Darius awakening

1.5K 91 5
                                    

"Darius Pov"

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata,
ang liwanag...

Agad din akong napapikit...

"Nasan ako?"
Inamoy ko ang hangin na nasa paligid ko.Pero amoy ng mga ibang nilalang lamang at isang pamilyar na scent akong nakuha..

"Master?!,gising ka na!"masaya sigaw nito.

Lumipad siya papunta sakin..
Bakit si Lytania lang ang nandito.Nasaan na ang iba.?

"Nasan tayo Lytania?"

"Nasa mundo tayo ng Puting diwata ,master"

"Bakit tayo nandito?"

"Master may nangyari.."sabi niya na hindi ko maintindihan ang expression

May nangyari??

"Ipaliwanag mo"
At doon niya kweninto ang lahat..
Mula sa una hanggang sa huling pangyayari....

.

Napabuntong hininga ako para mailabas ang sama ng loob ko..
Hindi pa natatapos at nareresolba ang una kong problema ,may nakahanda na agad...

"Halika na , Kailangan kong makabalik sa kaharian sa lalong madaling panahon.

..lalo lamang masisira ang kaharian sa oras na dumadaan."

"Master,hindi ka pa naunumbalik ang buo mong lakas ...paano kong may Hindi Kanais nais maganap sa oras ng iyong pagbabalik?"

"Magtiwala ka saakin..kaya ko, Lytania

.....

Agad tumambad saaking harapan ang sira sirang kastilyo ng werewolf kingdom..

Nagkalat ang ibat ibang gamit at mga walang buhay na mga taong lobo.

Paano ngyari ang ganitong pangyayari sa aking paggising..

Pikit mata kong nilagpasan ang mga bangkay ..

Sumakit bigla  ang puso ko ng makita ang kahindik hindik na tanawin sa aking dadaanan...

May isang sanggol at isang Ina na wala ng buhay..
Yakap yakap ng Ina ang sanggol..parang tinusok ng libo libong karayom ang puso ko.

Naiyukom ko ang kamao ko sa galit kong nararamdaman..

Inamoy ko ang paligid,hinanap ko ang  scent ni Vin..

At itinuro niyon ang dulong bahaging kanluran ng kastilyo..

Doon din nag mumula ang  itim na aura..
Hindi ko iyon kilala,ibang iba iyon sa aura ni Vin..
Hindi ako naniniwala magagawa iyon ng mate ko.
May dahilan ang lahat ..

Mabilis akong tumakbo sa patungo sa kinaroroonan ni Vin...

Itinaas ang depensa ,mabuti nalang naunumbalik ang lakas ko at kaya ko ng kontrolin ang mga bagay na dati hindi ko makontrol..

Rinig ko ang pag kalansing ng nga bakal at sigaw..
Tulad ng iniisip ko. ,nakita ko ang labanan sa pagitan ng hari ang mga Myembro....

Si Beta Jade. Halos hindi ko na makilala dahil sa mga natamong sugat at kasiraan ng kasuotan.
Kasama niya sa laban ang aking Beta na si Galvin.
May ilang pack member din ako...

Hindi ko makilala ang nasa harap kong Mate ko.

Ibang iba siya..
May Sungay na siya at lalong kumapal ang buhok niya at naging puti ito lahat,kasing puti ng nyebe.

Lalong lumaki ang katawan at purong Pula na ang mata niyang puno ng galit.
Anong nangyari sayo Vin.?


"A--Alpha?,si Alpha Darius!!"
Rinig kong sigaw ng Delta ko.

Sing bilis ng kidlat ko sinangga  ang patalim na akmang isasaksak ni Vin sa aking Delta..
Buong pwersa ko itinulak si Vin at mabilis na sipa sa tyan ang binigay ko sa kanya na naging resulta upang mawalan siya ng balanse.

Tinawag ko ang mga malapit na ugat,pinahaba ko ito at kinontrol papunta sa aking pwesto...
Ng maipon ko na ang tamang dami binato ko ito patungo kay Vin na nakatayo na,

Mukhang natunugan na niya ang  plano ko.
Agad na nagbago ang anyo ng kanyang patalim..naging malaking espada ito, ng hinawakan na  ng dalwa niyang kamay ,nahati iyon sa gitna at naging dalwang espada.

Mabilis niyang napuksa ang aking hinandang panlaban. Naputol ang aking mga hinandang ugat .

Hindi ako susuko..

"Lytania,lagyan mo ng shield ang mga ugat"mindlink ko sa kanya

"Pero master,hindi iyon gagana,Dahil kaya niyang sirain ang shield ko gamit ang kanyang mahiwagang patalim."

"Magtiwala ka saakin"

Kahit nag aalangan siya sumunod parin sa sinabi ko..

"Vin!"
Tumingin ito sakin , nakatitig sa aking mga mata..

Bumuka ang bibig niya ,at lumabas doon ang usok tila ba bubuga ng apoy..

"Ako ito si Darius,nakikilala mo ba ako,..?
Ako ang Luna mo.Paki usap itigil mo na ito."
Sabi ko ng may panghihina ..Hindi ko kayang makita siyang nagkakaganito.

Umungol ito na parang nagalit.
Pero nanatiling nakatayo sa kanyang pwesto .

"Bumalik  ka na Vin ,nandito na ako. Nangulila ako sayo ng sobra..."

Tulad kanina nakatayo parin ito at muling umangil.
Ng mahina...parang sinasagot ang mga sinasabi ko.
Alam kong naririnig niya ako..
Napangisi ako ng palihim...

"Lytania,ihanda mo na."mindlink ko.

"Pag hindi mo ito itinigil hahanap ako ng bagong mate ,at magiging masaya ako sa piling niya..
Magkakaroon kami ng supling at ikaw ..bahala ka sa buhay mo..mapag iiwanan ka at mag iisa ka sa buhay na puno ng pagdurusa..."

Bumagsak ang hawak niyang sandata..
Umangil na ito ng mapanganib , napahawak sa ulo na para bang nasasaktan ,napahiga na ito sa sahig napapabaluktot ...

"Ngayon na Lytania"sigaw ko,muli kong itinaas ang inipon kong ugat sa ilalim ng lupa..

Gumapang ito patungo kay Vin na umaatungal  at parang nasasaktan ..

Itinali ko sa mga kamay at mga paa ang mga ugat..
Lalo itong nag wala at nagpumiglas..
Ng masiguradong pwede  na akong lumapit. .. lumapit ako sa pwesto niya..

Lumuhod ako sa harap niya..
At dahan-dahang niyakap siya ng mahigpit..
Ang init ng kanyang katawan.. parang inaapoy ..

Hinawakan ko ang mukha niya ng dalwa kong kamay...
Nakita ko pa bago bago ang kulay ng kanyang mata ,parang naglalaban.

"Patawad kung gagawin ko ito."

Pinahaba ko ang mga ngipin ko..
Hinanap ko ang palamarkahan sa aming mga taong lobo..
Ng makita ko iyon sa balikat ng Mate ko..
Walang pag aalinlangan na minarkahan ko siya..
Napa angil ito ng malakas ....
Nalasahan ko ang masarap niyang dugo..

Naramdaman ko ang unti-unting pagbuo at pagkakaroon ng connection ,mababasa ko utak niya at lahat ng kanyang iniisip..
Napatawa ako sa iilan kong nabasa..

"Aking Alpha King ?"tawag ko sa kanya.

Nakikita ko siya sa isang sulok na nagmumukmok sa kanyang kaisipan .

Napalingon ito nahinahanap ako..

"Vin,bumalik ka na"muli kong sabi

"Aking Luna..."

"Pag hindi ka pa bumalik ,iiwanan kita.. naghahanap ako ng ibang mate"

Tumayo siya at parang galit na galit..
Napatawa naman ako..
Iyan ang mate ko.. hindi siya si Vin kung hindi iyan ang ugali niya..

Ng imulat ko ang mata ko ,nakita ko ang mata niyang nakatingin sakin
Nakatitig ,nagulat nalang ako ng hinawakan niya ako,kaya napatingin ako sa mga ugat ,pero putol-putol  na ang mga ito..

Napangiti ako...

Salamat at bumalik ka na  Aking Alpha King..

Unexpected Mate (BxB)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin