Persistent Alpha King

4.7K 184 3
                                    







Nakaka-lalaki na itong Alpha King na to ha,..kung hindi ko pa pinilit patulugin hindi talaga matutulog,
kailangan pang utuin eh,..ang kaso kahit nakatulog na sya hindi parin ako makaalis,


Flashback




"Aking Luna,hindi ka ba nangangalay dyang sa iyong upuan?"


"Hindi naman po kamahalan,ayos lamang ako dito,.."pero ang totoo hindi talaga,

kanina pa ako nakaupo,sa silyang ito,
nangangapal na ang pakiramdam ko sa aking pang-upo ,hindi naman kasi ito malambot na upuan, kundi gawa sa kahoy na upuan.

Ang kanina ko pang hinihintay na 10 minuto ay naging isang oras na ,ayaw parin akong bitawan ng isang ito.

"May lugar  pa dito sa tabi ko,aking Luna,..."makahulugan niyang banggit
Na ikinailing ko agad,

"Wag na po,sabi po ng doctor matulog na ka na muna,para mapabilis ang paghilom ng iyong sugat,."

"Pero ayaw kong matulog dahil,baka iwan mo ako dito."

Ano sya bata??pambihira naman ,para ba'y isa siyang bata na takot iwanan ,at baka hindi balikan.

"Hindi ,babantayan kita,..kung hindi ka kumportable na
Mag isa ka dito "

Sa laking tao,nya takot pala sa ospital,sana kanina pa nya sinabi, may mga  bakante pang silid sa pack house.Doon  ko nalang   sana siya dinala,at ang doctors nalang ang pupunta.    

"Paano ako makakasigurado na hindi mo ako Iiwan,aking Luna??"



"May isang salita ako,alpha ,"magalang kong sabi

sana kumagat siya,pupuslit lang ako sa opisina,para makakuha ng paraan maipaalam sa kahariaan ng Black Solemnia pack ...ipapaalam ko sa kanila na nandito ang alpha King ng maiuwi na sya.

At sa ganon matahimik na ang araw ko..at para narin wala ng tumawag sakin ng"Aking Luna O Luna Queen"nakakailang na nakaka-irita na sa taenga at nakapag panting .

"Hindi,lumapit ka sakin,"bahagya na akong hinila ng kaunti,..na ipinagtaka ko,anong pinaplano nya.

"Umupo ka dito sa tabi ko,"umupo nga ako,sumunod nalang ako .

Pero nagulat ako ng,bigla nya akong dinag-anan,at inihiga sa tabi nya,sa gulat ko,hindi ko Alam ang dapat gawin,basta nakita ko nalang sarili kong  nakahiga sa tabi nya na nakayakap ang isa niya braso sa baywang ko at nakaunan naman ang ulo ko sa matipuno niyang kanang braso .  .nakasubsob naman ang mukha nya sa leeg ko,na-kina istatwa ng buo kong katawan,nag yelo at nag aapoy ang pakiramdam ko biglaan,...

"Tulog na tayo,aking Luna,"yun lang ang huli ng binanggit bago sya makatulog...




End of Flashback



Kanina ko pang gusto makaalis sa braso niya,ngunit ng pag itataas ko na ang braso lalo lamang hihigpit ang yakap niya....
Wala akong pag pipilian  kundi  iasa sa Beta ko ang pag pag paaalam sa palasyo.

"Beta Galvin,maaari mo bang hanapin ang paraan upang ipaalam  sa palasyo,?ipapaalam mo na nandito ang Alpha King,"mind link ko sa kanya

"Masusunod alpha,te-teka Siya ang alpha King!!??kaya pala pamilyar siya,. "Nabigla nya sagot. 
sino bang hindi maski ako,nagulat eh,sya pa kaya....

Makalipas ang 30 minuto,may pumasok sa silid,

"Pasensya na po Alpha,may titingnan lang po ako sa kanya"tukoy nito Kay Alpha King

"Sige gawin mo na kailangan mo,at pweding tulungan mo muna akong maka alis dito."seryoso kong saad,may pagkailang man,hindi ko naman matatakasan ang kahihiyan na ito eh...

Alam kong marami syang naiisip na kung anu-ano,pero sa tingin ko ,iniiwasan nya lang mag tanong...

Lumapit sya sa braso ng alpha King at maingat na itinaas.
nakahinga na ako ng maluwag.Ng magawa ko ng makaupo,Sa hindi inaasahan
bigla muli akong napahiga,

"Alpha!ayos ka lang ba?!"

"Oo ,Pero pwede mo bang tanggalin ito ulit?,tumawag ka pa ng ibang nurse,para mag tulungan kayong tanggalin ako dito..."

Para sa isang alpha kahihiyan ito,ni hindi ko magawang makawala sa bisig ng isang sugatang Alpha.

Napabuga na lamang ako ng hangin sa inis,samantala itong katabi ko,sarap na sarap sa pagtulog,nakangiti pa,...noong una akala ko talaga ,nagluluko lang sya at pinag kakatuwaan ako,kaya lang tulog  talaga Ito.

Malaya't maya pay,dumating ang apat na nurse,
Tulong tulong nilang inalis ako don,at hindi nila ako binigo,pagka angat palang ng braso ni Alpha King,gumulong agad ako pababa sa kama.
Baka ikulong nya ulit ako eh....

Umayos ako ng tayo,..

"Salamat sa inyo,kayo ng bahala sa Alpha King.At tawagin nyo ako,pag nagkaproblema
Babalik ako pagkatapos ng 2 oras,kaya bantayan nyo syang mabuti."

"Opo ,Alpha"

Alam kong nabigla sila sa katauhan ng misteryosong lalaki,na nakahiga sa kama.

Ng napansin kong gumalaw ang kamay na parang may hinahanap,dali-dali  lumabas ng  room.

Bahala na...

Unexpected Mate (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon