Blue Moon Festival

1.9K 98 2
                                    

Isang kampana ang tumunog,hudyat ng pagsisimula ng pagdiriwang..

Pinapanood ko ang lahat ng nangyayari mula sa bintana ko sa aking kwarto...

Maganda ang pagkakaayos ng mga pagkain,alak,at musika..
Unti-unti naring dumadating ang mga pack member sa bulwagan..

May inatasan akong mga Delta upang salubungin ang bagong dating...

Hindi ko pa oras para lumabas...
Dahil,ako ang mag sasagawa ng alay para sa Blue Moon Festival,mamaya pa ako magpapakita sa bulwagan.

Mula dito ,sinubay-bayan ko ang kilos ng aking Beta.
Nagagawa naman niya ng maayos aking pinag-uutos...

Naasikaso nya ang lahat...

Magaganda din ang mga kasuotan nila..
Bata man o matanda ay imbitado kaya kitang kita ang mga batang sobrang kulit na naghahabolan..

At ang nangungunang sobrang kulit ay walang iba kundi si Joncelle...
Napangisi ako sa kapasawayan ng bata...

Naalala ko bigla ang ibibinigay kong munting nilalang...na ngayo'y nasa kanyang kulungan....

Pinapanood ko din mga bagong dating na mga bisita..
Na Galing sa mga iba't-ibang pack..

Mamaya pa sisilaban ang bonfire na sa gitna ng bulwagan..
Tradition na namin iyon...
Na gawin bago Simulan ang pag aalay...

"Alpha,oras na"

Mindlink ng aking Beta

"Sige.. papunta na"

Muli akong humarap sa salamin ,para siguradohing ayos ang mukha ko...

Ng masiguro kong okay na ang lahat...
Nagpasya na akong lumabas ng kwarto...

Hindi ko nakita ang mate ko nong nakatingin ako sa bintana..
Nasan kaya yon??

Wala akong makasalubong man lang sa aking pagbaba...
Siguro lahat sila'y nandon na..

Ng makarating ako pinto ng pack house,nandon ang aking Beta..

"Tara na po , Alpha"

Tumango lang ang sagot ko..

Pula na may combination na orange ang kanyang kasuotang bahag..
Tulad ko may palamuti din sya sa kanyang ulo...
Balahibo ng ibon na ginawa , maihahalintulad ito sa isang tribo..

Ng malapit na kami sa bulwagan...
Doon ako sinalubong ng aking Delta na si Miguel..

Yumuko ito...at sumabay salaming paglalakad

Ang pag aalay ay gagawin ng Alpha,Beta,at Delta..

Ng makita kami ng mga pack member,...
Tumigil ang pagsasaya..
Pati ang musika...humilira ang lahat paikot ng bulwagan...

"Magbigay galang sa pagdating ang ating mahal na Alpha Darius...
Beta Galvin at Delta Miguel.."

Nagsiyukuan ang lahat...

"Nandito tayong lahat upang... pasalamatan sa ating dyosa ,na nagbigay buhay sa ating lahat,nangangalaga at taga-pagbantay..."sabi ko sa gitna ng bulwagan..

Lumapit ako sa mesang nakaready para sa alay..

Puno ng prutas,gulay at iba't-ibang handog mula sa biyaya naming natanggap...

Kinuha ko ang prutas
Kinuha naman ng Beta ang gulay at kay Delta Miguel ang ibang pagkain ..

Humarap kami sa statwa ng dyosa,ng tumapat ang buwan sa loob ng korona ng aming dyosa...

Unexpected Mate (BxB)Where stories live. Discover now