Embarrassing moments

2.1K 98 6
                                    



Matapos kung pumunta sa taniman,dumiritso na ako sa  parteng pack na nagkaron ng pagkasunog.

Sabi ng aking Beta ,naisa-ayos na ang lahat.
Pero  kailangan kong  makita mismo ng aking mata kung anong lagay ng mga pack member ko.Dahil tungkulin ko bilang isang  Alpha na nasa mabuting kalagayan ang pack member ko.

"Master,saan naman tayo pupunta?"
Lytania

Muntik ko ng makalimutan,nasa balikat ko pala si Lytania.

"Tumahimik ka..baka may makarinig sayo".

"Eh.. master,ikaw lang nakakarinig sakin,"

"Paano?"

"Kakayahan ko master,kung kaya namin gawing invisible ang lahat pati presence ganon din  ang mga tunog,oh boses namin,pero kaya naming piliin ang mga gustong makarinig saamin"Lytania

Ah kaya pala...

Tahimik lang akong nakikinig sa kanya

"Alam mo master,marami akong napuntahang lugar,puno ng mahika ang bawat parte ng mundo."

"May isang beses nga napunta ako sa mundo ng berdeng diwata."

"Lahat sila may angking ganda,nakakahanga ang kanilang  wangis,
Lahat ng bato sa kanila sobrang kinang maihahalintulad sa isang makinang na bituin."

"May bulaklak din silang  magagamit na mabisa panggamot."

Gamot?malaking tulong yun.

"Alam mo master,pwede kitang dalhin don,kung gusto mo?."

Napatigil ako sa pag lalakad saglit sa sinabi nito.

"Saka na pag may oras ako."

"Tagala master,excited na ako.Aasahan ko yan."

"Nga pala ,pwede ka bang magbago ng anyo?"

"Oo naman master,kaya kung kopyahin kahit anong anyo."

Napangisi ako bigla sa naisip kong plano.

"Kopyahin mo ako."

"Ano,sigurado ba kayo master?"
Nag aalinlangan pa ito.

"Oo"

Lumapad ito pa aalis sa aking balikat at bumaba sa damo.

Lumaki sya.Nawala ang kanyang pakpak.
Sa harap ko,unti-unting nagbago ang kanyang anyo.

Tila ba nakaharap ako sa malinaw na salamin.

Buti nalang nandyan siya para maharangan ang totoong nangyayari sa aming paligid.
Kaharap ko ang  sarili ko.
Nakakahanga.

Inikutan ko sya.
Mula sa mukha at lahat ng parte ng katawan ko.Walang pinagkaiba.

Magagamit ko ito.Napangiti ako.

"Master,ayos ba?"

Biglang nasira ang pinaplano ko sa aking utak.Tila ba isang gusaling bumagsak na lamang.
Nong nagsalita sya.

"Bakit ganyan parin ang boses mo?"
Nakakunot noo kung sabi dito.

"Eh Master,kasi kopyahin pa  lang ang wangis ang alam ko."naka nguso nitong sabi.Parang bata na pinagagalitan ng guro.May pag salubong pa ng dalwang hintuturo nyang kamay sa kanyang harap.

Parang lumabas ang ugat ko sa sintido sa inaakto niya.

"Bumalik ka na sa totoo mong anyo ngayon na."
May diing at ngit-ngit kong sabi dito.

Alpha ako,at hindi ako umaakto ng ganong gawain..
Hindi ko gawain ang mga pag nguso at pag akto ng ganon.

Pakiramdam ko,dinungisan nya ang pagiging  Alpha  ko.

"Sorry na Master."

Lumilipad lamang sya ngayon,gamit ang totoong anyo niya.
Subukan nya lang na lumipad at may boses babae gamit ang wangis ko.
Patay sya sakin..

"Manahimik ka!!!"naiirita na ako sa kadaldalan nya.

Yumuko ito,at tumahimik.

"Sorry Master"tiningnan ko sya ng masama.

"Alpha,pasensya na,pero itatanong ko lamang kong ayos lang ba kayo?"
Maingat na tanong ng isang boses na nag mula sa  likuran ko.

Napaharap tuloy ako bigla sa pinanggagalingan ng boses.

Isang babaeng omega,sino nga ba Ito?
Pamilyar ang mukha nya at amoy.

"Narinig ko po kasing may pinagalitan kayo.Ngunit wala po kayong kausap."

Biglang nawala na parang bula si Lytania ng akmang titingnan ko sya masama.

"Wala lamang iyon.Nag iinsayo lang ako"

"Ganon po ba?
Pasensya na po sa abala,ipag patuloy nyo po ang pag iinsayo.Kaya nyo po yan"

Nakalayo na sya ,ng marinig ko ang sinabi nito.

Humagikhik muna ito at sinabing
"Mahilig pala si Alpha sa pag a-acting?Hindi kaya may plano si Alpha  na um-acting  sa intablado sa darating na pag diriwang."
At muli itong humagikhik

Hindi ko mapigilang masuntok ang katabi kong Puno,sa sobrang asar.
Nakakahiya itong pangyayari...

Lumisan ako sa lugar na iyon at agad na pumunta sa mismong papatunguhan  ko.


Hindi pa ako nakakayo nakarinig ako ng pagbagsak  pero binaliwala ko nalamang ito.
















































Unexpected Mate (BxB)Where stories live. Discover now