Chapter - 16 Buddy

184 11 0
                                    

(Larice Joyce's POV)

"Kayo na ba?" Tinignan ko ng masama si Mica dahil sa tanong niya.

"Besty, maglubay ka't mali." Inis kong sagot sa kanya.

"Why? Nagtatanong lang naman ako, ah! Bat parang guilty ka." Pang iinis niya.

"Hindi ako guilty." Sagot ko sa kanya.

Sasagot pa sana siya ng magbell na kaya umayos na kami ng upo ni Mica. Nakauwi na kami galing probinsiya, hinatid kami ni Jungkook. Habang nagdidiscuss si maam nagulat kaming lahat ng magpasukan sila Jungkook.

"Good morning mga sir." Bati ni maam.

Hindi pinansin ni Jungkook si maam at naupo na sa tabi ko. Tapos dumukdok para matulog. Hayy lalaking to, napakatamad.

"So, class. May ibibigay ako sa inyong task." Sabi ni maam.

"Ano po yun?" Sabay sabay naming tanong.

"Meron tayong gaganapin na fun run this coming week. So merong mga dapat gawin na kailangan ng tulong ninyo. Also yung ibang class ganun din, ang magiging kabuddy ninyo sa task nato ang mga katabi ninyo." Paglalahad ni maam.

Napahawak ako sa noo ko, bat ba lagi nalang si Jungkook ang kapartner ko. Pwude naman na iba naman, ah. "Nicole, Jimin, Armee at J-hope. Ang task ninyong apat ay kunin ang mga damit sa bawat room. Para madisignan na." Sabi ni maam.

"You mean, mangongolekta kami ng mga white t-shirt?" Tanong ni Jimin.

Tumango si maam. "Yes, Mr Park." Nakangiting sabi ni maam.

"Okay."

"Gillian and Namjoon. Ang task ninyo ay icheck ang mga pangalan ng mga meron ng damit." Sabi ni maam.

"Okay po." Nakangiting sabi ni Gillian.

"Ahm! Larice, Jungkook, Mica, and Jin. Ang task ninyo ay ijobus ang mga damit." Sabi ni maam. Magiging buddy ko nanaman si Jungkook haistt.

Napatingin ako kay Jungkook na nakatingin kay maam ng masama. "How? Sobrang dami na yun?" Inis niyang sabi kay maam. Totoo naman ang dami na yun. Lahat ng section ng first year college kaming apat ang magjojobus.

"We have nine section here in first year college. Kaya nga apat kayo para mas mabilis. Also five day ninyo namang gagawin yun, eh!" Paliwanag ni maam.

Five days naman pala akala ko kung ilang araw lang. "Sige po maam." Nakangiti kong sabi.

Tinignan ako ni Jungkook ng masama. "Ano pa nga bang magagawa ko! Pumayag na sila." Pairap niyang sabi at lumabas ng room. Napailing nalang si maam.

"Next, si Charice and Suga. Ang task ninyo ay maningil ng tig 200 sa lahat ng section dito sa first year college. At si Gianna at V ang taga lista ng pangalan ng magbabayad. V ikaw sa boys, and Gianna ikaw naman ang sa girls." Paglalahad ni maam.

"Okay po.".sabay sabay nilang sabi.

"And last, kung sino ang unang matapos sa inyo. Paki tulungan sila Jungkook sa pagjojobus, okay." Sabi ni maam.

Napangiti naman ako. "And wait, si Klea at Renzo. Pag may ipapabili kayo, like laste. Sila nalang dalawa." Sabi ni maam.

Sumang ayon naman si Klea at ng tignan ko ay nginitian niya ako at nagthumbs up pa sakin. Natawa naman ako! Namiss ko tong kaibigan kong to kahit dalawang araw ko siyang hindi nakita.

Natapos na ang mga subject namin kaya lunch na. Bumaba na kaming tatlo para makakain na sa cafeteria. Pagbaba namin umorder agad kami, at ng matapos kaming umorder inilibot namin ang mata namin pero bagsak balikat kaming tatlo kase wala ng table.

Aalis na sana kami ng canteen ng may biglang sumigaw sa pangalan naming tatlo. "Larice!! Mica!! Klea!!" Sabay sabay kaming tumingin at nakita namin na si Gillian pala ang sumigaw samin.

Lumapit kami sa kanila. "Bakit?" Tanong ni Klea.

"Dito nalang kayo maupo." Sabi ni Armee.

Ngumiti kaming tatlo at naupo na. "Bat nga pala pinagduktong ninyo ang dalawang lamesa?" Takang tanong ko.

"Madami kase tayong uupo dito." Sabi ni Charice.

"Huh? Sino naman ang iba?" Tanong ni Mica.

"Them!!" Sabi ni Gianna at tinuro ang nasa likod namin kaya sabay sabay kaming tumingin.

Napasimangot ako ng sila Jungkook pala. Mabilis silang naupo sa upuan nila, nakatapat kopa si jungkook. Habang si Suga ay tumabi kay Charice, tapos si V ay tumabi din kay Gianna. Kinukulit ni V si Gianna habang si Gianna naman ay hindi siya pinapansin. Lagi naman, eh!

"Bat nga pala andito kayo?" Takang tanong ni Suga

"Dito namin sila pinaupo!! Masama?" Sagot ni Charice.

Kunyareng bumulong bulong si Suga. "Edi wow." Sagot naman nato.

Nagulat ako ng bigla siyang sapukin ni Charice, kaya gumanti si Suga kurot sa pisngi. "Shit!! Ouch!!" Sigaw ni Charice at akmang hahampasin si Suga pero bigla itong tumayo sa kinauupuan niya.

"Enough!" Seryoso ang muka ni Jungkook. Kaya bumalik na si Suga sa kinauupuan niya.

"Nga pala Larice may boyfriend kana?" Nagulat ako ng tanungin ako ni Jimin.

Tinignan ko si Jimin. "W-wala, b-bakit?" Nauutal kong sabi at yumuko.

"C'mon don't be shy. We're friends now." Nakangiting sabi ni Jimin.

Ngumiti naman ako at tumango. "O-okay." Nakangiti kong sagot.

"Fist bomb nga dyan." Sabi ni Jimin kaya nakipagfist bomb ako sa kanya.

Napansin ko na kanina pa tahimik si Klea at pansin ko din na hindi siya kinakausap ng mga kaibigan ni Jungkook pati ang apat na babae. Si Mica kase kausap si Jin pati yung ibang girls! Si Klea lang talaga ang hindi kinakausap.

Buti nalang nasa tabi ko si Klea. Inilapit ko ang muka ko sa tenga niya. "Ang tahimik mo." Bulong ko kay Klea.

"Hindi lang ako sanay." Balik na bulong din niya sakin.

"Sure kaba?" Paninigurado kong tanong sa kanya.

Tumango siya sakin at ngumiti. "Yeah!" Iniligpit niya ang pagkain niya kaya natingin ako sa kanya.

"Ahm! Guys, may kailangan pa akong puntahan sa library. Bye, see you Mica and Larice." Nakangiti niyang sabi at tumakbo.

"Okay." Bulong ko sabi at hindi na niya narinig.

"Anong nangyari dun?" Tanong ni Mica.

Nagkibit balikat ako. "Ewan nga, eh!" Sagot ko sa tanong ni Mica. At tinignan ang entrance ng canteen at napahinga ng malalim.

Habang kumakain kami at nagkukuwentuhan nagulat ang lahat ng may babaeng sumigaw. "Babe!!" Sigaw niya.

Sabay sabay kami napalingon kung sino yun, hindi ko siya kilala. Nagtatakbo siya papalapit kay Jungkook at kumandong pa ito. Nagulat din ako ng bigla niyang halikan si Jungkook kaya si Jungkook ay tumugon.

Napaiwas ako ng tingin dahil ibang babae nanaman ito. Hindi ito si Candy, at ang lakas naman ng loob nila na dito pa sa canteen maghalikan. Hindi ba nila naisip na nakakailang sila ang sasalahula nila.

"Get a room, Jeon." Nagulat ako ng magsalita si J-hope at aplido pa talaga ang sabi niya.

Bumitaw si Jungkook sa halik at nagtama ang paningin namin pero ako na mismo ang unang umiwas. Nakakadiri talaga siya kahit kailan. "I'm having fun here." Sabi ni Jungkook na kinailing ko.

"Bastos." Bulong ko.

"Are you saying something?" Napapikit ako habang nakayuko narinig pa ata niya.

Tinaas ko ang ulo ko at tumingin sa kanya at ngumiti ng pilit. "W-wala." Sagot ko at lalo akong napapikit ng mautal ako.

"Tsskk."

_larayxssss_

Mr Playboy Is Inlove (BTS Series #1)|Jeon Jungkook||Complete|Where stories live. Discover now