End

2.3K 85 8
                                    

Nakabusangot akong napatigil sa pag lalakad ng makita ang kaguluhan ng aking dadaanan.

Napahilot ako sa noo,

Ang dalwang yun talaga.

"Vin,maaari ka bang maistorbo muna.Kailangan kita ngayon."

Ilang minutes ang lumipas at agad akong narinig ng nag lalakad.
Sa amoy palang niya kilala ko agad ang dumating...

"Aking Luna,may nangyari ba?"
Tanong niya Pagkadating sa aking tabi.

"Nakikita mo ba yan?"
Turo ko sa mga gamit na sira sira.

"Sirang gamit"sagot niya ,na para bang kulang nalang sabihin niya na , obvious ba.?

"Oo,sira at alam mo kong sino ang may gawa.Ngayon,dahil nangako kang ikaw ang mag dedesiplina sa kanila,gawin mo na ang trabaho mo.Pag hindi mo napasunod sila.Tandaan mo ipapadala ko sila sa school camp ng mga Alpha."

"Aking Luna,huwag pakiusap.Gagawin ko na ,wag mo lang silang ipadala doon."
Parang maamong tuta kong siya ngayon titingnan.
Pero imbis na ipakita kong natatawa ako,mas lalo kong sinalubong ang kilay ko.
Para ipakita kong seryoso ako sa aking sinasabi.

"Dalhin mo sila saakin,sa oras na makita mo sila.Papunta ako ngayon sa training ground."

"Masusunod aking Luna"
Dali-dali itong umalis na bakas sa mukha ang pag aalala at na momroblema

.....

"Alam nyo ba kung anong dahilan bakit kayo nandito?"
Walang emosyon na sabi ko sa dalwang batang nasa harap ko.

Nagkatinginan sila at sabay na umiling
Pero nasa mukha nila ang pag-ka guilty.

"Sigurado ba kayo?"dagdag ko pa

Pero tulad kanina umiling ulit sila

"Sige,ayusin nyo gamit nyo.
Bukas na bukas ipapadala ko kayo sa school camp ng mga Alpha.
Ng malaman ninyo ang pakiramdam ang parusang nababagay sa inyong pag sisinungaling."

"No!!"sabay sabay na sagot nilang tatlo

"Aking Luna,please maaawa ka sa mahal nating anak ."

Lalo akong nainis dahil sa pag dagdag ni Vin.

"Tumigil ka!kaya lumalaking marunong magsinungaling at pasaway ang dalwang yan ay dahil sayo...!
Samahan mo sila bukas.
Doon kayo hanggang hindi kayo nagtatanda."galit kong bulyaw sa kanilang tatlo

Narinig ko ang mahina niyang ungol na parang inapi.
Kulang nalang bumaba ang taenga niya sa pagkalungkot

"Vicentte and Dincen..,nakaka disappoint kayo,yan ba ang itinuro ko sa inyo?."

Nakayuko silang dalwa,
Naiiyak na si Dincen

"N-no,hindi po,mama...mali po si Dincen,sorry na po."sabi ni Dincen at lumuhod sa pwesto niya

sa kambal kong anak,siya ang pinaka sweet at mabait.
Pero itong si Vicentte kabaliktaran niya.
Makulit at talagang matigas ang ulo.
Pero pag kaming dalwa nalang magkasama lalo pag tulog ako,kusa siyang lumapit saakin at umaamin ng kasalanang nagawa,sweet siya pagkami kaya lang ang kanyang expression tulad ng kay Vin.
Hindi man lang marunong ngumiti ,mas madalas ang expressionless siya.

Tumingin ito ng mabilis kay Vicentte.
parang sinasabing umamin na kasi.

Sa totoo lang,nais kong tumawa ngayon sa kanila,kaya lang kailangan kong maging seryoso ,dahil kailangan nilang malaman na mali ang mag sinungaling pag dating sakin.

"Inaamin mo.Sige tumayo ka dyan.
Vin.Kumuha ka ng pilak na kadena."

Sabay sabay silang suminghanap na parang di makapaniwala

Unexpected Mate (BxB)Where stories live. Discover now