Pregnancy

2.2K 82 6
                                    


"Beta Jade Pov"

"Anong nangyari dito?,nilusob ba tayo?"agad kong tanong matapos kong mag patrol sa border

"Hi--hindi po Beta,nagkaroon lang po ng kaunti pagtatalo ang Luna Queen at Alpha King."sabi Zeny  na isang omega at katulong sa palasyo.

"Na naman?..."napabuntong hininga ako sa mga kaganapan..

Nong isang linggo lang nag diwang ang kaharian dahil sa magandang balita sa buong kaharian ng werewolf kingdom.
Nag dadalang tao ang Luna Queen,pero yun din ang simula ng parating pag tatalo nila ni kuya..
Ito naman kasing si Kuya,hindi ba naman payagan si Kuya Darius na lumabas ng Kwarto.
Kung hindi ba naman katuktokan ang ulo niya diba.?
At marami siyang pinagbabawal gawin ni Kuya Darius
Sobrang protective,medyo as in medyo lang naman mataas narin ang pag babantayan,grabe na nakakapagod na trabaho ng buong pack,except sa mga bata at omegas na may sakit at busy sa bahay.
Ako hindi ko narin nagawang dalawin si Janus sa sobrang trabaho ko.

Hindi pa man ako nakakapasok ng pinto ng opisina,isang malakas na pagbukas ng pinto at may tumilapon pa labas.
Nanlalaking mata ko sinundan ang pangyayari

"Ku--kuya?!ayos ka lang ba?"pag dalo ko sa kanya..

"Ang hot ng mahal ko."sabi niya na nakangiti at parang nababaliw na.

"Kuya?!na alog ba utak mo?,tayo na dyan."tinulongan ko siyang tumayo.

Nakangiti siya na parang ingot lang.Mukhang napuruhan siya ngayon ah..

"Hindi naman,nilalambing lang ako ng aking Luna"sabi niya na ikinasalubong ng kilay ko..
Napailing nalang ako..napaka naman kasi ang ka inggotan niya.Alam na mainit ang ulo ni kuya Darius,patuloy parin niyang kinukulit.

Anong sinasabi niyang nilalambing siya ni Kuya Darius? niloloko niya yata ang sarili niya eh.
Eh parate nga siyang napagbubuntunan ng inis ni kuya Darius dahil  kinukulit niya ito.
Dumadating sa point na puro bangas at kalmot, buti nalang at werewolf kami,mabilis ang paghilom ng sugat.

"Beta Jade?,ikaw pala yan.. kamusta?"sabi ni kuya Darius na akmang palabas ng pinto ng opisina

"Ayos lang po,Luna.. papunta na sana ako sa opisina eh,may kukunin lang na mga papel.Mukhang nagkakasiyahan kayo ng Alpha King"
Sabi kong nakangiwi ng makita kong isaayos ni kuya ang mukhang nabaling buto,lumagutok kasi ito.

"Hay...Ewan dyan sa kuya mo.Ang  loko,gusto niyang mag date kami at mamasyal pero,masama pakiramdam ko.Kaya ayaw kong maglakad lakad ng malayo"sabi ni Kuya Darius,na hinihimas ang noo.
Sing bilis ng kidlat,tumabi si Kuya kay kuya Darius.
At nag aalalang,hinawakan ni kuya Si Kuya Darius.
Maging ako nag alala pansin ko rin kasing namumutla siya.

"Bakit hindi mo sinabi agad , aking Luna.Halika na magpapahinga na tayo."sabi ni kuya Darius na nag aalala.

"Tinanong mo ba ako?"sagot ni kuya Darius na masama ang tingin kay Kuya.

Binuhat ni kuya,si Kuya Darius.Wala namang reaksyon si Kuya Darius.Humilig nalang siya sa dibdib ni Kuya.

"Maauna na kami ,Jade.Ikaw na muna ang bahala dito."
Sabi ni kuya,tumango nalang ako .

Nakakatuwang isipin ang kanilang sweetness,Yung makikita mong napakasungit at pagiging cold ni kuya Darius,pero itong si Kuya wagas kong makakulit.Dinaig pa ang in-heat na babae kong makaharot kay kuya Darius.

Ako kaya ?kailan magkakaron ng magandang romance na masasabing umaapaw sa sweetness.

Naalala ko mate ko..

Janus,kamusta ka na?
Promise babawi ako.



"Darius Pov"

"Pwede ba ,lumabas ka nalang kong ganyan lang ang gagawin mo dito.Gusto kong mag pahinga,sa ginagawa mong pabalik-balik ,lalo lamang akong nahihilo."
Hindi ko mapigilang pagsusungit sa kanya

Lumapit siya saakin at umupo sa kama,hinawakan ang kamay ko at marahan na hinaplos niya ito.
Naramdaman ko ang kuryente ng matebond namin .Sa tuwing nahahawakan ko ang kanyang kamay at malapit saakin,nababawasan ang masama kong nararamdaman.

"Pasensya na,hindi ko mapigilang mag aalala  sa inyo eh.Papunta na ang pack doctor dito.Para tingnan ang kalagayan mo."
Lumambot puso ko sa sinabi niya,hay...
Mahal ko talaga ang lalaking ito,sa araw-araw na dumadaan siya ang  nag bibigay ng sigla at totoong meaning sa buhay ko..

"Sobrang kang nag-alala,wala lang ito.Ayos lang kami."
Nakangiti kong sabi

Napahaplos ako sa aking sinapupunan.

May mga araw na madalas talagang umiinit ang ulo ko Kay Vin,at sa tingin ko siya din ang pinaglilihihan ko.
Gustong gusto ko siyang nakikitang nahihirapan na parang nag mumukhang bata na,ang cute niya kasing tingnan pag ganon.
Mas lalo ko siyang nagugustuhan.Minsan syempre naawa narin ako sa pagpapahirap ko sa kanya.
Simula nong nalaman ko ang aking kalagayan,biglang tumigil ang mundo ko panandalian,at hindi ko alam ang gagawin.
At aaminin ko natatakot,nababahala at sobrang saya ko.
Halo-halo ang naramdaman ko.
Buong araw ko ayaw pansinin si Vin,pero gusto ko siyang nasa tabi ko.
Mahirap mag adjust,lalo nat ako ang namamahala sa kaharianng naiwan nina lola.


"Aking Luna,anong nararamdaman mo?"muli niyang tanong,na parang sirang plaka,paulit-ulit eh.

"Vin,alam mo ang gusto kong mangyari ngayon?"

"Ano?"tanong niya

"Gusto kong matulog at gusto ko nasa tabi kita hanggang sa paggising ko."

"Masusunod aking Luna."

Ngumiti ako sa kanya ang ganon din siya
Ang sarap makasama ang isang tao na kahit wala kayong pinag uusapan ,pero nakakaintindihan kayo sa lahat ng bagay.






"Lytania Pov"

Para siyang anghel,ang ganda ganda niyang pagmasdan.

Hindi ko mapigilang mapangiti,
Ang anak ko,malapit mo ng makita ang mundo.

Ang sanggol sa aming lahi ay nagbubuo sa loob ng isang bulaklak ,pag nainlove kaming mga fairy,at tumugma ang nararamdaman ng aming mga mate,nabubuo ang sanggol,bunga ng aming pagmamahalan sa loob  ng bulaklak.

Muli kong tiningnan ang Sanggol na natutulog sa loob ng mahiwagang bulaklak na hindi namumukadkad.

Kamukhang-kamukhang siya ni Lyron.

Muling gumalaw ang baby,kaya tinawag ko si Lyron.
Oras na para lumabas ang sanggol.

"Lyron?nasaan ka.Oras na."
Mindlink ko sa kanya.

Naramdaman ko ang kanyang pagkataranta.

"Papunta na ako."
Sagot niya

Maya-maya pa bumukas ang pinto ng aming silid.
Pumasok siya at Dali daling lumapit saakin.

Naramdaman ko ang pagyakap niya saakin.

Umilaw ang bulaklak,unti-unting bumukas ang mga petals.

Ang ganda niya..Pero Isa siyang lalaki..
Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman.Nanlalabo ang mata ko,naramdaman ko ang mainit na luha na gumuhit sa aking pisngi.

Lumapit ako sa kanya,at nakita ko ang Dahan dahang pag bukas ng kanya mata .
Nakatingin siya saakin..
At hindi ko mapigilang mapahikbi,ang baby ko...Ang cute cute niya..

Nanginginig na inabot ko ang kanyang kamay.
Hinawakan din naman niya ang kamay ko ng mahigpit.

"Hello,baby...ako ito ,ang Ina mo."
Sabi ko at dahan dahan siyang binuhat.

Ang saya ng feeling,..parang nakalutang ang pakiramdam ko sa  ulap.

Ang gaan niya..
Hinawakan ni Lyron ang ulo ng baby namin.

Nagkatinginan kami,tulad ko masaya din siya ..

"Eulises "sabi ni Lyron.

"Ang ganda,narinig mo anak..Sabi ng ama mo,Eulises ang pangalan mo.Nagustuhan mo ba?"

Ngumiti si Eulises,at sa tingin ko nagustuhan nga niya .

Pero may isa lang akong napansin.

Bakit parang kakaiba si Baby Eulises,hindi umiiyak tulad ng ibang sanggol,at cold ang expression niya.
Saan nag mana ang batang Ito?




























Unexpected Mate (BxB)Where stories live. Discover now