Jealousy

2K 98 9
                                    



Lahat kami ay natigilan.
Tanging tingin lang ang aming nagawa...

Isang mabilis na pag daan sa sentro ng bulwagan,patungo sa aking pwesto..

Sa bilis nito,hindi ko man lang nakita ang mabilis na pangyayari...

Inikot nya ang kanyang matipunong braso saking hubad baro na baywang...
Ang higpit ng yakap nya mula saking likuran...
Sa higpit nito,hindi ko magawang  kumilos manlang...

Umaangil ito ng pagkalakas lakas....
Umurong dila ko sa takot....
Lahat din mga nakakataas at mga Alpha,hindi magawang kumilos,nagsumiksik sa pagtago ang mga Luna ng mga mated Alpha ..
Ganon rin ang mga ikinilos ng mga nakasaksi..

galit na galit  ito..,
nag aagawan ang kulay ng kanyang mata mula sa
Pula ,berde at itim...

Masamang aura ang kanyang nilalabas saming paligid..
Kaunting kilos  lang ng mali kamatayan agad  ang kapalit...



"Ven--Venedict,anong nangyayari?"
Taas baba lang ang kanyang dibdib..
Galit na galit nyang ibinaling ang kanyang tingin sa aking mga mata...

"Ku--kuya----" Beta Jade
Biglang nag growl ito ng pagkalakas lakas ,na lalong ikinatakot ng nasa paligid namin..

Lalong niya akong niyakap,parang itinatago nya ako.,sa kanyang katawan.

Kahit ako nagsisimula naring matakot ...
Para saaking sarili at sa mga taong lobong naririto
..

"Mine!! Mine!!"saad niya gamit  ang malaking boses...

"Ven--Ven--Venedict,calm down,pakiusap"
Mahina kong boses,hindi ko nakilala ang sarili kong boses sa takot.

"Kayong lahat!!!akin siya,ang magtangkang agawin sya mula sakin ..
Ay papaslangin ko  hanggang sa kahuli hulihang lahi..
Naaiintindihan nyo!!!
Double voice ang aking narinig mula sa kanya

Doon ko lang naintindihan ang ngyayari..
Nag seselos pala sya..
Hindi ko maiwasang mapangiti..
Bahagya din akong napailing...
Parang bula na  nawala ang takot kong nararamdaman


"Venedict,im only,yours..
Kaya naman,huminahon ka..
Pakiusap,aking Alpha King"
Masuyo kong saad dito.


Unti-unting huminahon ang kanyang paghinga...
Pero ganon parin ang kanyang anyo..
Isang nakakabighaning anyo..
Nong una ko itong masilayan,sobra ko iyong kinahangaan.....
Hindi ko lang talaga ito,maamin saking sarili na  nabighani ako sa kanyang anyo..

"Alpha!!!bitawan mo si Alpha,pangit!!"sigaw ng isang munting bata.

Nanlaki ang mata ko sa gulat...
Nabigla ako sa sigaw nito.
Oh no, Joncelle!!

Bigla kong hinawakan ang mukha ni Venedict,na akmang haharap sa pwesto ni Joncelle...
Sinalubong ko ang nagbabagang mata nito sa galit..

Unti-unti kong inilapit ang mukha ko sa kanya...

Isang halik, ang binigay ko sa galit na galit na Alpha King,
Mukha rin itong na tuod sa ginawa ko....

humiwalay ako,para tingnan ang  reaksyon nya..

Bigla nalang nyang hinawakan ang likod ng ulo ko,..
At this time,ako naman ang ginulat nya...

Hindi simpleng halik ito,kundi parang kinakain na nya ang mga labi ko...
Para bang sarap na sarap sya..
Hindi ko masabayan ang kanyang kinikilos...

Nawalan ako ng pakialam sa buong paligid,
Pakiramdam ko nasa ulap ako,
maraming nakakakiliting  maliliit na kuryente ang dumadaloy saking buong katawan..
ipinikit ko nalamang ang aking mga mata,at ninamnam ang binigay nyang matinding halik...

Unexpected Mate (BxB)Where stories live. Discover now