The Girl in Red Dress

2.7K 142 2
                                    

"Alpha King Pov"

20 minuto  na akong nakasandal ,sa pader harap ng pinto ng silid na pinag dalhan ng aking luna...

Hindi  ko mapigilang mag-alala...
Pinipilit kong kumalma ng hindi pinapasok ang silid,dahil bawat minuto na dumaan,lalo lamang akong kinakabahan.

Dagdagan pa ang hindi mapalagay  ang wolf ko.

May isang babaeng bumulabog sa katahimikan  sa harap ng silid .Patakbo itong lumapit sa pinto,at umiiyak...  

kumunot ang noo ko.

Tapos may isa pang babae ang dumating at lumapit don sa babaeng nakapulang damit

"Serenity,naman huwag ngayon,"

"hindi,anong nangyayari???nawala ako ng 2 taon,tapos pag uwi ko ito ang maaabutan ko?hindi maaring iwan ako ni Darius,gagawin pa nya akong Luna eh..." Maarte nitong ngawa.

Nagpanting ang taenga ko,ano daw Luna siya ni Darius??? Nababaliw na siya!!

"Patayin natin siya ,Vin!!!!,inaangkin niya ang mate natin"hindi mapigilang sabat ni Jasper

"Huminahon ka, kaibigan,hindi ka nakakatulong sa oras na ito" kailangan kong mapanatiling kalmado ...Pero sa loob ko.Gusto ko ng taposin ang babaeng ito.!

"Paki-usap,Serenity,magiging maayos din Si Alpha.. magtiwala tayo kay Moon goddess.."

"Dapat lang,dahil sa oras magising siya pag uusapan na ang pagiging Luna ko sa pack na ito"uminit bigla ang ulo at pakiramdam ko lumabas ang lahat ng ugat sa noo.

   Hindi ko na talaga matiis.

"Ikaw!!!!! babae!!
Nanaginip ka ba?!Hindi ka magiging Luna !!Dahil akin siya"hindi ko mapigilang sagot dito

"At sino ka namang hampas lupa ka?!Sino ka para sabihin ang mga salitang iyan??...akin siya,ang mabuti pa pumunta ka sa impyerno at magpakamatay ka nalang!!"maarting sagot nito.na kinaasar ko lalo.

" Serenity,tumigil ka na.Hindi mo ba siya nakikilala,??"sagot ng kasama nito

Napangisi ako ng sabihin iyon ng Isa nitong kasamahan

"Huh?!Sino ba siya??eh isa lang naman siyang pake-ilamero at nangangarap ng mataas...
Mas pipiliin ako ni Darius kaysa sa kanya maging mate"na may ngisi sa labi habang nakatingin sa akin

Nag init ang ulo ko sa sinabi ng babaeng ito.
Ginawa niya akong mas  mababa,higit pa sa isang mababang alipin
Sa isang iglap sakal sakal ko na sya sa pader...Pula nalang ang nakikita ko., unti-unting tumatalas ang mga kuku ko,itinaas ko ang kanan kong kamay at handa ko ng ibaon sa dibdib nya ang aking kamay para dukutin ang puso nya ng may pumipigil sakin.

"Alpha King, patawarin mo siya,hindi niya alam ang sinasabi niya. paki-usap.patawarin mo siya... parang awa nyo na"nag iiyak na sabi ng isang kasama nyang babae...

Nakikita ko sa kanya si Darius,bumalik ako sa  tamang  pag-iisip.Sh*t!!..
Pag tinapos ko ang buhay ng babaeng ito , siguradong hindi matutuwa  ang aking Luna Queen

Binitawan ko siya at pabagsak kong binato sa kaibigan niya.

"Huwag mong hayaan na nagtagpo ulit tayo,sa oras na makita kita,hindi na ako mag dadalwang isip na buhayin ka pa !!!"pag babanta ko sa kanya na dapat ilagay niya sa kanyang utak

"Maraming salamat Alpha King"sabi ng isang babaeng kasama ng desperadang babae

Namumutlang kinaladkad ng babae ang tinatawag nyang Serenity paalis.

Tch....pasalamat sya,nakapagpigil ako.

"Tama siyang mamatay,Vin"

"No., Magagamit satin ang mate natin pag ginawa natin iyon..
Dahil may puso siyang Alpha..
Mahalaga sa kanya ang bawat kapakanan ng buong pack member niya.."sinundan ko kasi si Darius sa pag papatrolya nya.At hindi ko maiwasang humanga pa lalo sa kanya.Ang ganda ng pag papatakbo ng buong pack nya..Maasikaso,tama lang talagang maging  aking Luna Queen.

........





lumabas ang doctor,..

"Kamusta ang mate ko.? ayos na ba sya??"sinalubong ko ang pack Doctor

"Alpha King,opo,ayos na po si Alpha Darius.Wala naman mo syang malalang natamo.
Magaling narin po ang kanyang mga sugat.
Nag papasalamat po ako sa pagligtas nyo sa aming Alpha."
magalang nitong sabi.at nasasabi kong Mahal sya ng mga pack member nya.

Inilipat nila aking mate,sa isang magandang silid.Sumunod ako at pumasok.

"Bakit wala parin siyang malay??"tanong ko sa pack doctor

"Huwag kayong mag-alala Alpha King,bumabawi lamang  po siya ng lakas."

Pag tapos nilang ayusin ang paglipat  sa Aking Luna Queen,Agad din silang umalis.

"Buti nalang ok na sya"hindi ko mapigilang sabihin sa isip ko.

Gumaan at napanatag na Ang l
Kalooban ko


Unexpected Mate (BxB)Where stories live. Discover now