Chapter - 38 Couple Shirt

131 10 0
                                    

(Larice Joyce's POV)

"Guys!!!" Sigaw ni Armee at nagtitili tili dito sa loob ng apartment namin ni Mica.

"Napakaingay mo, Armee." Sita ko kay Armee.

"Kaya nga. Napakabungangera mo kahit kailan." Singit naman ni Nicole.

"Oo na! Ako na maingay, mga buwisit kayo!" Pairap na sigaw ni Armee.

Tumawa ng malakas si Charice. "Napipikon nanaman siya." Pang iinis ni Charice.

"Mapang-inis ka din talaga hano!" Sabi ni Gianna sa kakambal.

"Mana mana lang yan." Natatawa tawang sabi ni Charice.

"Guys, maglubay na nga kayo. Ano plano mamaya?" Tanong ni Gillian.

"Pupunta tayo sa mansion ng mga boys mamaya. Then after that anong gagawin?" Tanong naman ni Mica.

"Basta ako may date after sa mansion nila Jungkook." Singit ko. Kaya nagtinginan sila saking lahat at umasim ang muka.

"Sanaol nalang." Sabay sabay nilang sabi kaya natawa ako.

"Nga pala mga girls! Nagchat sakin si Namjoon, na something white daw ang isusuot." Singit ni Nicole.

"Eh, kung yung nakuha nalang kaya natin na damit nung nagshopping tayo. Yung may half heart, yun nalang kaya ang isuot natin!" Sabi ni Mica.

Nagtanguan ang iba. "Sige, para matchy matchy tayo." Nakangiting sabi ni Gianna.

"Agree ako dun." Sabi ko naman.

"Sige, yun nalang din. Dala ninyo ba?" Tanong ni Gillian.

"Oo, dala namin." Nakangiting sabi ni Charice.

"Dito nalang kayo magbihis!" Sabi ni Mica.

"Yes po."

*Ff*

[Susunduin kita!] from jungkook

[Hindi na, kasabay ko naman sila gianna, eh. May dala silang sasakyan] to jungkook

[Susunduin kita.] from jungkook

Napahinga ako ng malalim maipilit talaga ng sungit nato. Dapat lahat ng gusto niya ang nasusunod kainis naman, oh. Wala na akong magagawa may tuldok na eh.

[Sige] to jungkook

[Okay, Otw na ako] from jungkook

[Sige, take care] to jungkook

[Yes, master. Iloveyou] from jungkook

[HAHA😂master ampt Iloveyoutoo] to jungkook

"Ehemm!!" Bigla akong napabaliwas sa malakas na sigaw na yun. Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat, nilingon ko kung sino man ang impaktang nanggulat sakin. Napailing nalang ako ng lahat pala ng kaibigan kong babae yun.

"Sino nanaman yang katext mo?" Tanong ni Mica.

"Syempre, sino pa ba edi ang nag-iisang Jeon Jungkook." Sabay sabay na sabi nila kaya natawa nalang ako.

"Mga baliw talaga kayo." Sabi ko.

"Mana lang sayo." Sagot ni Armee.

"Maiba tayo. Hindi na pala ako makakasabay sainyo kase susunduin daw ako ni Jungkook." Sabi ko sa kanila.

"Ok po, Mrs Jeon. Ayiee." Pagkasabi nun ni Gianna nagtilian na sila.

"Maglubay nga kayo." Nakangiti kong sabi sa kanila. Ang sarap pakinggan ng Mrs Jeon.

Mr Playboy Is Inlove (BTS Series #1)|Jeon Jungkook||Complete|Where stories live. Discover now