Special Chapter

1.8K 80 2
                                    

Nakatingin ako sa kanya,at hindi inaalis ang mga mata ko.

Pakiramdam ko kasi,pag inalis ko ang tingin ko sa kanya hindi ko na ulit siya makikita pang muli.

Tulad kong bata ,puno ng tanong ang aking nararamdaman sa oras na mga ito.
Naguguluhan at hindi maipaliwanag

Ito ang pakiramdam na mainit pero masarap sa pakiramdam.
Nakakaubos ng hangin pero masaya sa damdamin.
Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Sino ba ang siya ?nakuha niya ang atensyon ko

Sa tingin ko mas matanda siya sakin ng kaunti

Pero..Anong ginagawa niya dito sa pack house.?

Baguhan ba siya dito??kasi ngayon ko lang nakita ang mukha niya.O
Bagong lipat kaya?

Minabuti ko nalang na lumapit

"Sino ka?"hindi ko mapigilang
tanungin siya

Tulad kanina nakatingin siya saakin.At hindi inaalis ang ang tingin sa aking mga mata.

May malamig siyang titig,at sa hindi ko malamang dahilan.
Pakiramdam ko alam ko ang  nararamdaman niya.

Hindi kaya ito ang sinasabi ni mama?Na itinadhana na para maging kasama ko sa pack balang araw?

Pero kong totoo nga yon.Masaya yun hindi ba?

Ayaw niyang magsalita..
Baka Kailangan ko munang magpakilala.

Kaya nga,ganon na nga.!

"Ako si Darius.

Ikinagagalak kitang makilala.ikaw ba ang magiging Beta ko sa paglaki natin??."
Tanong ko kahit pa hindi niya sinagot ang una kong tanong

"Hindi...,hindi mo ako magiging Beta."
May malamig na tono

"Kong ganon,sino ka??bagong lipat ka ba dito sa pack.?"

"Nandito ako ,dahil sa pag iimbita ng Alpha."

"Si Papa??,
kong ganon.Panauhin ka pala...
Pasensya na ha.Naabala pa yata kita dito...
Aalis na ako."patay ako nito.
Baka pagalitan ako ni papa pag nalaman niya na kinukulit ko ang panauhin niya.

"Wag kang umalis,samahan mo ako dito."
Sabi niya at tiniklop ang libro na kanyang binabasa

"Pero,papagalitan ako ni Papa,kong maaabala pa kita.At isa pa,may gagawin na ako eh."
Palusot ko,para makaalis na.
Tumalikod na ako para umalis

"Nalulungkot ako."
Bigla niyang sabi na nakapag patigil sakin para umalis

Bakit siya nalulungkot?

"May problema ka ba?"inosente kong tanong

Hala ano ba naman ito.Bakit pa ako nagtanong?
Lalo akong hindi ako makakaalis nito eh.

Pero ang isipin na nalulungkot siya, pakiramdam ko...
May dapat akong gawin para pasayahin siya.

"Sa pag alis mo."diretso niyang sagot

Hay...ano ba naman siya ,mapapagalitan ako nito eh.
Bahala na nga.

Tumingin ako sa paligid.Ng nakumperma na walang tao.

"Kong ganon,gusto mo bang sumama.??"
Alok ko
Para hindi ako makita ni papa

"Saan??"

"Sa sekretong lugar.Masaya doon.Siguradong sasaya ka at hindi na muling malulungkot."

"Ano ,sasama ka ba?"sabay lahad ng kamay ko.

Nakita ko ang pag guhit ng ngiti sa kanyang labi.

Hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit.

Pero nagulat ako ng may kuryente na dumaan sa balat ko ng paghawak  niya sa kamay ko.

Unexpected Mate (BxB)Where stories live. Discover now