Another Kingdom

1.7K 97 6
                                    

"Pwede ba,kung maaari ,tumigil na kayo!"
Saway ko sa dalwang nilalang  pero parang di ako naririnig,kanina pa nagbabangayan sa kawalang kakwenta kwenta.

Kanina pa naglalagabgab ang kalooban ko sa naririnig ko.
Daig  pa nila ang mg batang nasa skwelahan.

"Ano bang gusto mong iparating ha!!,na  inaagaw ng mate ko yang kabiyak mo?!"dagungdong na sigaw kay Lyron ni Venedict...

"Oo,itinago niya ang kabiyak ko.!"
Sobrang sumasakit ang taenga ko sa katangahan na ito...
Nagpigil akong manapak sa mga oras na ito.Kung magpadala ako sa init tulad nila,malamang walang papatunguhan ang pag uusap na ito.

"Lytania,kung ayaw mong iutos kong ipatapon iyang mate mo..
Pag sabihan mong manahimik na,
At kung pwede mag anyo kang tao."

Lumapit ito sa dragon.
Na ikitahimik nito.

Binulungan ito ni Lytania,
At tuwang tuwa naman ang dragon..

Umangil naman ang katabi ko...mukhang hindi nakuntento sa pagkakatahimik ng kaaway...

"Umalis ka na dragon kong ayaw mong patayin kita. At isama mo narin yang babae mo,ng Ikitahimik na muli ng lugar na ito..."
Pagbabanta nito sa nanahimik na dragon..
Abat talagang ayaw tumigil..

Tumayo bigla si Lyron,akmang susugodin si Venedict,pero agad kong inutosan si Lytania na pigilan ito...
Hawak hawak ni Lytania si Lyron sa braso nito.At kinukumbinsi na huwag magalit...
Labag man sa kalooban,muli lamang itong umupo,at binigyan ng nakakamatay na tingin si Venedict.

Palibhasa mga pinuno,kaya naman kung makaasta nagpapataasan.
Ayaw magpapatalo sa isa't-isa ..

Hinampas ko ang dalwa kong palad ang lamesa  na lumikha ng malakas tunog ,para mapunta ang atensyon nila saakin.

"binging-bingi na ako sa inyong walang kwentang pinagtatalunan,ikaw Lyron..
Pag hindi ka umayos..
Ilalayo ko iyang mate mo.
Sinisigurado ko sa iyo.
Kayang kaya ko iyong gawin.,"
Nag titimpi kong sabi.

Matapos kong sabihin iyon.ibinaling ko naman ang atensyon ko sa katabi kong tuwang tuwa.

"At ikaw! Venedict,isa ka pa talaga.
Kung ayaw mong iwasan kita at layuan umayos ka din.."
Nanggigil kong  sabi sa kanya...

Gusto pa sanang sumagot nina Lyron at Venedict,sinamaan ko agad ito ng tingin.

Parehas naman itong natahimik..
Parang bata na pinagalitan ng guro sa isang munting skwelahan para maliliit na bata..


Huminga ako ng malalim...
At inerelax ang utak,dahil tumahik ang paligid ng opisina ko..
Hay sa wakas... katahimikan..
Sumimsim muna ako ng inumin bago ,muling tiningnan ang kaharap ko.
Buti nga may laman pang natira,dahil nong hinampas ko ang mesa ko.Natapon ang laman nito..

"Venedict,kung maaari ,pwede ka ba munang lumabas?,may pag-uusapan lang kaming importante"nag salubong ang kanyang kilay at
Mukhang hindi niya nagustuhan ang aking sinabi..
Bahagya din na umupo ito ng ayos..

"Ayaw ko,gusto ko dito lang ako.Wala akong tiwala sa dragon na yan"
Sabay bigay na matalim na tingin sa kinaroroonan ni Lyron"


"Ano ba , Venedict..
Pwede ba sumunod ka nalang,dahil alam ko pag nandito ka.Mag aaway lang kayo ni Lyron.At hindi kami pakakapag-usap."
Lalong sumama ang tingin nito kay Lyron.
Ng sinundan ko ng tingin ang pwesto ni Lyron.
Nakangisi pala ito kay Venedict..


Napailing nalang ako..
Huminga muna ako ng malalim,bago muling magsalita...

"Sige ganito,
hinding hindi ko maririnig ang pag aasaran ninyo ..
Importante ang sasabihin ko.
Lalo na sa iyo , Lyron."

Unexpected Mate (BxB)Where stories live. Discover now