Chapter - 51 I Had Enough

115 8 0
                                    

(Larice Joyce's POV)

"Besty, ok ka lang ba?" Tanong sakin ni Mica. Pero hindi ako nagsalita.

"Uy! Kanina ka pa nakatulala dyan." Sabi ni Mica. Nagulat ako ng may tumulong luha mula sa mata ko.

Napahinga ako ng malalim at nagsimula ng umiyak. "B-bat nagsinungaling sakin si Jungkook? Pati yung tatay niya ayaw akong lubayan. Tapos yung hayop na Sandy na yun nagpabunti—. Besty ang sakit!" Umiiyak kong sabi.

"Besty, wala tayong magagawa mahirap lang tayo. Kaya wala tayong laban sa kanila." Sabi ni Mica. Naaawa din ako dito sa kaibigan ko kinausap siya ni Mrs Leonie na layuan si Jin dahil may gusto sila para kay Jin at hindi si Mica yun.

Humingi din ng tawad si Mrs Leonie kay Mica dahil sa inasal niya. Kailangan lang daw niya talagang gawin yun kase si Jin daw ang magpapatuloy ng legacy ng family nila. Si Jin ang unang apo at unang anak. The first born. Hindi niya daw talaga gustong ipakasal si Jin sa iba. Pero wala siyang magawa kahit siya pa ang lola kase nasa family na nila na dapat magpakasal ang magtutuloy ng legacy ng family nila sa pamilyang mayaman din.

"Anak!" Mabilis akong umayos ng upo at mag-punas ng luha ng marinig ko ang tawag ni mama. Andito kami ni Mica nakaupo sa upuan sa harap ng bahay namin.

"Kumain na kayo ni Mic--- umiyak kaba anak?" Tanong ni mama.

Ngumiti ako kahit pilit. "Hindi po mama napuwing lang po ako." Sagot ko.

"Ganun ba? Sige pumasok na kayo ng makapag-agahan na kayo." Sabi ni mama.

Tumango kami ni Mica. "Sige po, tita." Sagot ko at ni Mica kay mama.

Tumayo na kami ni Mica mula sa pagkakaupo namin at naglakad na papunta sa loob ng bahay. Habang nakaupo kami ni Mica sa nakaasign na upuan namin. Biglang nagvibrate ang cellphone ko ng makita ko nagtext si Jungkook

[Baby, where are you?]from Jungkook

Napahinga ako ng malalim ng mabasa ko ang text niya. Gusto kong umiyak hindi ko lang magawa! Ayukong maging emosyonal sa harap nila mama at papa. Ayukong mag-alala sila sakin.

"Anak, ayos ka lang ba talaga?" Bigla akong napaigtad ng marinig ang boses ni mama. Umayos ako ng upo.

"O-opo, mama. Ayos lang po ako." Pagsisinungaling ko.

"Sige, kumain na tayo." Sabi naman ni papa.

Nagdasal muna kami at kumain na. "Besty, eto ang kanin, oh!" Ani ni Mica sabay abot sakin ng kanin.

"Salamat, besty."

"Nga pala, anak. Bat bigla kayong napauwi ni Mica ng hating-gabi? May problema ba?" Nag-aalalang tanong ni papa.

Ngumiti ako at umiling. "Wala po, papa." Sagot ko.

"Ganun ba?" Si papa at tumango nalang ako.

"Eh! Kailan ang balik ninyo sa manila?" Tanong ni mama. Nagkatinginan kami ni Mica. 'Wala na po kaming balak bumalik sa manila'. Yun ang gusto kong sabihin kay mama pero hindi ko magawa.

Alam kong magtatanong siya kung bakit. Ayuko ng makita si Jungkook kahit kailan, masasaktan lang ako! At sure ako na magkakaroon na siya ng pamilya with Sandy.

"Hindi pa po namin alam ni Larice kung kailan ang balik namin. Pero siguro baka hindi na po." Sagot ni Mica.

"Bakit naman? May problema ba?" Tanong ni mama.

"Wala naman po tita. Patapos na din naman po ang school year ngayon. Three to two days nalang po kaya pwudeng hindi na pumasok." Pagpapalusot ni Mica kaya nakahinga naman ako ng malalim.

Mr Playboy Is Inlove (BTS Series #1)|Jeon Jungkook||Complete|Where stories live. Discover now