Chapter - 12 Word's Hurt

183 12 0
                                    

Larice Joyce's POV

"1999 nung ako'y nakapatay nakita ni bulag narinig ni bingi nagsumbong si pipe tumakbo si pilay!" Nakapamot ako sa ulo ko at tinignan ng masama si Mica.

Naramdaman niya siguro na nakatingin ako sa kanya kaya tumingin siya sakin tapos tumawa ng pilit. At nag-peace sign. "Sorry, besty." Natatawa tawa niyang sabi.

"Kaingay mo." Inis kong sabi.

Nakaupo kami ngayon sa lapag at nakapatong ang mga gamit sa maliit na glass table dito sa sala ng apartment namin. Gumagawa kase kami ng irereport namin tungkol sa lesson namin.

Walang pasok mgayon kase daw gagamitin ang school namin para sa isang important event. Huwebes ngayon at bukas friday na, malapit nang mag weekend.

"Besty, wag kanang kakanta ulit, ah!" Pakiusap ko kay Mica.

"Hindi naman kanta yun, eh!" Sabi niya.

Napahilamos ako sa muka ko at humarap sa kanya tapos ngumiti ng pilit. "Kanta yun, besty. Tapos yang kinakanta mo nung araw pa yan. At para sabihin ko sayo mali mali ang lyrics mo." Nakangiting pilit kong sabi sa kanya.

Inirapan niya ako. "Oo na." Sigaw niya sakin.

"Good."

Nag-sulat na ulit kami ng irereport namin bukas para sa lesson namin, napatingin ako sa pintuan. Bat kaya wala pa si Klea. "Besty si Klea nga pala nasan?" Tanong ko kay Mica.

Tumingin siya sakin at nag-kibit balikat. "Ewan ko dun! Hayaan mo siya." Sabi ni Mica kaya napailing nalang ako. Kahit kailan talaga tong babaeng to.

Natapos na naming gawin ang report namin para bukas kaya nag-luto na ako ng tanghalian namin. Nag-saing si Mica. "Besty, gusto mo ng talong?" Tanong ko kay Mica.

Tumango siya. "Oo, damihan mo, ah!" Sabi niya kaya kumuha na ako sa ref at pinirito ang talong.

Ang ulam namin ay piniritong tilapya tapos piniritong tocino. Then may talong din tapos ang ginawa kong sawsawan ay itlog na pula na may kamatis tapos sibuyas at may patis na unti.

Nang makaluto na kami naupo na kami sa lamesahan at nag-sandok na ng pag-kain. Habang kumakain kami nakataas ang isa naming paa, nakasanayan na, eh! "Besty, hindi ba nag-text sayo si Klea?" Tanong ni Mica sakin.

Sumubo ako ng kanin at ulam tapos umiling sa kanya. "Hindi, bakit?"
Tanong ko sa kanya.

"Wala pa, eh!" Sabi niya.

Tumingin naman ako sa pinto, ano kayang nangyare sa gagang yun? "Baka naman may ginagawa." Sabi ko sa kanya.

"Baka nga." Sabi niya at kumain na kami.

Nang matapos kaming kumain nagligpit na ako at si Mica ang nag-urong, tapos pinunasan ko ang lamesa. Nang matapos na ang ginagawa namin naupo kami sa sofa habang nakataas ang paa, si Mica sa solo sofa at ako ay sa mahaba. Habang nakaharap kami sa TV at nanunuod.

Habang nanunuod kami ng TV biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at tinignan ang nag-text. Si Klea pala akala ko kung sino nanaman ang mag-tetext sakin, inopen ko ang message niya.

[Besty, wala ako sa apartment. May pinuntahan ako. Sorry dahil hindi ako nakapagpaalam ng maayos. Babalik ako bukas. Didiretso na ako sa school. Ingat kayo] from klengkleng

[Okay!! Ingat ka din] to klengkleng

"Sino yan?" Tanong ni Mica.

"Si Klea!! Umalis daw siya, baka daw bukas na siya makauwi at didiretso na daw siya sa school." Sagot ko sa tanong ni Mica.

Mr Playboy Is Inlove (BTS Series #1)|Jeon Jungkook||Complete|Où les histoires vivent. Découvrez maintenant