Past

1.4K 75 3
                                    






"Bakit? tinatanong mo pa ako?paano mo natatanong ang bagay na iyan?"



"Mama,paki-usap hindi--hindi ko kayang sumama sa inyo,mahal ko ang mate ko at ang anak ko.
Kaya pakiusap tigilan niyo na ito.Hayaan nyo na kami ng mate ko."

Biglang tinanggal ng babaeng stranghera ang kanyang kapa,na nakataklob sa kanyang ulo.
Sa oras na iyon,lalong nagulo ang kalooban ko.
Parang  binabagyo ang kalooban ang pakiramdam ko sa mga oras na ito.

Si lola,ang babaeng iyon.




"Hindi,makinig ka ,anak...sumama ka saakin,kakalimutan ko ang pagtataksil mong nagawa sa ating lahi.Hahayaan kong mabuhay ng masaya ang mag-ama mo.
Basta sumama ka saakin."

"Hindi!Hindi ko kayang gawin iyon mama,pakiusap hayaan niyo na po kami."

Nagbago ang expression ni lola,naging malamig ito.

"Iyan na ba ang huli mong desisyon?"

"Opo.Mama"
Nakayukong sabi ni Mama kay lola..

Akala ko ayos na ang lahat pero tulad ko,nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Mama ng muling magsalita si lola.



"Sinusumpa ko sa araw na ito,ang lahat ng pagtataksil mong kasalanang nagawa ay pag babayaran ng anak mo.
Tatanggalan ko siya ng kakayahan at kasama na ang kanyang lobo sa------"

"Hindi!!!"
Sigaw ni Mama

Kasabay ng sigaw niya at pagtagos ng isang matalas na bagay sa kanyang tiyan mula sa likuran..
Nandon ko nakita si Papa. 
Gamit ang espada,muli niyang itinusok sa dibdib tapat ng puso si lola..

Napaluha ako sa aking nakita..
Hindi maaari...panong nangyari iyon?
Gusto kong ipagsigawan na isang paglilinlang na ilusyon na bagay lang ang nangyayari..

Parang bulang nawala si lola sa kanyang pwesto...

si lola ang sumumpa saakin..

Ayaw kong maniwala,hindi ako makapaniwala..

Biglang naging iba ang sitwasyon na kinapwepwestohan ko.

Pero tulad ng una ,napapanood ko lang ang lahat.

"Magbabayad kayo...sinusumpa ko,babalik ako .."
Sabi ni lola ,na pinapagaling ang kanyang sarili gamit ang mahikang pang pagaling...


"Hahahaha.. kapatid anong nangyari sa ito?"sabi ng isang babaeng kaedad lamang ni lola,
Napakaamo ng mukha niya.

"Elissa,nagagawa mo pang tumawa,sumpain ka!"galit na sigaw ni lola

"Pasensya na hindi ko mapigilan,ano nga bang nangyari?
Huwag mong sabihin tinangka mo namang bumalik sa iyong anak?"

Natahimik si lola,yumuko siya na may inis sa mukha..

"Bakit ba ayaw mo nalang tumigil,makinig ka...
Pwede naman kasing humanap nalang tayo ng ibang papalit sa anak mo.
Isa pa hindi lang naman siya ang may na nanalaytay ng dugo ng ating ninuno.
Posibling makahanap pa tayo,maghintay lang tayo ng kaunti panahon."

"At kailan pa?!,kung saan huli na ang lahat..."

"nakikita ko sa aking pangitain,pag hindi ka nag ingat sa iyong mga kilos at desisyon,mag sisisi ka.
Wala na bang pagpapahalaga kahit katiting na nararamdaman mo sa anak mo.Kapatid tandaan mo,anak mo siya,dugo at laman.Paano mo naiisip na ialay ang iyong anak."
Lumambot ang tingin sa mata ni lola,pero muli din agad itong bumalik sa malamig na expression..

"Isa akong reyna,ina ng ating lahi..Mas importante ang magiging kalagayan ng ating lahi ,kahit pa ang isakrepesyo ko ang sarili kong anak."


Muling nagbago ang scenario sa aking paligid,
Sa mga oras na ito,kinabahan ako,sobrang lakas ng tibok ng puso ko na aking nararamdaman..

Pamilyar na ang lahat,ito ang pinaka nakakatakot na alalang mayron ako.
Gusto kong umalis at ayaw makita ang mangyayari.
Pero kahit anong gawin ko nanatili parin ako saaking  kinalalagyan..

Nakita ko muli ang lahat na pangyayari,kung paano namatay ang mga magulang ko at pag dating ng aking lola, na siyang tumayong magulang ko.

Nakita ko kung paano niya,nilinlang ang mga rouge na kalaban ng aming pack,at planohin ang pag paslang saaking mga magulang...

Umiilaw ang paligid,nanlalabong mata ko muling tiningnan ang reflection ko,nasa harap ko siya.At malamig na nakatingin saakin.



"Nasagot ko na ang iyong mga katanungan."

Tumango ako.
Hindi ko alam ang dapat isagot...



"Marami ka pang pagdadaanan,sa oras na mahina ka na,may isang dadating na tutulong para malagpasan mo ang iyong suliranin."

Sa Ganon sitwasyon,nagising ako sa ilalim ng tubig,lumangoy ako para makaahon,
Sa pag-ahon ko,may tumulong sakin,hinigit ako paalis sa tubig..

Ramdam ko na nakatingin lang sila saakin,..Hindi alam ang dapat kong gawin dahil sa mga nalaman ko.

"Maligayang pagbabalik,Luna Queen"
Rinig kong boses ng dyosa ng templo.

Tumingin lang ako saglit sa kanya,at muli tumango lang ako,..
Umupo ako sa tabi ng  fountain.


"Batid kong may hindi magandang nangyari at hindi maganda ang nalaman mo."



"Dyosa ,Maaari bang humiling  sa iyo?mahina kong sabi


"Depende sa iyong kahilingan"



"Gusto kong tumagal sa lugar na ito.Hanggang hindi ko pa naiisip ang tamang gagawin pag balik sa sarili kong mundo.Bigyan mo ako ng panahon para pag isipan ang lahat."


"Hmm,kung iyon ang iyong nais,pag bibigyan kita...Pero sa isang kondisyon,may hihingin akong kapalit."

"Ano iyon."




"Sa  bahagi ng templo,may isang parte ng pagkatao mo.At iyon ang hahanapin mo."


Napaisip ako sa sinabi niya,parte ng pagkatao ko?

May nakalimutan ako ?
Pero ano iyon?..
Muli kung Inisip pero blangko ang sa isipan ko.

Tumayo na ako,

Sigurado akong maalala ko din iyo sa oras na kailangan ko ng maalala.

Pero sa ngayon,gusto kong pag isipan muna ang lahat..

Paano ko haharapin ang problema pagbalik...

Iniisip ko palang ,parang ayaw ko nang umalis dito...

Oo,inaamin ko..naduduwag ako sa kahaharapin ko..

Kung sino pa ang mga mahalagang tao sa buhay mo,siya pa ang makakasakit ng ganito sa damdamin mo.

















Unexpected Mate (BxB)Where stories live. Discover now