Possessive Alpha King

4.3K 188 1
                                    






Pagkalabas ko ng room,akmang hahakbang ako palayo ng may pumasok sa isip kong posibling  mangyari.



Kaya dali-dali kong hinubad ang aking balabal na gawa sa balat ng hayop  at bumalik sa alpha king.

Lumapit ako sa kama at dahan dahan na kinuha ang isang  unan.

Ipinulupot ko ang balabal  sa unan upang maamoy nya ito,At itinabi ko sa kamay ng alpha King na natutulog,at hindi nga ako nabigo.

Niyakap nya agad ito,at bumalik sa maaliwalas na mukha ang kanyang reaksyon na kanina'y isang nakasimangot at salubong ang kilay.

"Kayo na ang bahala,aalis na ako."mind link ko sa kanila.

"Opo Alpha"sagot nila

At naka Labas na ako ng matiwasay sa pinto
Lakad takbo ang ginawa ko...

"Beta,nakita mo na ba ang pinahahanap ko?"

"Pasensya na Alpha hindi po ako makakapunta dyan,Nagkaron biglang problema sa hangganan.

Kaya si Delta Miguel ang  pinaasikaso ko.
At na contact na din po,Alpha, ang Solemnia pack,papunta narin sila dito."

"Magaling" maikli kong tugon

Pagkatapat ko sa pinto ng opisina ko,napakunot agad ang noo ko sa amoy,...rouge scents,..

Pag pasok ko,nag iisa ang Delta ko,inikot ko ang paningin ko sa buong silid,hindi ako nagkakamali ,scent ng rouge,...

"Sinong pumasok dito bukod sayo?" Malamig kong  mindlink

"Wala Alpha,ako lamang ang nandito"nakakunot noo nyang sagot,tila bay nagtataka....

"hindi mo ba naaamoy?"

Lumanghap siya ng hangin at napalaki ang mata....

Ano bang nangyayari sa Delta  ko,masyado bang abala  ang utak nya sa ibang bagay???
Pano kong isa itong mapanganib na rouge,idi tapos kami,pano kung isa itong hunter?ide mas lalong lagot.

Nakakadismayadong ang pangyayaring ito.

Sinundan nya ang amoy,at napahinto sya sa malaking aparador...

Unti-unti nyang binuksan ang pinto nito,at tila ba ito'y nagulat.

Lumuhod sya sa tapat ng aparador,at may binuhat sya palabas,pagharap nya,may isa syang batang babae nasa tingin ko'y 12 na ang edad na walang malay..

Napansin ko bigla ang pag iba ng kulay ng mata nya,nag aagawan ang kulay ng ginto at orihinal niyang mata.. Ito ba yong tinatawag na connection,pag nag tagpo ang isang taong lobo at ang  kanyang mate....

Ano kaya ang pakiramdam na matagpuan ang sariling mate?..

Napatanong na Lamang ako sa aking sarili

"Alpha,pwede ko bang ,dalhin ko muna sya sa---"pinutol ko agad agad ang sasabihin nya.. sa pamamagitan ng pagtaas ko ng kamay

"Sige na,umuwi ka na,asikasuhin mo muna ang iyong mate"

Pero di pa man siya nakakaalis .muli ako nag salita ako.

"Delta,isasalang ka muli sa matinding pag tatraining.
Hindi mo na amoy ang scent ng rouge ngayon,
At sa susunod na mangyari pa ito,baka mas may manganib dahil sa naging pabaya ka at naging mahina sa paligid mo."

"Nauunawaan ko po.Gagawin ko po iyon alpha.
Patawad kong naging mahina ako ngayon at pabaya.Babawi ako"Nakangiti  pa niyang sabi
At umalis na...

Unexpected Mate (BxB)Where stories live. Discover now