Hunt in the woods

3K 139 4
                                    



Matapos kung mag libot sa aming pack,napag desisyonan kong
Tumakbo sa gubat.

Hinubad ko lahat ng damit ko,at iniwan sa gilid ng ugat ng puno.

Unti-unti kong naramdaman ang pagform  ng buto ko.Nong una talaga,nong first shift ko.Pakiramdam ko pinapapatay ako.
lahat ng buto ko sa katawan nababali.Matindi din pinagdaanan ko,buti nalang kinasanayan ko na.

Tumaas lahat ng kakayahan ko bilang tao,ang paningin,ang pang amoy at pandinig.

Takbo lang ako ng takbo na parang walang bukas,
ang saya sa pakiramdam  na parang malaya sa lahat ng bagay na pinuproblema.

Ang kaibahan lang ng wolf ko.
Kung sa iba nagagawa nilang makausap ang wolf nila,pero ako,hindi.
At sa tingin ko parte ng sumpa ang hindi ko naramdaman ang wolf ko, pero mabuti  nalang lahat ng kakayahan ng isang Alpha wolf hindi naapektuhan.

Napatigil ako sa pagtakbo ng may napansin akong gumagalaw,kaya nag tago ako,may isang usa.
Sa tingin ko ito  ay isa lalaking usa..
umiinom  siya ng tubig.

Dahan dahan ako gumapang,palapit mahirap na baka makatakas...

Ilang metro nalang layo ko ng bigla kaming nagulat ng usa sa pag sugod ng isang itim na malaking wolf.
At kung hindi ako nagkakamali ang  Alpha King ito.

Sinugod nito ang usa,kinagat nya ito sa leeg hanggang sa malagutan ito ng hininga.
Nag pupumiglas man ang usa,pero wala man lang itong nagawa.Sa laki ng wolf  parang isang laruan lang ang nangyari sa usa,ni hindi nga ito nakalaban man lang sa Alpha King.
Nakakaasar naman,hunt ko yun eh...
Naunahan pa ako.Panghihinayang ko.
Siguro pa'y mas mabuting makahanap nalang muli.

Masasabi kong nakakahanga ang wolf nya,itim pero ang kapal ng balahibo at may kalhating buwan ang noo nya na puting balahibo,nagliliwanag ang Golden green nyang mata na ngayo'y nakatingin sa mga mata ko.

Kagat kagat nya parin ang usa,lumapit sya sa harap ko,at binaba nya saking harapan.

Ng hindi ko ginalaw,inilapit nya lalo gamit ang bibig nya ang walang buhay na usa sakin.

Gusto nya bang ibigay sakin,kakawagkawag ang buntot nya,nakaupo sya sa harap ko.Kumpara sa laki nya,parang kalhati nya lang ako.

Kinagat ko ito.At inilapit sa kanya...
Para ipakitang tinatanggihan ko.
Hunt nya yun.At hindi magandang tanggapin ko lamang iyon.

Nangging mabagsik ang itsura nito.
At nagalit..
Mukhang hindi nya nagustuhan ang pagtanggi ko.
Nag growl ito sakin....

Ayaw ko pang mamatay...
Walang pagpipilian kundi tanggapin.

Tumigin muna ako sa kanya bago kumagat.Kumain lang ako ng kumain hanggang maramdaman kong makuntinto ang wolf ko.Ng muli akong tumigin sa kanya,ganon parin ang pwesto nya.
Parang nasisiyahan sya sa nakikita nya.

Wala ba syang planong kumain ng sariling huli.
Kinagat ko ang  natirang  parte ng usa,inilapit ko  sa kanya.umungol  ito mahina,tapos bigla nyang dinilaan ang bibig ko.

Anong ??....

Bumalik ako sa wisyo ng inilapit pa nya ang ulo sa leeg ko,inaaamoy niya ako
Hindi ko mapigilang mag umangil na nag bababala.Hindi ko nagugustuhan ang paglapit nya ng sobrang lapit.

Lumayo ako ng kaunti,at mabilis na tumakbo na palayo.Mas maganda umiwas kaysa magkaron pa siya ng pagkakataon para mapalapit sakin.

Takbo lang ako ng takbo ng mapansin  kong may kasunod ako.

Paglingon ko,mabilis na nakahabol sa likuran ko  ang Alpha King.

Tumakbo pa ako lalo ng mas mabilis.May mga sangang sumasabit sa pagtakbo ko pero tuloy parin ako sa pagtakbo.

Unexpected Mate (BxB)Where stories live. Discover now