Silly Alpha king

2.5K 119 2
                                    

Mga nagtatakang tingin at mga iba ibang emosyon ang nakikita ko sa mga mata ng aking mga nasasakupan.

Napuno narin ng kahihiyan ang pagiging Alpha ko at Bilang leader sa mata ng aking pack.

Sinong Alpha nakilalang mabangis at istrikto na makikita na buhat-buhat ng ganito?!huh?!!

Pakiramdam ko binuhat ako ng isang prinsipe at akoy isang prinsesang bihag .yung kaibahan lang lalaki ako at isang Alpha.
Ngayon ko lang ito sasabihin"nasan ang hustisya?!"

Sobra na!!!!

Malupit!!!!

Matindi!!

Naka-nga-ngang naka tingin ang aking Beta.

"Huwag kang tumingin sakin!!!!!"mind link ko dito.

Puno ng ngit-ngit ang kalooban ko.ansarap patulan ang Alpha King na ito ah.

Tuloy lang sya sa pagbuhat sakin .. hanggang makarating kami sa kwarto ko.Dahan dahan nya akong binaba at nag lakad papuntang pintuan.Akala ko lalabas na sya,yun pala inilock .

Muli syang bumalik sa akin.
Hindi agad ako nakareact.ang bilis ng pangyayari ...bigla nya akong dinamba.

"Alpha King,ipag paumanhin nyo po.
pero hindi ba.
Kailangan nyo na pong magpahinga.
Mabuti pa Ihatid ko na po kayo sa inyong silid."pigil asar sa boses kong sabi dito.

Ilang minuto pa hindi ito kumilos.anong Pakulo nanaman ba ito.
Napaka mapaglaro naman sobra ng Alpha King na ito.

hindi man lang ito kumibo.
Ng sinilip ko ang mukha nya.
Aba nga naman, mahimbing na.

Ang bigat nya,nakadagaan sya sakin...
Ako ang nahihiya sa pagkamaharot na paraan nya..

Napahinga nalamang ako ng malalim.
Hinintay ko ang sampong minuto bago ko unti unting inalis ang pagkakadagaan nya sakin ..at masasabi kong antindi na naman ng kapit nya....

At sa huli,nakawala ako sa kusa nyang pag bitaw...

Hay salamat,at nag kusa....



Nakatitig ako sa mukha nya.

Isang nakakatakot na maalamat na Alpha King,kung matulog ay parang isang sanggol na walang kamuwang muwang sa paligid niya....

Hay....bakit ba kasi nangyayari ito??Naguguluhan ako.
Bakit nya pinag pipilitan na ako ang mate nya??

Isa akong Alpha.
Paano mangyayari naman magkakaron ako ng isang
Mate at sa Alpha King pa mismo.

At sobrang imposible din dahil naisumpa ako ng isang top 3 black witch,.sa hindi malamang dahilan hindi namin nalunasan ang sumpa.

Sumpang magiging mortal ako.
Mawawalan ng wolf.
Kung walang wolf walang mate.

Pero dahil bago maisagawa ang sumpa,naunahan sya ng ama kong sugurin.
Malaki ang pinsanlang natamo ng black witch..Pero and inaasahan pang yayari bago sya namatay nabigkas nya ang sumpa pero hindi nya ito natapos..

Kaya ang epekto.nawalan ako ng wolf,pero ang lakas at abilidad ng isang Alpha wolf ay nasakin parin.
Mas swerte parin ako.

Ilang minuto ang lumipas...
Hindi narin ako nagawang dalawin ng antok..
Napagpasyahan ko nalang na lumabas na lamang ng silid.

Madaling araw na pala..

Dahil sa nangyari .Lahat ng pack member ngayon ay nagpapahinga...

Bukod lang sa mga Delta na mga nagbabantay sa hangganan...

"Oh,antahimik mo yata?"
Sabi ko pag kapasok ko sa office ko.

"Eh kasi naman noh ,Master.natakot ako sa Alpha King,pano pag bigla akong nagsalita tapos natuntun nya ako.
Ide patay ako."nakangusong sabi nito.napailing nalamang ako.
Tss ...parang bata...

Lumapit ako sa mini kitchen ko sa loob ng aking office.
Pinasadya ko itong ipagawa..Pero minsan ko lang gamitin pag wala akong mautusan.

Nagtimpla ako ng kape.
Minsan nakakawalala ng sakit ng ulo o di kaya problema ang pagkakape.

"Saan ka ng galing kanina?"

"Nagtago ako sa halamanan binantayan kita sa pintuan."
Parang bata pa nitong sumbong.

Lumakad ako pabalik sa office table ko.
At umupo sa upuan.
Inikot ko ang upuan paharap sa bintanang salamin.
Aba sunrise na pala.

Napakaganda ng mundo.
Bigla kong saad sa akong isipan.

Sa gitna ng bulubundokin sumisikat ang araw.....

Hinding hindi ako magsasawang panoorin ang scenario na ito.....

Pinikit ko aking mga mata ko....

Bigla kumanta si Lytania...
Napakalamig ng boses niya..
para bang dinuduyan ako sa himig nito....

Patuloy kung pinakinggan ang kanyang kanta...



Unexpected Mate (BxB)Where stories live. Discover now