Chapter -42 It's A Yes

123 9 0
                                    

(Larice Joyce's POV)

Nakayuko ako ngayon habang nakaupo sa kama ni Jungkook. Andito ako sa kanila ngayon dahil hinimatay ako kahapon. Right, ang tagal ko daw na tulog. Kaya hindi na niya ako inuwi sa apartment dito nalang sa mansion nila.

"Ano na?" Madiin niyang sabi sakin.

Napapikit ako habang nakayuko. "Sorry na."  Sabi ko.

"Ano?" Madiin niya ulit na sabi.

"Sorry na kako." Inis kong sabi sa kanya, narinig naman niya, eh! Papaulit pa sakin kakagigil.

"Galit ka!"

"Aba'y hindi!"

"Galit ka ata, eh!"

"Hindi nga, kakulit ba!"

"Bat naiinis ka!"

"Nakakiinis ka kase, eh!"

Huminga siya ng malalim at hinawakan ang baba ko tapos inangat, inilapit niya ang muka niya sa muka ko. "Bakit hindi mo sinabi na masama na pala pakiramdam mo!" Inis niyang sabi sakin.

"Ayuko naman kaseng mag-alala ka pa sakin." Sabi ko.

Napapikit siya at napahilamos sa muka. "Sa susunod na may nararamdaman ka sasabihin mo sakin, okay?"

Tumango ako. "Okay!" Sagot ko.

"Tara na sa baba. Kumain na tayo, hindi ka pa naman nagdinner kagabi." Aniya.

Tumayo na ako at may ibinigay siya saking toothbrush at damit na pang babae kaya nagbihis na ako at nag-ayos ng sarili. Ng makababa kami naabutan namin ang grandma niya na kumakain.

Tumingin siya samin. "Good morning po." Bati ko sa grandma ni Jungkook.

"Good morning din." Nakangiti niyang bati.

"Good morning, grandma." Bati ni Jungkook ay hinalikan ang lola niya sa pisngi.

"Maupo na kayo para makakain na." Sabi samin ng lola ni Jungkook.

"Sige po." Sagot ko.

Naupo na kami ni Jungkook at kumain na. Hindi na kami pumasok ni Jungkook kase late na din naman kami. By the way, breakfast pala ang kinain namin, and also medyo magaling na din ako, sinat nalang.

*Ff*

"Saan mo ba ako dadalin?" Tanong ko kay Jungkook. Dahil nakatakip pa ang mata ko ng panyo.

"Basta!" Sabi niya.

"Saan nga?" Inis kong tanong.

Narinig ko ang tawa niya. "Malalaman mo din." Sabi niya.

Huminga ako ng malalim tanda ng pagsuko ko sa kakatanong sa kanya kaya rinig ko ang hagikgik niya. Lakad lang ako ng lakad, ng tumigil siya sa paglalakad tumigil din ako. Nakaamoy ako ng mabango, parang amoy bulaklak.

Pinaupo niya din ako sa isang upuan. "Nasan ba kase tayo?" Makulit kong tanong.

"Bat ba ang kulit mo, ha?" Natatawa tawa niyang tanong sakin.

Natawa ako. "Nacu-curious kase ako." Sagot ko naman sa kanya.

Tumawa lang siya at naramdaman ko ang pagtahimik ng paligid. Gagong to wag mong sabihing iniwan niya ako dito. "Jungkook!!" Tawag ko sa kanya.

Hindi siya sumagot. "Wag mong sabihing iniwan mo ako. Hinding hindi kita sasagutin tignan mo!" Inis kong sigaw.

"Hoy, Jungkook!" Sigaw ko nanaman.

Napahinga ako ng malalim pinagtitripan ba ako ng baliw na yun? Nasan naba yung gagong yun. Hindi na ako nakatiis dahil napipikon na talaga ako sa baliw na yun. Dahan dahan kong tinanggal ang nakatakip na panyo sa mata ko, nagulat ako ng nasa garden pala kami kaya amoy bulaklak.

Mr Playboy Is Inlove (BTS Series #1)|Jeon Jungkook||Complete|Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt