Chapter - 20 I'm Falling

165 13 0
                                    

(Larice Joyce's POV)

Nagising ako sa sipa ni Mica dahan dahan kong idinilat ang mata ko at nag-inat inat. Tinignan ko ang kabilang kama na andun si Klea na mag-isang natutulog. Nasa guess room kami nila Jungkook madami na kaming najobus kase tinulungan kami nila Jimin at nila Gillian.

Bumangon ako at napanganga ng makita ang wall clock na 9:00 na pala ng umaga late na kami. Mabilis kong ginising si Klea na tulog pa. "Mmm!" Ungot niya at nagtalukbong ng kumot.

"Gumising kana, late na tayo." Sigaw ko kay Klea at niyugyog siya. Pinalo lang niya ang kamay ko.

"W-walang pasok." Sagot niya at nagtalukbong ulit ng kumot. Di ako naniniwala.

Nilapitan ko si Mica at niyugyog ng unti. "Besty, late na tayo." Sabi ko kay Mica.

"W-walang pasok." Sabi ni Mica.

Napakamot ako sa ulo ko bakit walang pasok? Dapat pala hindi ako natulog ng maaga, eh! Ako lang ang pinakaunang natulog samin kaya yan tuloy wala akong ka alam alam sa nangyayari.

Bumaba ako sa baba at walang katao tao mga tulog pa ata sila. Nagpunta ako sa kusina para uminom ng tubig at nagulat ako ng may lalaking nagsusuka. Bigla niyang inangat ang ulo niya kaya nakita ko ang muka niya, nagkatinginan kami kaya ako na mismo ang unang umiwas.

Tinalikuran ko siya at akmang lalabas na ng kusina ng tawagin niya ako. "L-larice, p-paki t-timpla ako ng k-kape." Pakiusap niya.

Tinignan ko ulit siya at naupo siya sa maliit na daning table dito sa kusina na alam ko na dining table ng mga kasambahay nila. Pero wala naman akong nakitang kasambahay dito, siguro pinagday off muna nila.

"O-okay." Nauutal kong sabi.

Nagstart na akong magtimpla ng kape at ng tignan ko siya ay nakadukdok siya sa lamesa. Ng matapos kona ang tinitimpla ko ay inilapag ko sa tabi niya ang kape. At napatakip ako ng ilong ng maamoy ang alak sa kanya.

"Jungkook, eto na yung kape mo." Sabi ko kay Jungkook at hinimas himas ang likod niya.

Hindi siya sumagot. "Jungkook!!" Tawag ko ulit sa kanya at nagulat ako ng itayo niya ang ulo niya at tumingin sakin na lasing na lasing. Nagulat ako sa sunod niyang ginawa bigla niya akong niyakap habang nakaupo siya sa upuan at ako ay nakatayo, hinigpitan niya ang pagkakayakap sa bewang ko at isinubsob sa tiyan ko ang muka ko.

"J-jungkook!!" Nauutal kong sabi at pilit na tinatanggal ang yakap niya sakin. Pero hinihigpitan lang niya lalo ang pagkakayakap niya sa bewang ko.

"D-don't l-leave me, p-please!! D-don't l-leave me l-like w-what she d-did before." Nauutal niyang sabi.

Napalunok ako at napahinga ng malalim. Ano bang sinasabi niya, sino ba ang nang-iwan sa kanya dati? "P-please!!" Sabi niya. Bigla naman akong naawa sa kanya. Hindi ko alam na may ganto pala siyang karanasan.

Akala ko pagmayaman masaya ang buhay, pero mukang masaya pa ang buhay namin nila mama kaysa sa buhay nila. "Jungkook!! Laseng ka lang." Sabi ko kay Jungkook. Shit ang lakas ng tibok ng puso ko.

Umiling siya. "N-no, i-im not d-drunk." Sabi niya. Bigla naman akong natawa dahil sa sinabi niya, amoy na amoy ko ang alak sa kanya tapos sasabihin niya na hindi siya lasing.

Bigla akong nagulat sa sunod niyang ginawa, bigla niya akong hinila at napaupo ako sa kandungan niya tapos ipinalupot niya ang mga kamay niya ang bewang ko at isinubsob niya ang muka niya sa leeg ko. Bigla akong kinilabutan ng maramdaman ang hininga niya sa leeg ko.

Tatayo sana ako ng pigilan niya ako at lalong humigpit ang pagkakayakap niya sakin. "D-don't move, please. K-kahit ilang m-minuto l-lang ganto muna tayo. Kahit ilang minuto lang wag muna tayong mag-away, please! I just want to f-forget the p-pain." Sabi ni Jungkook kaya napatango nalang ako.

May isang minuto na ganun ang position namin. "Ohmyghad!!" Napalunok ako at para akong ipinako sa kinauupuan ko ngayon. Dahan dahan akong napalingon sa sumigaw at nakita ko sila Namjoon na nakatingin samin ni Jungkook. At ang sumigaw ay si Gianna, napatingin ako kay Klea na nanggilid ang luha at tumakbo palabas. Wala namang nakapansin sa kanya kundi ako lang.

Tatayo na sana ako ng pigilan nanaman ako ni Jungkook. Pilit kong tinatanggal ang kamay niya pero lalong lang humihigpit. "It's fine." Nagulat ako sa sinabi ni Namjoon.

"H-huh?" Naguguluhan kong tanong.

"He's drunk and he's in pain now. So please!! Comfort him." Seryosong sabi ni Namjoon kaya napatango nalang ako bigla.

Lumabas na sila ng kusina kaya kami nalang ulit ni Jungkook. Napansin kong nakatulog si Jungkook kaya dali dali akong umalis sa pagkakakandong sa kanya at mabilis na lumabas sa kusina at iniwanan ko siyang natutulog sa kusina habang nakaduksok sa lamesa.

Naabutan ko sila na nagjojobus ng mga damit tapos sila Gillian at Namjoon ay tinitignan ang mga pangalan ng damit tapos ililista nila kung sino ang meron na. Tapos si Gianna at si Taehyung ay ichinecheck ang mga nakulekta nila kahapon na 200 pesos.

(Jungkook's POV)

Nagising ako ng biglang kumirot ang ulo ko dahil sa hangover ko. Napansin ko din na wala na si Larice sa kandungan ko. Bigla naman akong natawa dahil sa ginawa ko kanina. I guess step by step I'm falling. Napailing nalang ako sa iniisip ko at tumayo na, napansin ko ang kape sa tabi ko at napangiti ako dahil tinimpla ni Larice iyon kaya inimon ko iyon at inisang tungga.

Lumabas ako sa kusina at nakita ko si Namjoon na papalapit sakin. "Are you feeling okay now?" Nag-aalala niyang tanong.

Ngumiti ako kay Namjoon at tumango. "Yes." Sagot ko at aalis na sana ako ng magsalita ulit siya.

"About kay Larice. She's not a toy Jungkook na pwude mong gamitin at itapon nalang pag ayaw mona." Seryosong sabi ni Namjoon. Alam ko naman na pinagsasabihan niya lang ako kase sobrang playboy ko at pagnagsawa na ako sa babae ay iiwanan ko nalang na umiiyak. But now, iba na.

Ngumiti ako sa kanya. "I'm falling." Sagot ko kay Namjoon

Napansin ko ang pag kagulat sa muka niya. Pero mabilis din niya iyong nabawi at natawa. "Are you serious?" Natatawa tawa niyang tanong. Habang hindi makapaniwala.

"I already move on sa past ko. At sa pagiging babaero ko. And now im ready to fall inlove again. But now, in the right person naman." Nakangiti kong sabi kay Namjoon.

Napatango siya sakin at tinapik niya ang balikat ko. "Your matured now. Your not a baby, Jungkook. Don't hurt her. Dahil sigurado ako na siya na ang katapat mo." Sabi sakin ni Namjoon.

"Oo naman, gagawin ko ang lahat para mainlove siya sakin." Sabi ko kay Namjoon.

"Good to hear that!" Nakangiti niya sakin.

"Sige. Punta muna ako sa backyard." Sabi ko at tumango lang si Namjoon at pumunta na sa kusina.

Pagdating ko sa backyard ay hinanap agad ng mata ko si Larice at nakita ko siya na nagjojobus ng damit. Nangiti ako. "Now, I'm ready to fall inlove again. And im falling for her." Nakangiti kong sabi sa sarili ko at lumapit kay Larice.

Napatingin siya sakin at ngumiti tapos itinuon sa jinojobus ang paningin. "Need help?" Tanong ko sa kanya.

Tumingin siya sakin at tumango. "Yap!" Nakangiti niyang sabi kaya napangiti din ako. She's cute.

Naupo ako sa tabi niya. "Your cute." Sabi ko habang nakatingin sa kanya.

Bigla naman itong umiwas ng tingin at yumuko, lalo akong nangiti ng mamula siya. She's blushing again, hindi siya sumagot kaya ginulo ko ang buhok niya. "Don't be shy." Sabi ko.

"I'm not shy." Sabi niya.

Natawa naman ako. "Yes, you are." Sabi ko.

"No, im not."

"Yes, you are."

"Fine!! Im shy, happy?" Pairap niyang sabi.

"Yes, im happy!" Sabi ko kaya natingin siya sakin at nagkatinginan kami siya na mismo ang unang umiwas. Lagi naman, eh!

_larayxssss_

Mr Playboy Is Inlove (BTS Series #1)|Jeon Jungkook||Complete|Where stories live. Discover now