina pa sya bumulagta at isa ng malamig  na bangkay...,sa laking tao nito,nagmumukhang ewan sya eh....

At nakakatakot narin ang kinikilos nya,hindi bago sa paningin ko ang mag mate na parehas ng kasarian. 

..nakatadhana sa aming mga lobo,na may  mate ,at yun ang pinaka magandang regalo samin ng aming mahal na Moon Goddess...
Pero sa lahat  ng mga lobo,ako ang  naiiba  , isinumpa ako ng isang mangkukulam ,na  kahit kailan,hindi ako magkakaron ng isang mate...
At matagal ko ng natanggap iyon,...

Nag mind link agad ako sa doctor,
"Doc,patulugin mo sya..., kailangan kong makaalis,..."

"Masusunod alpha"maikli nyang tugon

Ilang minuto lang , lumapit ang pack doctor,tinurukan nya ang alpha King sa baraso,na parang wala lang din sa alpha King,sabi ng doctor sa mind link ,10 minuto lang  at tatalab na ang gamot,

Kaya ngayon kailangan ko lang na kausap-usapin siya,para di makahalata....

"Alpha,maaari ko bang malaman kung ano ba talaga ang nangyari sa Iyo,bago ka mapadpad dito??"

Tahimik Ito,na parang nag-iisip,...magkasalubong ang makapal nyang kilay,

Ngayon ko napagmasdan ang mukha nya ng malapitan...
Maganda syang lalaki,kung siguro'y siya'y naging babae,napakaganda niya dilag,at talagang makukuha nya ang atensyon ko...

Biglang may kung anong akong naramdaman sa dibdib,

tumibok ang puso ko ng mabilis,...kaya napahawak ako don,...
Anong nangyari?ano itong nakaramdam ko??


"Aking Luna!!!"na ikinagitla ko,...
"Huh??--"kaya napatingin ako sa kanya sa bigla nyang sigaw... napatingin ako sa gilid ko,kami lang dalawa,,..sino bang sinisigawan nito??

"Ayos ka lang ba, aking Luna?kanina pa kita kinakausap ngunit nakatingin ka lamang sakin,at nabahala na  ako ng hawakan mo bigla ang iyong dibdib,na tila bay nahihirapan kang huminga??"sobrang lapit nya,...

Teka nga lagpas 10 minuto na ...bat parang di parin siya tinatablan ng gamot,...hindi kaya,totoo talaga ang balita na,ang alpha King ay hindi tinatablan ng mga uri ng mga gamot ..

Napakamot ako sa batok,

Paano na Ito??pano ako makakaalis dito???

Unexpected Mate (BxB)Where stories live. Discover now