Traditional clothes

1.9K 98 1
                                    


Nandito ako ngayon sa harap ng damitan ko..

Kasama ko si Lytania na kanina pa namimili ng damit upang suotin sa Blue Moon Festival...

Lahat ng kulay ay kumpleto...
Sa dami hindi ko rin alam kung ano ang dapat kong piliin...

Dahil moon festival ang gaganapin...
Ang mga kasuotan na susuotin ay tulad ng kasuotan ng ninuno namin...
Simbolo ng pag aalala sa kanila..
Mga bahag ,pero dahil moderno ang panahon ngayon..
Dinagdagan na ito ng maraming desinyo..

Maihahalintulad lamang ito ng kasuotan ng mga Egyptian royalty..

"Master,ito oh,bagay na bagay sayo "sabay abot sakin ng kulay pulang kasuotan,ngunit may halo itong kulay ginto at mga diamante na kulay pula din..

"Maganda... ngunit hindi ito ang tepo kong kulay...
Gusto ko yung mga,malamig na kulay"

"Malamig ha,sandali ...hahanap ako.."

Lumipad ito patungong kulay asul na kasuotan....

Ng makalapit ito..

Lumaki sya...
Tulad ng isang tao ang laki...

Kinuha nya ito....at inabot saakin...

Kulay asul nga..at Royal blue,may halo itong kulay pilak at mga diamanteng kulay asul din...

Humarap ako sa salamin...Isang bahag at partner nitong pang itaas...

Ayaw ko ng maraming alahas kaya dalwang panlagay na ginto ngunit kulay pilak ang napili ko panlagay sa magkabila kong baraso...
Simpleng alahas lang ito,ngunit ang gitna nito ay may design na diamanteng kulay asul...
Bagay na bagay sa aking kasuotan..

Ang napili ko namang panlagay sa aking palamuti sa ulo ay isang tali,na hindi ko alam ang tawag sa bagay na ito.,
Ito ay may palawit na mga balahibo na kung sa malayo kung titingnan ay mahabang buhok ang may suot nito...
Kulay asul at pilak ang mga pinaghalong kulay ..

Lahat ng kasuotan ko ay dinala ko sa aking kama..
Para tingnan mabuti kong sakto na...
Ng makasiguro akong perpekto ang lahat..

Pinalabas ko muna si Lytania..
Ayaw kong may nanonood saking magbihis....

Matapos kong isuot ang lahat...
Muli kong tinawag si Lytania para ayosin ang mga Kailangan ayosin sa aking kasuotan..

Ng pumasok sya,
dahil hindi pa ako nakaharap sa kanya...

antagal nitong lumapit,kaya sinilip ko sa salamin..
Nakatanga lang ito..
Nakatingin sakin
Tumikhim muna ako,bago magsalita

"Lumapit ka nga dito, Kailangan ko ng tulong mo..
Hindi ko maabot ang likuran ko..
Isara mo nga ang lock ng kasuotang ito."

"Master,ang gwapo gwapo nyo po...
Napakisig nyong tingnan..."

Namula ang mga pisngi nito..
Na ikinakunot ng noo ko...

"Salamat,..
Mamaya,sumama ka sa pagdiriwang...mag anyong tao ka..
Tatawagin ko si Lorenna para sa kasuotan mo.."

"Talaga..master?!"
May matamis itong ngiti..ngunit bigla din nawala..

"Bakit,may problema ba?"

"Eh kasi,master...
Ang Alpha King,baka matunton nya ako..."

"yun lang ba...ako magpapaliwanag sa kanya..."

Muli itong ngumiti...

"Yes!!!makakasama ako,makakasama ako.!!"parang bata may pagtalon pang nalalaman....

Inayos ko pa ang mga alahas kong susuotin..

Saktong sakto ito sakin...

Si Lytania na ang naglagay ng panlagay ko sa aking ulo....

"Master,may ibibinigay ako sayo.."

"Ano yun?"

"Nakita ko kasing bagay ito sayo..kaya kinuha ko na.."

Dalwang earclip ,ang design nito ay parang taenga ng mga elf..
Parang baging,ngunit gawa sa kulay pilak...

Maganda...kaya naman tumango nalang ako...

Isinuot ito ni Lytania sakin...panatong nya ito saking taenga..
Akala ko nga mahuhulog ito.. Pero ng gumalaw ako hindi man lang ito gumalaw para mahulog..

"Master,hindi yan basta basta mahuhulog,..nakalock yan..."

"Ganon??,sige salamat"
Muli akong humarap sa salamin...

Doon ko napansin ang taenga ko...at ang itsura ko ay parang
Mukha prinsipeng diwatang lalaki...

Gamit ang earclip,pinatilos ang dulo ng aking taenga...
Siguro ang sinasabi ni Lytania na nakalock ay dahil,ang gilid ng taenga ko ay doon nakakabit ito...

Masasabi kong nag iba ang wangis ko sa mga palamuti at kasuotang ito...

Wala na akong ginamit sa pang paang kasuotan...
Dahil yapak ang mga dadalo doon..

"Delta Miguel,papuntahin mo si Lorenna sa aking silid"mindlink ko sa aking Delta

"Papunta na Alpha."






Ilang minutes pa ang hinintay namin ni Lytania bago dumating si Lorenna...

"Baby!!,bakit mo ako pinatawag?may ipapa------"napatigil ito sa pagsasalita ng makita nya si Lytania na inaayos ang mga pingpilian naming mga damit na nakakalat...

"Si-no ka??"tulalang tanong kay Lytania

"Lor--"pinatigil ako nito saking pag sasalita..
Napabusangot tuloy ako...

"Huwag mong sabihin,sya ang soulmate mong napili.?huh??baby...,
Pa-paano ang Alpha King?"

"Teka lang,pwede?..ganito... siya si Lytania,kaibigan ko"

"Kaibigan??,hindi ako naniniwala,,..babae sya ,at walang matinong babae ang makikita nalang basta ng ganito,sa mismong silid pa ng isang lalaki.. malaking gulo ito,baby"



"Tinawag ko sya..para papuntahin dito...
Dahil humingi ako ng tulong sa kanya...
At kaya kita dito tinawag ay dahil,
Wala syang masusuot...
Kayo ng bahala sa damit nya sa pagdiriwang.."

"Pero---"pinatigil ko agad si Lorenna

"Maniwala man kayo o hindi ,hindi sya ang napili kong Luna.. Lorenna.."

Sasagot pa sana ito, ng tiningnan ko sya sa mata ..

"Lytania,sumama ka kay Lorenna..."

"Yes,master"

Magiliw na sagot niya..

Tumakbo ito palapit kay Lorenna,kinuha nya ang kamay ni Lorenna..at hinalikan...
At nagmano...

Gulat ang reaction ni Lorenna pero unti-unti itong ngumiti...

Parang nag iba ang ihip ng hangin sa isang kisapmata...

Siguro dahil nagustuhan nya ang ginawa ni Lytania

"Halika,dito...
Maraming akong alam na damit ,na babagay sayo..
ilang taon ka na ba??..
Ang ganda mo naman,naalala ko tuloy ng kabataan ko..
Tulad mo napakaganda kong dilag noon..."

"Talaga po??"

Buti naman at nagkasundo sila
Bago pa man sila makalabas ng pinto..

Napailing nalamang ako at napangiti...

Mga babae nga naman...




Unexpected Mate (BxB)Where stories live. Discover now