Chapter - 10 Text Message

176 9 0
                                    

Larice Joyce's POV

"Besty, tumayo kana dyan." Sabi ni Mica sakin habang nakahiga ako sa kama ko.

"Oo nga naman, malalate na tayo, eh!" Sabi naman ni Klea.

Hindi ko sila pinansin at tumagilid tapos humarap ako sa may pader. "Kakausapin nalang namin si Jungkook. Sasabihin namin na mag-sorry sayo." Sabi ni Mica.

"Sa tingin ninyo papansinin kayo nun." Sabi ko sa kanila.

Rinig ko ang pag-hinga nila ng malalim. "Papasok na kami. Text mo nalang kami kung papasok ka ha!" Sabi ni Klea.

Tumango ako habang nakatagilid. "Sige, salamat." Yun nalang ang nasabi ko tapos narinig kona ang pag-bukas ng pinto at pag-sara.

Kaya mabilis akong bumangon sa kinahihigan ko at naupo sa sofa. Inihiga ko ang ulo ko sa sandalan ng sofa at huminga ng malalim, nagulat ako ng tumunog ng tumunog ang cellphone ko. Sa facebook yun at sa instagram.

Pag-bukas ko ng cellphone ko napanganga ako sa nakita ko. Tang ina!! Itinag ako ni Jungkook sa facebook at sa instagram tapos ipinost ang picture ko na natutulog sa room, habang may drawing sa muka, yung kahapon yun, eh!

Ang daming nag-react, puro HAHA sa facebook tapos sa instagram ang dami din nag-comment. Binitawan ko ang cellphone ko at pinagbabalibag ang pillow dito sa sofa. Hayop ka talaga Jeon Jungkook!

Kung pwude lang pumatay inuuod na sa libingan yung hayop na lalaking yun. Hayop talaga, nanggigigil ako sayo. Makakaganti din ako sayo buwisit ka talaga, ginugulo mo ang tahimik kong buhay. Hayop ka! Mapapatay talaga kita.

Binuksan ko ang facebook at nakita ko ang daming comments.

(Confirm guys! Sila nga, siya palang ang babaeng nilapitan ni Jungkook. Except sa lima na sila Gianna, Charice, Nicole, Armee, and Gillian)

(Bat ba lagi nalang kayong mag-kasama?)

(Guys, suko na talaga tayo kay Jungkook)

(Kayo ba ate girl?)

(Ano bang relasyon ninyong dalawa?)

(Mang-aagaw.)

(Dika maganda, mukakang pusa)

(Nakakatawa ka kaya ate girl kahapon. Walang kaalam alam na may nakadrawing sa muka niya)

(HAHAHAHAHA ang panget)

(Nakakadiri ka. Di kayo bagay)

(Hi, Scholarship girl HAHA. Poor girl)

(Hindi ka magugustohan ni Jungkook. Never!!)

Tinigil kona ang pag-babasa ng comments mabubuwisit lang ako. Nanggigil lang ako sa kanila mga hayop na yan, HINDI KO DIN MAGUGUSTOHAN ANG JUNGKOOK NINYO!! ISAKSAK NINYO SA BAGA NINYO.

"NAKAKAINIS!!" Sigaw ko at sinipa sipa ang unan na nakabagsak sa sahig.

"Gagantihan ko ang gagong yun." Sabi ko ulit sa sarili ko. At kunyareng umiiyak sa inis.

Habang tahimik akong nakaupo sa sofa at nag-mumuni muni. Nag-vibrate ang cellphone ko, kinuha ko ang cellphone ko mula sa tabi ko at binuksan. May nag-text sakin, kaso unknown number.

[Buy me strawberry, and strawberry ice cream] from unknown number

Napakunot ang noo ko, sino ba tong gagong to? Baka nawrong send lang kung sino to! Naisipan kong pumasok kaya naligo na ako at nag-bihis na din. Nang pag-dating ko sa sala kinuha ko ang cellphone ko at may nag-text nanaman yung unknown number nanaman.

Mr Playboy Is Inlove (BTS Series #1)|Jeon Jungkook||Complete|Where stories live. Discover now