Punishment

2.4K 120 3
                                    

"Alpha King Pov"

Ilang araw narin ngunit hindi parin sya nagigising...

Natatakot ako sa mga nangyayari sa aking Luna.

Kahit anong paliwanag sakin ng pack doctor nila hindi parin ako mapanatag.

Natawag ko narin ang mga pack doctor ko at mga magagaling na white and black Witch mula sa aking kaharian.
Para tingnan at gamotin ang aking Luna.

Pero muntik ko lamang ang mga itong mapatay dahil kahit anong lunas at paliwanag hindi nila malaman ang sagot.

Wala akong magawa kundi ang bantayan sya at hintayin ang muli nyang pag gising..

Nagising ako ng may kumot sa aking balikat,..
Agad akong napatingin saking Luna.

Pero  nabigla ako ng wala ang aking Luna sa kanyang kinahihigaan.
Napatayo ako sa pagkabigla..

Nasan ang aking Luna???bakit di ko man lang naramdaman at naamoy na umalis sya ..

Inikot ko ang aking paningin sa buong kwarto ng mahagip ng aking paningin ang aking Luna malapit lamang sa bintana.

Napanatag agad ang kalooban ko at nakahinga ng maluwag...
Hindi ko mapigilang mapangiti,
Sa wakas may malay na siya...

"Bat ka nandyan?"

Napalingon sya sakin.
Napatitig,bakit pakiramdam ko..kakaiba ang aking Luna.

Ako lang ba o sadyang epekto ito ng ngyari sa kanya...

Ngumingiti sya sakin dati pero hindi tulad nito ngayon.

"Alpha Darius Pov"

"Alpha magandang umaga,masaya po akong makitang maayos na kayo."
Beta Galvin

Nandito kami ngayon sa training ground ng bigla ko syang nasalubong....

"Beta,kailan ka pa nagkaanak?"

"Huh,umh... Alpha,ano kasi"
Nag aalangan nitong sambit.

"Maaari mo bang dalhin sakin ang sanggol"

"Alpha,yun nga po sana ang sasabihin ko sa inyo bago pa nong may mga pangyayari sa ating pack."
Napakunot ang noo ko sa sinabi nya.

"Sila ay mga rouge na naligaw sa ating pack."

"Sumunod ka"
Maikli kong sabi

Dumiretso kaming papuntang office ko.
Muli ring naayos na ang aking office..
Na Para bang hindi nga ito nadaanan ng pagkakagulo noong nagwala ang Aking mate...

Ng nakaupo kami saka ako nag salita

"Ipaliwanag mo"

"Alpha,taga neighboring pack natin sila . Natagpuan namin sya ng nakaraang linggong na may mga dala-dalang sanggol.

Isa syang mute,pero nagawa nyang ipaliwanag ng ayos ang pangyayari,..

Ang dalwang sanggol na dala nya anak ng Alpha ng pack nila.
Pinatakas sila ng Luna,

Don ko rin nalaman na sya ang mate ko."

"Nag padala na ba kayo ng titingin doon sa pack nila?"

"Opo Alpha,at nakakalungkot na sabihin na,walang natira sa buong pack nila,bukod sa aking Mate at dalwang sanggol."

Napaangil ako ng wala sa oras..
Mga rouge ang tingin kong may pakana nito.
Naikiyukom ko ang aking mga kamay sa galit.

Huminga ako ng malim..
Para alisin ang nararamdaman kong galit...

Unexpected Mate (BxB)Where stories live. Discover now