Spirit world

1.6K 64 1
                                    

"Darius Pov"

Malayo layo narin at nilalakbay ko,pero kahit anong layo ng aking nilalakad,tila ba hindi ako nakakaramdam ng pagod.

huli kong na-aalala,ay nasa mundo ako dragon..

At pagkagising ko,nandito na ako.
At sinasabi saakin ng mga nakakausap ko,nasa mundo ako ng ispirito.

Nasa gitna ako ng gubat,na kahit anong hanap ko ng paraan makaalis at humanap ng daan wala akong matagpuan.
Walang katapusan na paglalakad.

May ilan akong nakakasalubong na mga tao at mga nilalang,pero isa lang ang tinuturo nilang lugar na dapat kong puntahan...

Isang templo na pangangalaga ng isang kinikilalang diyosa dito sa lugar na ito..

Kaya napagdisesyonan kong maglakbay mahanap ang dyosa.

Muling inilabas ko ang mapa na makakapagturo sa templo.

Nakita ko na Isang bundok pa ang kailangan kong lagpasan,kung saan madadaanan ko ang kinakatakutan ng maraming nilalang,ito kasi ang lugar na pinaiiwasan sakin ng marami kong nakausap.

Wala akong pag pipilian at ito lang ang daan para makabalik ako sa aking  katawan.

Pagbaba ko sa mabatong bundok.
Paglagpas ko,nandoon nang isa pang bangin na ang tanging daanan ay matataas na bato,kaunting maling kilos lamang ay mahuhulog sa walang hanggang kadiliman..ito siguro ang pinaiiwasan  sakin ng marami..

Alam ko kaya ko ito,nag ipon ako ng lakas ng loob.
Kailangan kong makagawa ng mabilis na kilos ,kong hindi baka mawalan ako ng tyansa na makahanap madadaanan.

Parang isang pinagpatong patong na mataas na bato at tila ba may mahika na nagpapanatili ng pagkakatayo nito.
Naririnig ko ang tunog ng pagkakabitak mula dito..

Kaya ko ito.

Akmang tatalon pa lamang ako,may isang mabilis na tumaas  mahabang tila ba isang galamay ng isang pugita.
Saaking pwesto ang pagbagsak nito,kaya mabilis kong itong iniwasan...

Hindi ko maialis ang tingin ko sa nilalang na iyon.
Nag bitak bitak ang mga batong inaapakan ko..

Napatingin ako sa tanging dadaanan ko.

May isang bumagsak dahil sa pag angat ng isa pang galamay..

Wala akong oras para sa halimaw na ito.. Kailangan kong magmadali..
Dahil pag may isa pang bumagsak..wala ng paraan.

Tumalon ako sa isang bato,may mabilis na isa pang galamay ang tumaas at sa tingin ko ako ang pinupuntirya.

Tumalon ako para maiwasan ang galamay...nakita ko kong paano bumagsak ang batong inapakan ko,at hindi pa iyon ang nag pabahala saakin..kundi ang batong tinamaan na bato,ay tila ba parang isang domino na natutumba,
Wala akong inaksayang oras ginawa ko ang pinakamabilis kong pagtakbo ,mabilis ko ding naiiwasan ang mga galamay na ako talaga ang pinupuntirya.

Lahat ng maapakan ko ay bumagsak na,akala ko wala nangmagiging problema.Pero nagkamali ako.Dahil hindi lang pala ang galamay ng nilalang na nito ang madadaanan ko.

Mabangis na nagpakita ang ulo  isang pugitang  halimaw... tumingin ako sa likuran ko,malapit naring  bumagsak ang  kinaroroonan ko.

Nakatingin saakin ang mata niya,mabangis ito..at mapanganib.Isa akong Alpha,Bakit ako magpapasindak sa kanya.

Nakangising tiningnan ko siya...

"Talagang sinubukan mo ako, pagbibigyan kita."malamig kong sabi ko sa kanya..

Inilabas ko ang ginawa kong sibat..
Hindi ko ito ginamit , pero ngayon may dahilan na ako para gamitin ko ito.

Umangil ito pero,kasabay non sabay kaming sinugod ang isa't-isa.

Ginamit ko ang sibat , mabilis kong itinukod nilagay ko ng malakas ang pwersa ,
Sa isang iglap nasa harap ako ng kanyang mata,walang inaksayang oras malakas na pinakawalan ko ang sibat.
Umapak ako sa kanyang ulo na hindi gumagalaw at tumalon sa kabilang dulo ng bangin.

Kasabay ng pag apak ko sa lupa ay siya pagbagsak ng wala ng buhay na pugitang halimaw.

Napatingin ako sa sibat,na kanina lang mabilis na tumagos  mata ng halimaw.
Nagkalat ang dugong itim sa buong katawan ng sibat.

Nanginig pa ang naka alsang ilang mga galamay..

"Pinilit mo ako eh"sabay sipa sa galamay na nakakapit pa malapit sa aking inaapakan.



Tumalikod na ako at tumingin muli sa mapa,pero Laking inis ko ng makita kong  madumihan ito mula sa dugong itim ng halimaw.

...




Panandalian akong tumigil sa paglalakbay.
Napagdisesyonan kong mapalipas ng gabi sa kalagitnaan ng kagubatang ito,..

Hindi ligtas ang  baba ng kagubatan kaya sa taas ako ng puno,
Nakikita ko sa baba ang mga nag lalakihang halimaw.

Ang kaninang inaakala ko iilang halimaw ngayon ay hindi mabilang sa kamay..

Hay...
Malaking sagabal ito.Lalo lang nitong pinapatigil ang aking paglalakbay...









.....





Tumalon ako pababa ng puno,ng makita kong nakalagpas na ang halimaw na minamatyagan ko.
Agad akong nagtago sa matataas na damo.

Ng marinig ko ang paglayo niya.Matulin kong tinakbo ang daan ,pero mabilis din akong napapatigil pag may makakasalubong ng halimaw.

Kanina habang pinapanood ko sila ,nakikita kong puro sugod lang sila.
Hindi madadaan sa usapan.
Kaya walang kwenta kong susubukan kong kausapin sila.

Tumatakbo muli ako ng hindi nila napapansin,
Pero mukhang hindi naging perpekto ang plano ko.
Dahil isang malaking Kalhating isda at paa ng mga kabayo ang muling aking nakaharap na halimaw.

Tulad ng una kong naka laban purong Itim ang mga mata nito.
Napakabangis tila ba ang gusto lamang nito ang makapaslang.

Hinanda ko ang sarili ko.Pinatilos ko ang aking mga kuko.
Walang sinayang na oras ,agad ko itong sinugod at mabilis na pinaslang.

Isang minutong hindi ito kumilos,at narinig ko ang malakas na pagbagsak nito sa lupa na isang malamig nang bangkay..

Ng tiningnan ko ito, nakita kong mulat ang kanyang mga mata.,Ang itim nitong mga mata,biglang naging normal tulad ng isang normal na mata ng mga nilalang dito sa mundong ito..

Napaisip ako bigla...
Parang may kakaibang nangyayari dito.
























Unexpected Mate (BxB)Where stories live. Discover now