The Fight

1.6K 98 3
                                    


Hindi naging madali ang labanan..dahil sa inaakala naming iisang kalaban ,ay isang grupo pala..

Nagshift ako...dahil mas papabilis ang aking kilos kong ako'y nakashift...

Si Lytania,naka depensa sa oras na ako'y lumalaban...

Si Venedict,naman lumalaban ng nakashift din...

Hindi siya masyadong malayo saaking pwesto,dahil sa tingin ko,minamatyagan niya ang mga kilos ko...

Si Lyron,ganon din hindi nagpahuli sa labanan...

Ang mga itim na dragon ang aming mga kasamahan..kaya madali lang namin nalalaman kong sino ang kalaban...

Pero sa dami ng aming kalaban,hindi namin maiwasang maglayo-layo.
nagkahiwalay kami ng pwesto...

Nakikita ko sa paligid ang mga apoy at pag kasira ng mga paligid...

Napalayo saakin si Lytania at Venedict..

Mabilis akong tumakbo paakyat sa isang mataas na lugar,

Tiningnan ko muna ang paligid,napakarami ng naglalaban...

Ng mahagip ng mata ko,ang isang isang mag Ina...

Alam kong hindi ko kayang  silang iligtas ng mabilis ang mag Ina kahit pa,gamitin ko ang wolf strength ko...

"Lytania,!!sa kaliwang bahagi mo.Sa isang sirang gusali... puntahan mo.
Nandon ang mag Ina...bilis!!"
Mindlink ko....

Mabilis akong tumalon ako sa likod ng Pulang dragon.
Mabilis kong inatake ito ng buong lakas ..
Bumulosok kami Pababa.. dahil sa mabilisan kong pag atake...

Wala akong sinayang na oras...ng malapit na kami sa lupa...
Tumalon ako ng mabilis,paalis sa kanyang ibabaw....

Mukhang nawalan itong  ng malay mula sa aking pag atake...

Iniwan ko na ito,dahil mas marami pang kailangan tapusin...

Pero umangil ito ng malakas at binugahan ako ng malakas na apoy...

Wala na akong oras para imilag,ng imulat ko ang aking mga mata .wala anong nararamdaman,walang sakit o kahit anong paso manlang...

Muli akong napapikit ng muling may tumama saking apoy,pero ganon parin ang nangyari...

Tila ba ,tumatagos lang ako sa apoy...

Ngunit may bigla akong nararamdaman na maligamgam sa aking bulsa...

Kinapa ko ito,at agad na inilabas..
Umiilaw na kaliskis ng dragon..
Ang ibinigay ni Lyron na kaliskis..

Hindi kaya,ito ang dahilan ng pagkawalang bisa ng apoy saakin?
Napangiti tuloy ako ng wala sa oras..
Ibinalik ko ito sa bulsa...
Ligtas ako mula s apoy...
Magandang pagkakataon ito para mapatumba ang aking mga kalaban.

Pasalamat ako sa binigay ni Lyron,na kaliskis,na aksidenting kong nadala sa aking bulsa...

Buong kumpyansa kong nilapitan ang dragon na nakasalampak sa lupa...
Kahit pa ilang ulit niya ako bugahan ng apoy,wala itong talab saakin...

Inihanda ko ang aking matatalas na kuko...
Mabilis kong initarak sa bunga-nga niya ang mga ito..

Ng hinugot ko ito, sa butas ng lalamunan  lumabas ang apoy
Nakatingin ito sakin.. hanggang sa nawalan na ito ng buhay...


Ibinaling ko agad atensyon ko sa iba ko pang kalaban...

"Lytania Pov"

Mabilis ang pangyayari,hindi ko inakalang ang unang araw kong pagdating sa lugar ng mate ko,ay ito ang supresang labanan ang aming mararanasan..

Ibinaling ko ang aking tingin sa  pwesto ni Lyron,
Hay... Hindi ko maiwasang,mamangha sa kinikilos niya,iba talaga ang kanyang dating saakin...
Napakakisig niya...

Biglang tumingin siya saaking kinaroroonan,
Sa kanyang anyong dragon,lalo ko siyang nagustuhan..

Biglang umangil ito ng pagkalakas Lakas,at mabilis na pumunta sa Aking pwesto,nagtaka ako sa bilis niya...
Ilang minuto pa , biglang binugahan niya ako ng apoy...

Naitas ko tuloy ang shield protection ko sa aking sarili..

Bakit niya ako inatake?!

May isang malakas na apoy ang tumama sa likuran kong shield, kaya napalingon ako..

Doon ko napagtanto kung bakit niya ginawa iyon..

Yung kalaban na dragon ang binugahan niya...
Pero bakit ako damay..

Pakiramdam ko tuloy,hindi ako importante sa kanya..

Hindi ko maiwasang napasimangot..

Inirapan ko siya at lumipad palayo...

Rinig ko pa ang pag angil niya ng mahina...Tila ba,tinatawag niya ako..

Binigyan ko pa siya ng masamang tingin..

Hmmmp...Bahala siya diyan....

Tinuon ko nalang pansin ko sa  aking nag lalakihang kalaban.
.





"Beta Jade Pov"

Isang malakas na suntok at sipa ang aking pinakawalan sa malaking dragon na kalaban ko ngayon..

I didn't expected this..I'm mean,its so cool..

I'm one of the lucky shewolf, na nakapunta sa lugar na ito...

At first,hindi ko talaga trip ang pumasok sa lugar na ito,ok

Kaya lang nag mindlink ang aking Higher Delta,na may nangyari daw sa Aming pack..
Kaya kailangan nandon ang presence namin  ni Kuya,.

Kaya,mindali kong hinanap si Kuya.,pero papasok na siya sa Portal ,so no choice kundi ang humabol ...
..

Pero I swear,good thing na humabol ako, because...Hindi ko makikita ang  paradise,this place is perfect.
But of course ,mas maganda parin ang aming kaharian noh...
Pang second lang itong paradise na ito...

Ok...ok ,sino bang niloloko ko ?..I give up ... Oo maganda talaga , sabihin nating,mag ka level lang ang  ganda..
Hindi ako papayag na maging second ang kingdom namin...aba ako kaya nag design non.

So yun nga,isa lang masasabi ko,nag eenjoy ako ngayon..

Wala akong paki-alam kung anong mga nangyayari sa kanila,kung malagutan ba sila ng hininga sa ginagawa ko sa kanila...

Hanggang sa makarating ako sa taas ng nakasalampak na mga walang malay na dragon...

Ng May scent akong naamoy...

Hindi ko mapigilang na estawa  sa aking kinatatayuan...

Kakaibang scent,nag wawala na ang wolf ko,sa aking kalooban looban...
Hindi mapaki at hindi magkanda-uga-uga..

"Mate!!mate!"sigaw nito

Sinundan ko ng tingin ang pinanggalingan ng amoy,at doon ko nakasalubong ang tingin ng isang nagbabagang mata ng isang Pulang dragon.
Kakaiba ang dating niya...
At napakamapanganib...

hindi ko maigalaw ang buo kong katawan...





Unexpected Mate (BxB)Where stories live. Discover now