Fountain of Mirror

1.5K 71 2
                                    




"Alpha King Pov"

"Alpha King,naparito kami dahil may nais kaming ipaalam sa iyo.Tungkol ito kay Alpha Darius."

Agad nakuha ng Beta ng aking Luna ang aking atensyon..

"Sabihin mo"agad ko sagot

"Marahil ,alam nyo na po ang tungkol sa white witch Queen at ang relasyon nito kay Alpha Darius.
Malakas ang kutob namin na ang lola lang ni Alpha ang nakakasagot sa nangyayari."

Natigilan ako..Oo nga pala isang white witch Queen ang kanyang lola.
Bakit ngayon ko  lang  naisip ang bagay na iyon.

Natawag ko na ang lahat ng  nilalang na may kakayahang makagawa ng lunas,ngunit  ni isa walang nakagawa sa aking nais.

"Beta,ipatawag ang mga salamangkero."tawag ko sa mindlink

Sumagot naman ito.
Matapos kong makausap si Jade.
Ibinaling ko ang atensyon ko muli sa Beta ng aking Luna.

"Salamat at pinaalala mong ang Bagay na iyon."

"Maghanda sa pag lalakbay"sabi ko mindlink sa pack worroir



"Darius Pov"

Naubos ang magdamag kong oras dapat na mabilis paglalakbay ko patungo sa templo,dahil sa dami ng aking nakasalubong mabagsik na mga   halimaw...

Muli akong dumungaw sa baba ng puno kung saan ako nag tatago..

Hinihintay kong  humilom  ng kusa ang aking natamong sugat  mula paglaban sa halimaw...

Hindi ko mapigilang mapamura sa galit...

Napatingala ako sa langit,kung saan nag nagiging bughaw na ito dahil sa liwanag na araw na nag sisimula ng tumaas..

Napahiga ako sa kalaparan ng tuktok ng puno.
Pinanood ang  sunrise...
Nabawasan ang bigat na aking nararamdaman...

Ipinikit ang mata,kinalma ang sarili unti-unting gumaan ang pakiramdam ko.

...






Dirediretso ako sa pagtalon sa mga sanga ng mga naglalakihang puno.
Ito ang paraan  para maka dating ako sa aking patutunguhan.
Mahirap man tanggapin,pero masasabi kong malakas ang mga naglalakihang kalaban pag sila ay nag sama-sama.Kaya iniiwasan ko lang.

Tila isa akong hangin na dumadaan sa taas ng mga puno sa bilis.
Mula sa baba,natatanaw ko parin ang mga dadaanan kong mga halimaw.

Pero napatigil ako sa pagtalon ng makarinig ako ng isang alulong ng isang  nilalang na pamilyar sa aking pandinig..
Sinundan ko ang  tingin ang pinanggalingan.
Hindi ito kalayuan mula sa pwesto ko.

Hindi ko na sana iyon papansinin ng bigla muli itong umalulong kaya lang parang tinatawag nito ang atensyon ko.
Nag dalwang isip ako kung pupuntahan ko ito.
At sa huli sumuko ako sa kakulitan ng kuryosidad ko .

Tumalon ako pababa.At maingat na tumakbo sa pinanggalingan ng tunog ng alulong...
Habang lumalapit ako lumalakas ang tibok ng puso ko.
Parang kinakabahan na hindi ko maintindihan ang aking pakiramdam.
Binaliwala ko ito.

Tumambad saaking harapan ang  isang malaking puting asong lobo na napapaligiran ng mga mababangis na halimaw.

Dahil nakatalikod saaking harapan ang asong lobo,hindi ko alam kong kalaban din ito o kakampi.
Pero bakit parang may pagtatalong nangyayari dito?

Narinig ko muli ang angil nito.Mabilis na sumugod ang isang malaking ahas sa asong lobo.
Umiwas ang lobo pero mukhang nadaplisan ito.
Kasi nakita ko Pulang dugo sa balahibo nito.

Unexpected Mate (BxB)Where stories live. Discover now