Special Chapter

1.8K 76 1
                                    

"Mama!!"napabalikwas ako ng bangon sa sigaw ng bata.

Agad hinanap ng mata ko ang pinanggalingan ..

naging panatag din agad ang loob ko ng makitang sina Vin lang pala ay nag kakatuwaan.

Kinikiliti si Dincen ng kanyang ama.
Tahimik naman na nakatingin lang si Vicentte sa dalwang pasaway.

"Mama,si papa oh.. tulong!"
Sabi niya at humahalakhak ng tawa na halos maubosan na ng hininga.

Dinampot ko ang unan nasa harap ko,at mabilis na binato sa kinaroroonan ni Vin.

Nasalo niya ito kaya pansamantalang nabitawan niya si Dincen.
Kaya dali-daling tumakbo saakin ang bata.

kumirot bigla ang ulo ko ,hay...Ang aga aga naman kasi ,mangigising ng ganon.

Sakit sa ulo pag nabigla eh..

"Ayos ka lang ba mama?"nag aalalang tanong ni Dencin

Nakita niya pala..

"Ok lang ako..mag ayos na kayo.Sige na."
Inalis ko na ang kamay ko na nakahawak sa noo ko.
Bahagya ko kasing nahilot para mabawasan ang kirot.

"Sigurado ka ba mama,namumutla po kasi ikaw oh"sabay turo sa mukha ko

"Nagulat lang ako,sa sigaw mo,anak."
Paliwanag ko

"Ganon po ba..Kong ganon.Wag na tayong mag picnic.Magpahinga ka nalang po mama."
Cute na cute  na sabi niya..

"Bakit anong nangyari?"boses ni Vin

"Si mama po kasi,masakit ang ulo,papa."sumbong ni Dincen

"Aking Luna,Anong pakiramdam mo?tatawag na ba ako ng pack doctor?saglit hintayin nyo ako---"

Akmang aalis na ito ng pinigilan ko siya agad.

"Vin,hindi na kailangan.Nabigla lang ako sa pag bangon kaya ganon.Wala lang ito.

Sige na mag ayos na kayo.Aalis tayo ng maaga hindi ba?"

"Pero mama,kung hindi po ayos ang pakiramdam mo,wag na po tayong umalis.
Ayaw ko pong may mangyaring masama sayo."
Vicentte

Napangiti ako sa tatlong ito.
Ang kukulit eh..
Mag ama nga sila.

"Makinig kayo.Matutuloy tayo ok.wala akong nararamdamang masama .
At tyaka diba masayang mag picnic.?"

Tumayo na ako,at pinakitang ok naman ako.

Nakatingin sila saakin.Na parang binabantayan ang kilos ko.

Pero ang expression nila nag-aalala parin.

"Hay...bahala kayo dyan.Kong ayaw nyong sumama ,.maiwan kayo dyan.
Ako nalang aalis."
Sabi ko at tumalikod papuntang CR para maligo.

"Mama,sasama ako"sabay yakap saakin ni Dincen

"Sige tayong dalwa nalang mag date anak"sabi ko at binuhat siya.

"What?!!!/Ano?!!sama ako"
Sabay na sigaw ni na Vin at Vicentte

"Ano pang hinihintay nyo,mag si-ayos na kayo. "

Nagtakbuhan sila papuntang CR,natawa nalang kaming dalwa ni Dincen

........

Nakangiti kong pinapanood ang habolan ng dalwang bata.

Inikot ko ang tingin ko sa paligid,ito ang lugar kong saan,una kong nakilala si Lytania,..
At iyon din ang oras na kakaibang anyo ni Vin,na nakita ko.

Kamusta na nga ba siya..ilang taon narin huli ko siyang nakausap ng personal.

Puro sa sulat ko lang siya nakakausap at nakakabalita.

Unexpected Mate (BxB)Where stories live. Discover now