Dragon Kingdom

1.7K 93 5
                                    

"Atlas..ipaghanda mo kami ng makakain"utos niya sa kanyang kasamang dragon..
Tila nag iba ang pag uugali ni Lyron,hindi na ito mapagbiro..
Naging seryoso ang himig sa pagsasalita...

"Ngayon din,mahal na prinsipe."
Agad na umalis ang tinawag niyang Atlas,..

"Sana magustohan niyo ang aming kaharian...
Patawarin ninyo din,kung kakaiba ang ikinikilos ng aking mga nasasakupan.
Sa mahabang panahon, ngayon lang mag muling nagkaron ng panauhin sa aming kaharian."

"Lubos kong naiintindihan,Lyron.Wala kang dapat ipagpaumanhin."

"Kung ganon,sumama na kayo sa hapag kainan,naka handa na ang pagkain"

"Tara na ,master"sabay hila sakin ni Lytania...Pero agad naman itong napabitaw ng biglang pag angil ni Venedict...

Napakapit nalang,si Lytania sa bisig ni Lyron sa takot..

"Venedict,halika nga dito."sabay lahad ng palad ko sa kanya.

Nakangiti naman nitong tinanggap,at mahigpit niya hinawakan ito .

Tahimik na naman na nakasunod saamin si Beta Jade..

Sa mukha nito ang pagkamangha....

Sinong bang hindi..
Naglalakihang crystal ang makikita  sa Paligid..

Matataas din ang mga bawat bahay.. nakatungtong ito sa malalaking bato..

Napakalaking mga gusali ang mga nandito..

May mga puno..
At sa unahang bahagi at harap naman ng kaharian,may talon na napakalawak.....

At sa baba nito,doon makikita ang maraming bahaghari..

Nag liliwanag din ang mga batong crystal dahil sa pagtama ng sinag ng araw.....

At sa kalayuan,don makikita ang mga bulkan...

Kita dito sa aming pwesto ang nagbabagang bunga-nga ng bulkan...

Dragon sila kaya siguro ganon...

Humihigpit ang hawak sa kamay ko ni Venedict...

Kaya napunta ang atensyon ko sa kanya..

"Bakit?"taka kong tanong....

"Saakin ka lang tumingin"
Salubong na kilay na sabi nito...

Napabuntong hininga ako sa kanyang sinabi...

"Maganda ang Paligid,kaya ako napatingin.. Hindi ka ba nanamangha?"

"Mas nakakabighani ka pa mga iyan"
Malamig na sabi nito saakin.Na ikinawala ng puso ko...

Natawa ako ng mahina...

"Sige sabi mo eh"
Yun nalang nasabi ko...

Tumigil kami ng makarating kami sa tapat ng malaking pinto....
Isang pinto na gawa sa makapal na kahoy...

Unti unti itong bumukas,bumungad sa aking mga mata ang eleganteng klase ng mahabang
Lamesa....

Puno din ito ng pagkain...
Iilan lamang ang kilala kong klase ng pagkaing nakahanda..


Habang kami ay kumakain.
Napapatingin ako kayna Lytania..

Medyo napaisip din ako..

Bakit,parang nong unang nag kita sila ni Lyron,wala siyang sinabi saakin tungkol sa,mate niya si Lyron ...

Bakit siya natahimik lamang..

Dahil ba master niya ako?  kaya di niya sinabi.???

Nasa ilalim ako ng kaisipan,ng biglang may pagkain na tumapat sa bibig ko.
Napabaling ang tingin ko sa may hawak ng kutsara..

Unexpected Mate (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon