Soulmate

2.3K 117 1
                                    


"Alpha Darius Pov"


Tumawag ako ng  mag aayos ng opisina ko...

Pagtapos kung magbihis ng maayos,na kanina hindi ko nagawang magdamit sa kadahilanang sobrang pagmamadali.. hinarap ko agad ang mga nagkagulo sa aming training ground...

Inuna kung kinausap ang aking Beta..

"Explain"

" A--Alpha,hindi namin intensyon sirain ang opisina nyo..

Patawarin mo ako sa aking kapabayaan. .."

Pinaliwanag nya ang buong pangyayari .

Kasalanan ko ito..dahil kung hindi ako umalis hindi mangyayari ito.

Oras na para kausapin ang Alpha King...

Nakayuko ngayon ang Alpha King,
At umaaktong parang pinagalitang bata.

Huminga ako ng malalim

"Didiretsohin na kita,. Hindi ko naaiintindihan,aming hari., bakit hanggang ngayon,ay nandito pa po kayo,. Hindi naman sa tinataboy kita pero inaalala ko lang ang inyong pack."

Hindi ko alam kong saan ko hinugot ang mga salitang  binitawan ko.
Baka dahil narin siguro,sa pagkapuno ko sa mga pinag gagawa ng hari ito.

Tahimik lang ito ,at nakayuko.
Kaya pinag patuloy ko  ang sasabihin ko.

"Patawarin nyo ako kung nakakawala ng respeto ang mga pinag sasabi ko,handa kong tanggapin kung ano mang parusa nyo.
Isa akong Alpha ,na iniisip ang aking nasasakupan,Aming Hari.
Kaya ko ito sinasabi."

"Hindi ako naniniwala sayo.
Alam kung sinasabi mo ito para iwasan ako.
Aking Luna..anong dapat kung gawin para tanggapin mo ako."
Ramdam ko sa tinig nyang nagmamakaawa....
Pero hindi ko ito kayang tanggapin na nalang basta...

Mas lalo akong naguluhan...napahawak ako sa sintido.

"Please,Mate alam kong hindi lang ako nakakaramdam nito.Nararamdaman mo ito hindi ba?"

Sabay hawak sa kamay ko..ito na naman ang mga maliliit na kuryente na pakiramdam...



Bigla ko syang naitulak palayo...
Nagulo lalo pag iisip ko.Hindi ito maaari.

Paano ba ito nangyari?

Tumayo ako at iniwang naguguluhan din ang mukha ng  Alpha King.

"Maiwan na kita Aming Hari"wala ako sa sariling yumuko at

Iniwan ko sya doon , buo na ang pasya ko...
may kailangan akong malaman...

Hindi pa man ako nakakalayo may pumipigil sa kamay ko...
Kahit hindi man ako lumingon kilala ko na sya....

"May Kailangan akong malaman,kaya kung maaari bitawan nyo po ako"
Sabi ko dito ng may malamig na tinig..

Unti-unti naman nya akong binitawan..

Dumiretso ako sa silid aklatan ng Aming Pack...

Hinanap ko ang sekretong libro na pinamana ng aking lolo..

Binuksan ko ito.
Gamit ang matatalas kung kuko,sinugatan ko ang aking pulso,
Gamit ang patak ng dugo,gumuhit ako ng paikot sa sahig na pabilog  sakin,binigkas ko ang mga salitang nakasulat sa libro.

Habang binibigkas ko,unti unting nagbabago ang pakiramdam ko sa paligid.

"Aba,nandito ka pala Apo,buti naman Napa dalaw ka."

Nasa harap ko ang Great great grandma ko,reyna ng mga White witch,
Si Divina Solltoren

"Lola,kamusta po?"
Magalang kong bati dito.

Lola ko sya .. Pero hindi makikitaan ng katandaan sa mukha..ang edad nya kasi parang tumigil sa pagtanda sa edad na 20 palang.

"Ayos naman ako.May problema ba?"sabi nya habang  naghahalo ng potion.

Napakamot ako sa batok ko.

"Ano po kasi Lola,may problema ako...
At tungkol sa Mate "

Nabitawan nya ang potion na kinakalog nya..

"Ano?!,teka,teka,pakiulit apo"
Lumapit sya sakin lalo,

"Tungkol sa Mate  po"

Bigla nalang tumawa ng  malakas si  Lola..
Kakaiba itong Lola ko.
Kung tumawa daig pa ang tawa ng mga Black witch.

"Lola,seryoso ako"

Tumatawa sya ng mahina,may pagpunas pa sya ng kaunting luha.
"Alam ko apo,kailan mo pa  sya natagpuan?"

"Ibig sabihin may alam kayo tungkol dito?"

Tumango lang sya.

"Pero Lola hindi ba sinabi nyo na wala akong wolf dahil sa sumpa.
Swenerte lang ako dahil natira parin sakin ang lakas at abilidad."

"Apo,lakas at abilidad,syempre pati mate mayron..."

Tinitigan ko sya sa mata baka nagbibiro lang sya eh....

"Tandaan mo apo,hindi mo man maramdaman lahat ng mate bond connection,isang hawak mo palang sa kanya o kahit dampi man lang ng inyong balat.
May kakaibang kang mararamdaman .At pag may naramdaman ito."
Sabay turo sa dibdib ko,parte ng puso.

Naguguluhan man ,pilit tinanggap ito ng utak ko.
Hati ang nararamdan ko...saya at pangamba...

Maraming pumasok na tanong sa isip ko....
Paano kung nagkakamali lamang ako.
Paano kung hindi ito tama.

"Apo,sa ngayon alam kung naguguluhan ka,pero hindi nagkakamali ang tadhana,tandaan mo  mag tiwala ka sa sinasabi ng puso.Alam kung napapangunahan ka lamang ng iyong isip,.Minsan pakinggan mo rin ang damdamin mo."























Doon na ang huli naming pag uusap ng aking great great grandma.

Nagising nalang ako ng may tumatawag sakin...

Malabo man pero naririnig ko sya...

"Aking Luna,huwag kang pipikit."

Nagawa ko pang makapag bigkas ng salita...

"Mate"
Huli kong sambit dito...

Unexpected Mate (BxB)Where stories live. Discover now