Jade'mate

1.7K 84 2
                                    




"Mate...."bulong ni Beta Jade

Sinundan ko ang tingin ang kanyang tinawag na niyang mate...

Nakakagulat na pagkakataon...
Dahil  kung sino pa ang pinuno ng laban na ito..
.siya pa ang mate ni Beta Jade...

Nakatingin din ito kaya Beta Jade...

Mabilis na nawala ito sa isang iglap sa kanyang kinatatayuan...

Dahil katabi ko lang si Beta Jade...

Mabilis ko ding itinulak  si Beta Jade pa Alis...

Alam ko sa mga oras na ito,hindi niya kayang talikuran ang kanyang mate basta basta..

Alam kong hindi tama...Pero nakikita ko sa mata ng pinuno ng aming kaaway ay ang gustong pumaslang...

Wala itong pusong pinaslang ang mga makita nitong dragon na hindi niya nasasakupan...

Tumakbo ako paalis...
Inilagan ang mga atake ng dragon na nag aapoy sa galit ...

Nakalayo kami ng distansya sa kanya... Pero alam ko matutunton din niya kami....

..
"Lytania,puntahan mo ako,Itago mo si Beta Jade."

Walang pang ilang sigundo,sumulpot ito sa aking harapan....

Gumawa ng lagusan si Lytania na alam ko'y dito lang rin konektado sa lugar na ito...

Pinauna ko nang pinapasok silang dalwa...

Akmang papasok ako sa lagusan,ng may apoy na tatama saakin....

Mabilis ko itong iniwasan...

Nag mindlink ako kay Lytania,

"Isara mo na ang lagusan!!"

"Pero master!!hindi---"

"Sige na !!"

Wala itong nagawa kundi ang sumunod...

Baka makapasok pa ang dragon tapos ang lahat ng iniligtas namin mapahamak pa...

Tumakbo ako palayo para makagawa ng planong mapabagsag ang dragon na ito...




Patuloy ako sa pag iwas,at ganon din ang ginagawa niya,

Sa tulong ng matataas na bato,ginamit ko ang natitira ko pang lakas..

Tinawag ko ang aking hindi ko pa na gagamit na lakas...

"tinatawag kita,sundin mo ang nais ko..."kinumpas ko ang aking mga kamay ,inilabas ko ang aking pwersa mula dito.

Uminit ang akong noo,nag simula na itong sumakit...
Pero hindi ko ito pinansin,bagkus itinuloy ko parin ang paggamit ko sa aking kakayahang saakin ay ipinagbawal...

Napagalaw ko unti unti ang mga ugat mula sa lupa...
Tumigil ako sa pagtakbo,ng pakiramdam ko kaya ko ng kontrolin...

Humarap ako sa kanya ..
Kaunti nalang ang distansya niya mula sa akin ng buong lakas kong inipon ang buo kong lakas...

Wala akong sinayang na oras,lahat ng inipon kong lakas,buong pwersa kong ibinato ang lahat sa kanya...

Lahat ng mga ugat mula sa lupa,mabilis na gumapang sa kanya,binugahan niya ito ng apoy,pero kaunting pinsala lang ng aking mga naipon kung ugat,tuloy-tuloy  parin sa pag labas mula sa lupa...
Mabilis  na lumipad pataas ng dragon,malakas na pag angil sabay pakawala ng rumaragasang apoy sa aking pwesto,pero agad kong hinarangan ng mga nag lalakihang ugat para panangga mula sa apoy...

Unexpected Mate (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon