Way back

1.5K 83 5
                                    

Ilang araw ko na nakikita ang parehas pangyayari tuwing madilim na ,pero hindi parin ako nagsasawang panoorin ang lahat ng nangyayari sa paligid....

"Darius"agad kong hinarap si Seffy

Siya ang asong lobo na kasamahan ng diyosa ng templo...

At siya din ang wolf ko na inihiwalay saakin matagal ng panahon..

Kaya pala pamilyar siya ng una ko siyang nasilayan..
Iyon pala siya ang wolf ko..

"Ano yun?"tanong ko sa kanya

Umupo siya sa tabi ko..at kagaya ko pinanood ang mga napakagandang tanawin ng kalikasan na nasa harap ko..

Kahit madilim na  paligid ang mga alitaptap ang nag sisilbing bituin  sa kagubatan,..napakarami nila at parang sumasayaw sa kalawakan ng madilim na gubat..

"Sigurado ka na ba sa iyong desisyon,babalik ka na?"

Ikinalingon ko ang sinabi niya..

"Oo, sigurado na ako...Hindi naman pwedeng iwan ko nalang basta ang lahat sa mundo ng may buhay..
Ang tumakas sa problema ay hindi matatawag na isang mabuting bagay bagkus isa iyong kaduwagan..
Marami paring naghihintay saking pag babalik...
At may isang tao na hinihintay tayo.."

Mukhang naintindihan niya ang ibig kong sabihin..

"Kung ganon,handa narin ako.."sagot niya na may ngiti sa labi..

Mate babalik na ako.


"Alpha King Pov"

"Anong sinasabi mong wala kang magagawa?!"napuno ng pagkagalit ang aking kalooban..

"Hari ng mga taong lobo, kahit ako ay isang reyna ng mga puting mangkukulam,hindi parin mababago na malakas ang sumpa na makapataw sa apo ko..
Wala tayong magagawa kundi ang hintayin ang kanyang  kusang pagising mula sa kanyang paghihimlay.."

Dumilim ang paningin ko.. hindi ko makontrol ang lahat...

Parang isang masamang aura ang sumanib saakin...na hindi ko mapigilan..

Isang buwan ang nilakbay namin at matindi ang aming pinagdaanang pagsubok
At ito lamang ang kakahantungan ng lahat...

Nakikita ko ang lahat ,ang mga nangyayari  ,pero ang gusto ko lang ay  ang magpahinga sa sulok ng aking kaisipan...

"Mate ...pakiusap bumalik ka na..."
Bago ako pumikit at sumama ..
Sa aking pag pikit lumakas ang amoy scent ng aking mate..

Napangiti ako...

Kahit sa aking nagpapahinga...Ang mabangong mahalimuyak ng iyong scent ang nagbibigay sakin ng pag asa..
Pero gusto ko munang magpahinga mula sa aking pinagdaanan..

Nandito ka nga...
pero parang wala ka ..

"Vin"mahinang boses na narinig ko..
Pamilyar siya..
Si Darius lang ang tumatawag sakin ng ganon..
Napapanaginipan ko na naman yata siya..

Buti pa sa panaginip Nandon siya,kinakausap mo ako..

"Aking Luna..bumalik ka na.."
Iyon lang ang tugon  ko..

Isang malakas na impact ang tumama sa katawan ko na ikinabalik ko sa aking natutulog na kalooban...

Bumangon ako at may mabilis na pares ng paa ang pumunta sa aking harapan..

Napatigil sa ere  ang hawak kong patalim sa lapastangang nasa harap ko dahil  kanyang scent..

Nagtubig ang mata ko sa aking naramdaman...
Kasing bilis ng kidlat ako tumakbo papunta sa taong nasa harap ko..
Ang aking Luna ...Ang mate ko..

Unexpected Mate (BxB)Where stories live. Discover now