Dragons Beloved

1.7K 113 9
                                    

"Alpha Darius Pov"

Patungo ako ngayon sa silda,mag mula ng gumising ako kaninang punong puno ng tanong ang utak tungkol sa pag dating ng isang  lahi ng dragon...

Matagal tagal narin ang panahon na hindi nagpakita ang mga ito.

Akala tuloy ng mga nakararami nawala na sila o wala ng natira sa kanilang lahi ..

"Magandang umaga,Alpha"
Pagbati saakin ng isang Delta...

Tumango lang rin ako bilang pag sagot...

"Saan naroroon ang bagong  bihag?"
Tukoy ko sa dragon

"Nandon po sa dulong bahagi"
Sagot naman nito.

"May malay na ba?"

"Oo Alpha.,nagkamalay narin siya kaninang umaga...
Pero nakakapagtaka po ang kaniyang kinikilos...
Wala itong imik..
Kahit na tinatanong namin..
O kumilos man lang.Tulala lang lamang ito."

Paliwanag niya

Iniwan ko na ang Delta,bago dumiretso sa dulong bahagi...

Ilan lang ang bihag namin..

Dahil madalas ang gawain namin ,pag nagkaron kami ng bilanggo ay pinagpapasyahan ba kung maaari siya maging pack member o di kaya kung matinding pagpaparusa  pinapadala namin ito sa gubat ng tadhana..
Ang gubat ng tadhana ay isang lugar kung saan ikaw  na ang magpapasya ng magiging buhay mo.
Maraming pagsubok ang pagadadaanan,at kung makalabas siya ng buhay doon.
Siya na ang bahala sa buhay niya.
Pero madalas iilan lamang ang nakakaligtas doon.
At kung sino man ang mabuhay na nakakalabas...
Nag iiba ang kanilang pag uugali..
Parang may mahika na pag makalagpas ka doon.
Nababago ang pag uugali.
Kung dati kang masama,magiging mabuti ka.
Tingin ko dahil sa mga pagsubok na pinagdaanan..




"Anong ginagawa mo sa aming territoryo?"
Nasa tapat ako ng kanyang silda.
Pinagawan ko pa ito ng makapal na barrier kay Lytania.
Para hindi niya masira.

Mula sa pagkakatungo..
Daig pa ang kidlat tumayo ito ng marinig nito ang boses ko.

Sinugod niya ako...
Pero tumalbog lamang siya pabalik...

"Ikaw!!nasan siya??!nasaan ??!"
Malahalimaw na sigaw nito saakin.

Pero Hindi ako apektado sa pagkakasigaw niya...
Sa dami ko ng nakasagupang ibang nilalang...
Sanay na ako.

"Sino ba ang tinutukoy mo?"
Malamig kong tanong sa kanya.

"Ang kabiyak ko!!!"
Hindi ko napigilang kumunot ang noo

Wala akong nakitang dragon bukod sa kanya...
Kagabi lang ako  nakakita ng dragon.
Kaya paano niya nasasabing  nasaamin ang kabiyak niya.?

"Nag kakamali ka lang,walang dragon sa pagdiriwang kagabi bukod sa iyo."

"Hindi siya isang kalahi namin.Isa siya sa mga  nakita ko kagabi sa pagdiriwang!!"sigaw niya na may pag aapoy sa galit..

Napabuntong hininga tuloy ako.

"Sinasabi mo bang isa sa pack ko?"

"Oo!!nasaan siya...hanggang ngayon naaamoy ko siya sayo,kaya huwag mong ipagka-ila na hindi mo alam"
Binigyan niya ng isang malakas na suntok ang kanyang kulungan,pero hindi ito umipekto.
Na lalong nag apoy ang kanyang mata sa galit...

"May Mate na ako.At isa siya nakakataas ...Hindi ko nanaisin na maghanap ng iba bukod sa kanya...
Biyaya siya ng dyosa ng buwan.Kaya sinisigurado ko sa iyo na hindi ako interesado sa mate mo."
Saad ko dito ng may pagkainis...

Kumalma ang itsura nito.
Para bang naintindihan na hindi ko siya aagawan.

"Kung papakalwan kita.At hahayaang hanapin mo ang kabiyak o tinakda sa iyo.
Makakapangako ka bang hindi ka manggugulo at hindi mananakit ng mga nilalang dito.?"

Tumango muna ito bago sumagot

"sa ngalan ng Dyosa ng buwan,ako si Lyron ,prinsipe ng mga dragon na itim,Ay nangangako na hindi manggugulo at mananakit."
Hinanap ko sa mata niya ang kasiguridohan.

"Paano ako magtitiwala sa iyong salita??"muli kong tanong

Itinaas niya ang kanyang kamay..
Humawak siya sa kanyang likod ng taenga..
Tapos parang may kinuha,na ikinakunot ng noo ko sa pagtataka.

"Ito ang nagpapatunay na may isa akong salita."

Hindi ko kinuha
Ang kanyang inaalok..

"Ano ang bagay na iyan?"

"Aking kaliskis...
Handog bilang pakikipagkaibigan"

"Anong gagawin ko diyan?maaari ko bang magamit?"

"Magiging ligtas ka sa anong mang uri ng apoy.
O sa mga tulad kong dragon"

"Magtitiwala ako sa iyo,dragon.
Pero sa oras na,hindi mo tuparin ang iyong mga salita.Pag sisisihan mo ang gabing napunta ka sa aking teritoryo"
Malamig kong binitawang salita.




"Lytania,nasaan ka?,inuutusan  kitang  tanggalin ang mga harang at pakawalan siya"

Biglang lumitaw at nagpakita si Lytania...

Ginawa niya ang utos ko ...

Walang anu-ano ,bigla nalang sinira ng dragon ang kaniyang pinto kulungan,
Tumalsik ito at Buti nalang nakaiwas ako...
Susugodin ko na sana siya ng napatigil ako sa kanyang sinabi...

"Kabiyak ko"

Ng tingnan ko ito,hawak hawak na niya si Lytania ...
Nakaanyo si Lytania na maliit kaya hawak ito ng dragon..

Anong ngyayari??si Lytania ang kabiyak ng dragon??????










Unexpected Mate (BxB)Where stories live. Discover now