Chapter - 28 I'm Sorry For Using you

154 11 0
                                    

(Larice Joyce's POV)

It's monday morning at masaya akong bumangon mula sa hinihigan ko. Nakaalis na din si Zyron kagabi para bumalik sa probinsiya. Ang saya ng birthday ni Zyron kahapon nagparty party kami kahit aapat lang kami. Hindi naman kami uminom, nagpakalasing lang kami sa softdrinks.

Naligo na ako at nag-ayos na ng sarili nagbihis na din ako ng uniform at ng matapos akong mag-ayos sakto naman na tapos na din mag-ayos si Mica kaya lumabas na kami ng apartment. At maya maya pa lumabas na si Klea mula sa apartment niya tapos sabay sabay na kaming pumasok sa university.

Ng makarating kami sa university huminga ako ng malalim. Wag naman sanang bumalik kami ni Jungkook sa dati. Parang diko kaya, nasanay na ako na lagi siyang kasama. Hirap pala talaga pag-inlove hanep na puso nato. Kung kaya ko lang turuan kung sino mamahalin ko, baka umpisa pa lang masaya na ako! Kaso hindi eh!

Ang puso natin, pinipili niya kung sino yung taong magpapasakit satin ng lubusan but in the end magiging masaya kayo. Sana ganun din kami ni Jungkook! But i guess we're not. Because we're not the same.

Habang naglalakad kami sa hallway nagulat ako ng may biglang humarang sa daan namin. At ng makita ko kung sino ay si Sandy pala at himala may kasama siyang minios niya. May nagchachaga pala sa ugali natong babaeng to.

"Ayuko ng gulo, Sandy." Walang gana kong sabi kay Sandy at lalagpasan kona sa siya ng bigla niyang hawakan ang braso ko at patulak akong pinabalik sa puwestuko kung san ako nakatayo kani-kanina lang.

"Kung ayaw mo ng gulo. Matuto kang dumistansiya sa lalaking may girlfriend. Hindi yung pinagsisiksikan mo yang sarili mo kay, Jungkook. You bitch. Tsk." Mataray na sabi ni Sandy at naglakad na palayo samin.

"Kaarte talaga ng babaeng yun." Inis na sabi ni Mica.

"Kaya nga, eh! Pokpok naman." Bigla akong natawa sa sinabi ni Klea. Wala talagang preno ang bunganga ng babae to.

"Why? Why, are you smiling?" Nagulat ako ng bigla akong tanungin ni Klea

Tinignan ko siya habang nakatawa ako. "It's nothing." Sagot ko kay Klea.

"Are you sure, besty?" Yanong naman ni Mica.

Tumango tango ako. "Yes"

Naglakad na kami paakyat sa hagdan papunta sa room namin. At ng makarating kami sa room namin nagulat ako ng andun na si Jungkook pero wala pa ang mga pinsan niya. Nagkatinginan kami at siya na mismo ang umiwas ng mga tingin sakin, bigla naman akong napayuko sa ginawa niya.

Parang may biglang kumurot sa puso ko dahil sa ginawa niya. Dati kase ako ang umiiwas ng tingin but now, siya ang umiwas. And for that, it hurts.

Naupo ako sa tabi niya tapos nilingon ko siya at ngumiti sa kanya kahit ang mga tingin ni Jungkook ay diretso lang sa harap. "Good morning." Masaya kong bati kay Jungkook.

Tinignan niya ako ng wala kahit akong ekspresyon sa muka niya. Why? Dati dati pagnagkakatinginan tayo ramdam kong masaya ang mga mata mo. But now, you look sad, and you look angry. Why?

"Wala maganda sa morning kung ikaw ang makikita ko!" Sarcastiko nitong sabi sakin.

Bigla akong napayuko dahil sa sinabi ni Jungkook hindi kona siya pinansin. Pero nagulat ako ng magsalita siya. "Larice, i think. We need to go back to what are we before." Sabi niya. Biglang nanggilid ang luha ko sa sinabi niya.

"Bumalik tayo sa dati ng walang pagaalinlangan. I don't want you to be my friend anymore. Or kahit ano pa man, because you can't be. Your my enemy. Since the first place. At sana kalimutan mo nalang din na naging close tayo." Dabi ni Jungkook habang hindi nakatingin sakin. Nakadiretso lang ang tingin niya sa harap.

Mr Playboy Is Inlove (BTS Series #1)|Jeon Jungkook||Complete|Where stories live. Discover now